Chapter 30

2 0 0
                                    

Chapter 30: Selena's Back (FINALE)

AUTHOR'S NOTE:

Welcome to the Final Chapter of Prom Queen. After 1 Year, magtatapos na ang kwento ni Selena. Thank you sa inyo at sorry again sa mga maling spellings dahil mabilis po akong magtype. Sorry din sa late updates sa mga nakaraang araw. Busy narin ako dahil sa school.

Anyways, dahil magtatapos na ang Book 1 ay magkakaroon ng Book 2 ang Dark Side of Montenaro. Tune in nalang po sa updates. Again, this is GVB AND THANK YOU!

-GVB

SELENA'S POV

Muli kong idinilat ang mga mata ko. Naaninag ako sa ilaw kaya mabilis akong nagising. Nilinga ko ang ulo ko sa paligid at nakita kong nasa loob ako ng kwarto ng ospital. Naramdaman ko kasi ang dextrose kaya naisip ko agad na nasa ospital ako.

Teka, paano nga ba ako nakabalik sa katawan ko? Ano na yung mga sinabi sa akin ni Mary?

Naglalakad ako sa puting lugar at napagmasdan kong naghihintay si Mary sa akin.

"Mary!"

Lumingon agad siya sa akin. Ano kaya itong sasabihin nya sa akin?

"Selena, nandito ulit tayo. Nagkita nanaman tayo."

"Of course. Teka, may sasabihin ka ba?"

"Oo. Sorry pero dito na nagtatapos ang misyon ko. Nakaganti na ako sa mga pumatay sa akin, lalo na kay Carla."

"Hala! So, paano na yan? Saan ka na pupunta ngayon at kaluluwa ka nanaman?"

"Wala. Gagala-gala parin ako. Napansin ko ding pumuti yung damit ko at umayos ang korona ko."

"Oo nga. You deserve a crown like that. Tunay kang mabuting tao sa amin kaya salamat at bumalik na ulit sa dati ang Montenaro."

"Hindi mo sure, Selena. Kahit naman tapos na ang paghihiganti ko ay may ibang bagay nanamang poproblemahin ang bayan."

"Sa bagay. Ayaw ko na ding makaranas ng ganitong uri ng pananakit."

"Ano pang hinihintay mo? Bumalik ka na sa katawan mo!"

"Babalik ako?"

"Of course, kailangan mong bumalik. Tinanggal lang naman kita sa katawam mo dahil gusto kong ako mismo ang gagawa ng ikasisira nila."

"Thank you ulit, Mary. See you soon!"

"See you soon!"

At sa pagkakataong ito ay niyakap ko sya. Napagtagumpayan niyang makaganti sa mga nanakit at pumatay sa kanya. At dito na nagtatapos ang pagkikita naming dalawa ng unang Prom Queen.

"MARY, GISING KANA ULIT!!!" Nagulat ako nang biglang pumasok sila Hilary sa kwarto ko.

"Hoy! Call me Selena, again!"

"Huh?"

"Yah! Bumalik na ako sa katawan ko at bumalik narin si Mary kung saan nya gusto."

"Dadalaw-dalawin nanaman tayo? Tatakutin nanaman tayo?" Pasigaw na sabi ni Cass.

"Hindi naman nakakatakot. Actually, pumuti na ang damit nya at gumanda na ang korona nya. At sabi ko, bumalik sya anytime para may update sya sa atin."

"Salamat sa inyo ni Mary. Kung hindi dahil sa inyong dalawa, baka patuloy parin ang kadiliman sa bayang ito."

"Walang anuman, Hilary. Kung may katawan pang mapapaghiraman si Mary baka kasama pa natin sya ngayon." Panghihinayang kong sabi.

"Alam mo Selena, kung nasaan man si Mary ngayon, masaya sya ngayon. Wala nang iisipin ang bayan tungkol sa kanya. Alam na nilang si Carla ang mamamatay-tao."

Prom QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon