Chapter 17: Bloody Eyes
SELENA'S POV
"Selena, ok ka lang? Bakit dumudugo yung mata mo?" Nakita ako ni Hilary na dumudugo ang mga mata ko.
Lumingon ako sa salamin at oo, dumudugo ang dalawa kong mata. Lumuluha ng dugo.
"Hoy Selena!"
"Mary is back!"
At sa mga oras na ito, pumikit ako at bumagsak ang buong katawan ko sa sahig. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari dahil nawalan na ako ng malay.
HILARY'S POV
Bumagsak ang katawan ni Selena dahil sa pagluha nya ng dugo. Wala naman syang sakit pero paano ito nangyari sa kanya?
"Selena? Selena?!" Ginigising namin sya pero wala talaga. Agad namang tinawag ni Cass si Tita Susan para dalhin si Selena sa ospital.
"Tita, si Selena nahimatay!"
Agad umakyat sila tita sa kwarto para buhatin si Selena at dalhin ito ulit sa ospital. Hindi namin alam kung paano lumuha ng dugo si Selena.
"Jusko, ano bang nangyari?" Tanong ni lola sa amin.
"Hindi po namin alam, La. Bigla nalang po siyang lumuha ng dugo." Paliwanag ko.
Sobrang takot at kaba ang bumabalot sa buong bahay. Ayoko ding mangyari ito sa amin ni Cass. Paano sya lumuha ng dugo?
ROSAURO'S POV
Dumilat ako at napansin kong nasa loob ako ng ospital. Saglit lang, sinundo lang kami ni Mary kanina. Paano ako nabuhay?
Nilingon ko ang ulo ko sa buong kwarto. Maliwanag at maaliwalas. Pumasok naman ang doktor na nag-aasikaso sa akin dito.
"Oh, gising kana pala. Walang masakit sa'yo?"
"Wala naman po doc. Natanggal na po ba yung bala?"
"Oo, buti nga nadala ka pa dito sa ospital. May dadating ditong nurse mamaya, ichecheck yung tahi mo tsaka kung may kailangan ka, pindutin mo lang yung button sa kama mo. Ok?"
"Ok po. Thank you po."
Palabas na si doc ng bigla kong maalala si Alvin. Kamusta na kaya sya? Nakaligtas kaya sya?
"Ay doc, may nakalimutan pa pala ako."
"Ano yun? Huwag kang mahiyang magsabi."
"May kilala po ba kayong Alvin Rosario? Baka po nadala po sya dito?"
Natahimik bugla si doc sa sinabi ko. Baka may nanyaring hindi maganda kay Alvin. Hindi talaga ako matahimik kaiisip sa kanya. Naaawa din ako kung ano man ang lagay nya ngayon.
"Uhm, mamaya itatanong ko sa front desk kung may nakalistang Alvin Rosario. Kakilala mo ba sya?"
"Opo. Hindi lang po kakilala, kaklase at matalik ko po syang kaibigan."
"Ahh. Ok, sabihin ko sa front desk kung meron. Magpahinga ka muna dyan."
Sinara na ni doc ang pintuan sa kwarto ko. Pagkatapos ay tumulo naman ang mga luha ko dahil naalala ko si Alvin at Mary. Sobra akong nanghihinayang dahil hindi ko man lang sila nailigtas.
Natulog muna ako habang wala pang dumadalaw sa akin. Dahil sa labis kong kaiisip sa kanilang dalawa ay hindi ko akalaing mapapanaginipan ko si Mary.
Isang gabi dito sa ospital, naglalakad ako sa hallway. Madilim pero may konting mga ilaw sa kisame. Nilalakad ko ito hanggang sa tumigil ako nang makita ko si Mary sa isang silid.
BINABASA MO ANG
Prom Queen
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 1) A happy and beautiful school year at Montenaro University will be bloody, chaotic, and scary because of the murder of the prom queen. The whole school can do nothing. But one question rests with them, will they run or...