Chapter 8

1 0 0
                                    

Chapter 8: Mary's Smile

Lagi nalang ako ang bukang-bibig ng lahat ng estudyante sa Montenaro University. Ako lang ang binubully, sinasaktan, pinagtatawanan. Ayoko nalang silang patulan at baka sa akin pa nila isisi ang lahat.

Balik tayo sa nangyari, nakita ko nalang ang class picture na may katabi ako sa dulo kahit ako lang naman ang nasa dulo. Hindi talaga ako malubayan ni Smile. Kahit ba naman sa class picture namin ay magpapakita siya.

"Anak, bakit ba naman may katabi ka dyan na nakakatakot?"

Saka nga pala, nag-uwian na kami kanina at agad akong umuwi sa bahay para ipakita kay mama ang litrato.

"Malay ko po. Nasa dulo naman ako. Wala na akong ibang katabi kung hindi si Jennifer. Hindi pa kasi ako lubayan nyan."

"Lubayan? Nino?"

"Nyan! Yung katabi ko dyan!"

"Ano ba kasing ginawa mo?"

"Hindi ko pa naman siya nakikita, as in never! Pero simula nung napanaginipan ko sya, hindi na siya umaalis sa buhay ko."

Hindi na alam ni mama ang sasabihin niya. Hindi ko na nga rin alam ang gagawin kung paano paalisin si Smile. Parang habangbuhay ko na siyang kasama, ganun ba?

SELENA'S POV

"SELENA!!!" Sumigaw si mama. Enrollment na naming tatlo at sabay sabay na kami.

"Pababa na po!"

"Bilisan mo kasi! Nagmamake-up ka pa, magpapaenroll ka lang!" Sabi ni Hilary kay Cass.

"Malay mo, may mga pogi dun."

"Hay nako, mabuti pa mauna na akong bababa. Hintayin ko nalang kayo sa labas, naghihintay na yung kotse." Sabi ko.

"Sige, hintayin ko lang si Cass." Sabi ni Hilary.

"Saglit lang naman!"

"Bagal kasi."

Ilang minuto lang ang layo mula sa bahay hanggang sa Montenaro University. Nakarating na kami sa school na papasukan ko.

"Selena, anong course mo nga pala?" Tanong ni Hilary.

"Accountancy. Ikaw?"

"Flight Attendant, under BS Tourism Management."

"Wow naman. Mastered mo na ba mga galawan ng FA?"

"Kaya nga mag-aaral di ba? Ikaw Cass, anong course mo?"

"Uhm, hindi ba't sinabi ko na sa'yo last year na FA din ang kukunin ko?" Sabi ni Cass.

"Oh, edi magkaklase pala tayo?"

"Yiieeee!" Nagyakapan silang dalawa. Ang saya naman nilang dalawa. Magkaklase pa talaga.

"Oh, bakit malungkot ka?" Tanong ni Hilary.

"Hindi. Wala lang. Buti kayo magkasama sa course. Ako lang naiwan, haha."

"Hinde! Wag ka naman ganyan teh. Nasa iisang school parin naman tayo, hindi ba?" Sabi ni Cass.

"Tama si Cass. Kahit magkaiba tayo ng course, iisa lang naman tayo ng school. At syempre, sa iisang kwarto din tayo natutulog." Sabi ni Hilary.

Ngumiti ako at niyakap silang dalawa. Muling gumaan ang loob ko. Akala ko pa naman maghihiwalay kami ng landas.

"Hoy kayong tatlo! Aalis muna kami at may aasikasuhin lang kami sa bangko. Maiwan na muna kayong tatlo." Sabi ni mama.

"Sige po!"

"At saka pala, magchat lang kayo kung susunduin namin kayo o kayong tatlo nalang ang uuwi. Ha?"

Prom QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon