Chapter 21

0 0 0
                                    

Chapter 21: The Past of Susan

MARY'S POV

Sumapit na ang gabi. Tulog na silang dalawa at ako naman ay katatapos lang sa paglalaro ng mobile game. Bumangon ako at lumabas para uminom ng tubig.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit madilim. Dito lang sa hallway namin bukas ang ilaw. Pagkarating ko ng kusina ay binuksan ko ang aming ref. Hindi ko pa nailalabas ang tumbler ay parang may narinig akong naglakad sa salas.

Sinara ko ang ref at lumingon sa salas pero ni anino o katawan ay wala akong nakita. Ginalaw ko ang ulo ko sa paligid ng bahay pero wala talaga akong nakitang tao o anino. Pagkatapos kong uminom ay nilapag ko ang baso sa lababo. Pero wala pang limang segundo ay narinig ko nanaman ang yapak.

"Hello?" Tumingin ako sa harapan pero wala talaga. Katahimikan ang bumalot sa akin at sa pagkakataong ito ay nagpatay-sindi naman ang mga ilaw.

"No."

Ilang saglit lang ay biglang gumalaw ang isa sa mga upuan sa dining table. Dito na nagsimula ang takot ko. Walang ibang tao dito sa baba kung hindi ako lang. Tulog na silang lahat at ako lang ang gising.

Pero mas nangibabaw ang takot ko nang biglang may nabasag na paso at isang bumbilya. Ngayon ay nakasandal na ako sa lababo at nakahawak ang dalawa kong kamay dito, at wala na akong ibang ginawa kung hindi sumigaw ng malakas.

"WHHHAAAAHHHHH!!!"

HILARY'S POV

"Teh! Teh! Teh!" Paulit-ulit akong tinatawag ni Cass pero ayaw ko talagang gumising.

"Hilary, gumis–"

"Ano?! Anong problema mo?" Bumangon na ako dahil hindi ko na sya matiis at naiingayan na ako.

"Si Selena, nagsisisigaw sa baba. Ang lakas kaya."

"Ano?"

Mabilis akong bumangon at agad kaming bumaba. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga bubig sa sahig. Nabasag ang paso tsaka ang isang bumbilya sa may salas. Lumingon ako sa bandang kusina at nakita kong nakahiga si Selena sa sahig at umiiyak.

"Selena, jusko po!"

"Hilary! Cass!"

Niyakap ko agad sya ng mahigpit. Dumampi naman sa braso ko ang mga tulo ng luha nya. Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak kahit nakahandusay na sya sa sahig.

"Ano bang nangyari? Selena, anong nangyayari sa'yo?" Nagising din si Tita Susan dahil sa lakas ng sigaw ni Selena.

"Maaa! Ayoko na. Please!"

"Ha? Anong ayaw mo na? Selena, kailangan mong lumaban. Kakasimula palang ng klase mo, ganyan kana agad. Ayaw naman naming mapag-iwanan ka nila Hilary at Cass."

"Hilary, Cass, dalhin nyo muna ako sa kwarto. Gusto kong magpahinga."

"Apo ko,ano bang nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Naparito din pala si lola. Lahat yata ng mga nakatira dito ay narinig ang sigaw ni Selena. Baka nga pati mga kapitbahay.

"Ma, hayaan nyo po muna yung apo ninyo na makapagpahinga dahil sa labis na takot. Baka na-trauma na yang anak ko."

"Hay nako, Susan."

Dinala na namin si Selena sa kwarto para mamahinga sya. Paano nga ba sya nagkaganito? Bakit siya sumigaw ng napakalakas kanina?

Umupo si Selena sa kama habang kami ni Cass ay pumwesto naman sa likod nya at nakasandal ako sa pader. Sana makatulog na ako ng maayos mamaya para wala na akong aatupagin. Wala lang din naman kaming pasok bukas.

Prom QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon