Chapter 9: Mary is The Prom Queen
"Omyghad!" Sigaw ni Hilary.
Tinignan kong mabuti kung bakit may nakalagay na "Mary Dela Cruz" dito.
"Teh, tulungan nyo nga ako."
Nagpatulong akong hukayin at ilabas ang nilalaman ng hukay na ito. Hinila namin ang lock at lumabas ang kalansay na nakapulupot sa kadena.
"Wait! Kung may Mary Dela Cruz ditong nakalagay, at kalansay ang laman nito, ibig sabihin..."
"Si Mary yan!" Sabi ni Cass.
Lumingon kami sa kalansay. Tama si Cass, kay Mary ang kalansay na nahukay namin. Ngayon ay hindi namin alam kung paano napunta ang kalansay ni Mary sa parteng ito.
"Bakit naman nila nilagay dyan si Mary? Nakakaawa namang tignan." Sabi ni Hilary.
"Basahin na nga natin yung libro." Sabi ni Cass.
"Saglit lang! Hindi natin pwedeng iwan nalang ng ganito ang kalansay. Ibalik natin ito sa hukay."
Sumang-ayon naman ang dalawa sa desisyon ko. Binalik na namin ang kalansay ni Mary sa hukay. Binalik rin namin ang lupang hinukay namin dito.
"Baka may makakita sa atin dito. Pumunta nalang kaya tayo sa library?"
"Sige." Sabi nilang dalawa.
Pumunta na kami sa library kung saan namin itutuloy ang pagbabasa. Pagpasok namin sa library ay tumambad sa amin ang isang bookshelf na puno ng libro ni Mary, gaya rin ng librong aming binabasa.
Ang librarian pala dito ay ang tita ni Cass, si Ma'am Vaness. Siya rin ang nagturo sa akin noong summer class noong bata pa kami nila Hilary at Cass.
"Tita!" Sigaw ni Cass.
"Cass, good morning honey. Anong ginagawa ninyo dito?"
"Kasama ko po sila Hilary at Selena. Dito po kasi kami nag-enroll for 1st year college."
"Ahh, ganun ba? Hilary at Selena, long time no see mga pamangkin."
"Tita, thank you po sa pagtanggap sa amin dito."
"Tita, pwede po ba kaming tumambay muna dito habang hinihintay sila tita Susan?" Sabi ni Cass.
"Sige ba. Dun muna kayo sa dulong lamesa para hindi ma-istorbo yung ibang gagamit."
"Sige po." Sabi ni Hilary.
Umupo na kami sa bandang dulo para doon namin ituloy ang kwento.
"Teh, sure ba kayong walang nakakita sa atin?" Sabi ni Cass.
"Sshhh! Wag kang maingay. Siguro wala namang CCTV sa paligid non, kaya hindi tayo napansin ng mga yon."
"Ituloy ko nalang kaya ang kwento. Para malaman natin ang nangyari kay Jennifer." Sabi ni Hilary.
"Oo nga pala, ano nang balita dun?"
MARY'S POV
Nakauwi na ako sa bahay. Buti nalang ay hindi ako nasundan ulit si Smile, este ni papa. Hindi parin talaga ako makapaniwalang makakasalubong ko si Jennifer na patay na sa daan.
"Oh, bakit parang naninibago ka sa paligid mo? May nangyari nanaman ba sa'yo?" Sabi ni mama.
"Wala naman po. Ito ma yung pagkain. Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa nga eh. Dadating nga pala si kuya mo ngayong gabi, kaya pinabili kita ng oagkain natin."
"Totoo po? Parang bata pa ako noong huli kaming makita ni Kuya Mike."
BINABASA MO ANG
Prom Queen
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 1) A happy and beautiful school year at Montenaro University will be bloody, chaotic, and scary because of the murder of the prom queen. The whole school can do nothing. But one question rests with them, will they run or...