Chapter 10

4 0 0
                                    

Chapter 10: The Killer Prom Queen

"Ikaw ang Prom Queen."

Napalaki nalang ang mga mata ko ng sabihin nya na ako ang tinawag na Prom Queen. Ako?

"Ha?"

"Ikaw! Ikaw ang nanalong Prom Queen!"

"Tangina naman oh!"

"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa cr? Tsaka, bakit dugo-dugo yang gown mo? Pinatay mo ba sya?"

"Hinde! Hinding hindi ko gagawing pumatay ng isang tao, alam mo naman yan di ba?"

"Eh bakit nga may patay dyan?"

"Pumasok nlng ako dito, bigla nalang syang nakahandusay sa sahig. Duguan, patay. Hindi ko nga alam ang gagawin ko dito, dumamay ka pa!"

"May dala ka bang ibang damit o gown? Pamalit mo sana?"

"Wala!"

"Tsk."

"Ano nang gagawing natin ngayon? Saan natin dadalhin to?"

ROUSAURO

Paulit-ulit nang tinatawag ang pangalan ni Mary para tanggapin ang award, pero hanggang ngayon ay hindi parin sya nagpapakita, pati si Alvin ay hindi pa bumabalik.

"Ms. Mary Dela Cruz, please come inside and get your award!"

Lumapit ang aming guro sa akin para tanungin kung nasaan yung dalawa.

"Mr. Garcia, nasaan na sila Ms. Dela Cruz at Mr. Rosario?"

"Hindi ko po alam ma'am. Hindi ko nga din po alam kung nasaan yung mga yon. Baka po pumunta sa C.R."

"Sige, hanapin mo muna sila. Ako nang bahala dito."

"Sigurado po kayo?"

"Oo. Ako na dito."

Umalis na ako para hanapin yung dalawa. Hindi man lang nagpapaalam yung mga yon.

"Uhm, pasensya na po sa paghihintay. Baka po pumunta lang ng banyo ang dalawa. Magpatugtog po muna tayo habang hinihintay..."

MARY

Napagdesisyunan naming dalawa ni Alvin na hatakin palabas ng banyo ang bangkay.

"Alvin, ako sa paa. Ikaw sa ulo."

"Sige."

Habang inilalayo na namin ang bangkay ay nakita kami ni Rosauro. Patay!

"Mary, Alvin, anong kagaguhan to?"

"Please lang Rou, huwag kang maingay." Sabi ni Alvin.

"Ano ba kasing ginagawa nyo dito? Bakit naghahatak kayo ng patay? Tsaka Mary, bakit dugo-dugo yang gown mo?"

"Mamaya ko na ipaliwanag. Tumulong ka nalang ok?"

Agad din kaming tinulungan ni Rosauro sa pagbuhat sa bangkay. Dali-dali namin itong dinala sa bakanteng lote sa likod ng school.

Napaupo nalang kami sa sahig sa sobrang pagod kakabuhat sa bangkay.

"Mary, anong nangyari? May ginawa ka ba sa kanya?" Tanong ni Rosauro. Kinakabahan ako at hindi ko kayang ipaliwanag sa kanya ang nangyari. Pero para mapaliwanagan lahat, sige.

"Nagpaalam kasi ako na mag-ccr. Eh, pagpasok ko sa C.R., may bangkay nang nakahandusay sa loob ng kubeta. Hindi na nga ako nakaalis kasi nalagyan ko ng dugo yung gown ko dahil may dugo rin sa lababo ng C.R., tapos ayan nakita ako ni Alvin. Sinundan nya ako. Pero salamat sa pagtulong ahh."

Prom QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon