Chapter 22

0 0 0
                                    

Chapter 22: Carla Beltran

MARY'S POV

"Susunugin mo kami ni Selena?"

"Yes, of course! Wala namang nagbago."

"NO! NO!" Sigaw ni Selena.

Sinabuyan na kami ng gas. Wala na talagang ibang mangyayari kung hindi ang pagkamatay namin.

"Any last words?"

"The truth will set us free!"

"NOOOO! MARY, GUMAWA KA NG PARAAN!"

Galaw ng galaw si Selena habang ako ay hinahantay nalang ang kamatayan. At sa mga pagkakataong ito, nabalot na kami ng dilim at init sa katawan.

"Selena! Huy, gising na papasok na tayo!" Nagising ako dahil ginising ako ni Hilary. Wednesday na pala at wala kaming pasok kahapon.

"Hay! Good morning sisters!"

"Good morning din. Kamusta ang tulog mo?"

Eto nanaman tayo. May panaginip nanaman akong hindi kaaya-aya pero ayokong sabihin dahil marami nanamang dada yan.

"Uhm, ok lang naman. Mahimbing naman ang tulog ko. Teka, bakit parang concern na concern ka sakin ngayon?"

"Wala yun. Tsaka may pasok ka nanaman. Kailangan mo nang maligo malalate nanaman tayo."

"Sige, ayusin ko lang muna mga gamit ko."

Inunat ko ang dalawa kong mga braso. Habang nagliligpit ako ng mga gamit papasok sa bag ay may napansin akong nakalitaw na bahagi ng isang papel mula sa ilalim ng aming cabinet. May butas ito sa ilalim at kasya naman ang kamay ko.

Pinulot ko ito at binuklat. Nakita kong may nakasulat ng pangalan ko sa papel. Nagulat ako dahil hindi ko alam na nakasulat ang pangalan ko na may kakaibang nakalagay.

Mary Dela Cruz,
The killer prom queen of
Montenaro University

Batch 1979🔪

Nanlaki ang mga mata ko dahil lang sa piraso ng papel. Hindi ko inaasahang may ganito sa panahon ngayon. Talagang hanggang ngayon ay pinag-uusapan parin ang pangalan ko.

"Hilary?"

"Yes?"

Luminon sya sa akin. Nagulat sya ng makita nyang hawak ko ito. Baka may kinalaman sya dito dahil napakabilis ng reaksyon nya.

"Saan galing to?"

ROSAURO'S POV

Pumunta muna ako sa CR dahil nadudumi na talaga ako. Habang nahihintay ako ay muli ko nanamang naisip si Mary at Alvin. Walang mga araw na hindi ko sila naalala.

"Rou, ihatid na natin si Mary."

"Saan?"

"Hindi sa sementeryo."

"Saan nga?"

"Sa bakanteng lote. Kung saan nagsimula ang lahat. Dun rin natin tatapusin."

"Seryoso ka ba? Baka makita nanaman nilang may bangkay."

"Hindi, may hukay doon na malapit."

Prom QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon