Chapter 25

0 0 0
                                    

Chapter 25: Danger

HILARY'S POV

Kung saan-saan na kami nakarating ni Cass sa paghahanap kay Selena. Para bang buong campus ay nalibot na namin. Pati ang mga guard ay pinagtanungan na namin.

"Cass, anong oras na ba?" Hinihingal kong boses. Pagod na pagod na kami kakaikot sa buong university.

"3:46. Wala na ba tayong klase after ng 4?"

"Wala na. Uwian na natin ng 4. Asan ba si Selena?"

"SELENA?!!!" Sigaw na kami ng sigaw sa pangalan nya pero wala parin sya. Mamamaos na kami kakasigaw pero hindi parin sya nagpapakita sa amin.

"Magtanong kaya tayo sa guard house?"

"Tara."

Tumungo na kami sa guard house para magtanong. Pero ang alam ko ay hindi sila magpapalabas ng students kapag wala pang 4 P.M.

"Sir, may na–nakita po ba kayong babaeng lumabas?"

"Wala naman. Saka hindi pa naman ako nagpapalabas ng student. Bakit nyo naman naitanong yan?"

"Kuya, nawawala po kasi yung kaibigan namin. Baka po nakita nyo?" Sabi ni Cass na hinihingal na din kakahanap.

"Hindi naman. Ano bang suot nya?"

"Uhm, I.D. po ng accountancy, naka-ponytail ang buhok, tsaka maputi po."

"Wala talaga."

"Hilary, try kaya nating tanungin si Ma'am Carla? Baka sakaling nakita nya."

"Tara." Tatakbo na sana kami nang bigla kaming tawagin ng guwardya. Mukhang may sasabihin ata sya about kay Selena.

"Mga ate, wala si Ma'am Carla, umalis."

"Ano po?" Nagtataka naming bigkas dahil ang aga namang umalis ni Ma'am Carla at saan naman yun pupunta?

"Umalis si Ma'am Carla, lulan sya ng mini truck palabas ng campus."

"Na–nakita nyo po ba yung plaka?"

"Hindi eh. Pero alam ko kung ano yung plaka na yun."

Nagulat nalang kami nang malaman naming alam ng guwardya ang plaka ng truck. Balak kasi namin sundan ito dahil malaki talaga ang kutob ko.

"CRS 1954."

"Sige po, thank you kuya!"

Tunakbo na kami pabalik ng room para kunin ang mga gamit namin. Wala na kaming inaksayang panahon. Pagsapit ng alas-kwatro ay saktong pagbukas ng gate at dali-dali kaming lumabas ng campus.

"Teh, sure ka bang susundan natin yung truck?"

"Oo, Cass. Kaya magmasid-masid ka sa paligid at baka makita mo yung truck, ok ba?"

"Wait lang nga!" Huminto kami saglit dahil pinapahinto nya ako. Kailangan na naming makita si Selena bago mahuli ang lahat. "Ano bang balak mo, Hilary? May plano ka ba?"

"Malakas ang kutob kong kinuha sya. Hindi naman pwedeng maglakad agad yun eh dumugo ung mata nya. Hindi ba?"

"Oo nga, pero baka naman dinala lang sya sa ospital. Grabe naman yung kidnap mo."

"Wag ka nang magsalita! Hanapin nalang natin sya."

Nagpara na kami ng taxi para libutin ang buong bayan. Nakaready naman ang pambayad ko kaya pwede kaming pumunta kung saan-saan.

MARY'S POV

Napakiramdaman ko nalang na parang mainit at umaalog ang sahig. Dumilat ako at nakita kong nasa loob ako ng isang truck.

Prom QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon