Chapter 24: Bones in the Campus
CARLA'S POV
"Selena?"
Mabilis akong lumingon sa likod, ngunit wala nanamang tao. Mas kinabahan ako dahil kamukha ni Selena yung nakita ko.
"Selena, lumabas ka dyan! Hindi ako nakikipaglaro sa'yo!"
Lumabas na ako ng banyo. Wala talaga. Walang katao-tao sa loob at tanging ako lang ang nandito. Nakakakilabot talaga dahil mukha ni Selena yung nakita ko. Pagkabalik ko ng lingon sa harap ay nagulat ako dahil kaharap ko na sya.
"Ibalik mo ako sa katawan ko! Tantanan mo na si Mary!"
No way! Kakausap ko lang kay Selena kanina, pero ngayon ay kaharap ko sya na parang multo ba. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko kakayanin ito.
"MAAARRRRYYYYYYY!!!"
Nagising nalang ako na nagriring ang bell na malapit sa office. Teka, kung nasa C.R. ako kanina, bakit ako nandito sa lamesa at kakagising lang?
"Huh? Nasa C.R. ako kanina." Nagtataka kong tanong sa sarili ko. Parang may kakaiba dito sa office ko kaya lumabas muna ako.
Naglalakad ako palabas nang bigla kong makasalubong si Sheena.
"Oh, anong ginagawa mo dito?"
"Tita, lunch time na po. Kanina nga po eh tinatawagan ako ng co-teachers nyo."
Nagulat ako sa sinabi nya. Tinawagan sya ng mga co-teachers ko. No way, nakatulugan ko ang office at nakalock pala yung pinto kanina pagkatapos umalis ni Selena.
"Lunch time na?!"
"Opo."
Tatlong oras akong nakatulog at ibiga sabihin nito ay panaginip lang ang nangyari kanina. Pero hindi ko alam kung bakit ganun ang panaginip ko. Nakakapangilabot, nakakatakot, hindi ko ma-explain.
"Mauna na po ako." Umalis na si Sheena sa harapan ko.
"Bye!" Sabi ko pa naman kanina ay gagawin ko ang ibang documents pero ibang documents ata ang nagawa ko.
"Humanda ka, Mary. Makikita mo din ang hinahanap mo."
MARY'S POV
Naglalakad kami sa isang kanto ng school. Tapos na kaming kumain kaya napagdesisyunan naming umupo muna sa bench.
"Mga te, wala pala kaming subject mamayang 1 to 2 P.M., kayo ba?" Tinanong ko ito sa kanila dahil wala naman kaming gagawin ng oras na yan.
"Wala din sa amin. Ano bang balak mo?" Sabi ni Hilary. Mukhang may gagawin ata sila kaya malakas ang pagkakasabi nya.
"Wala naman."
"Wala pala eh. Alam nyo, kahit alam na natin kung sino ang may sala sa pagkamatay ni Mary ay hindi pa natin alam ang mga susunod na pangyayari." Napalingon ako kay Cass, pati ba naman yung kwento ko ay ikukwento nila sa harap ko?
"Oo nga no? Eh paano naman naisulat ni Mary yung mga yan? At paano nila ginawang libro?"
"Hilary, may mga bagay na dapat pinaghihirapan bago mo makuha. Like yang mga sinulat ni Mary. Paano nya ba naisulat yan?"
"Wait lang, parang interesado ka sa tanong mo. May alam ka ba?"
"Selena, aminin mo na. Tayong tatlo lang ni Hilary ang nakakaalam."
"Wa–wala naman. Nagtataka lang ako kung saan nila nakuha yan. Sorry."
Mary, wala kang dapat sabihin tungkol dito. Ikaw sa sarili mo, ikaw lang ang nakakaalam ng lahat. Bawal ko parin itong sabihin kila Hilary at baka lumayo sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Prom Queen
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 1) A happy and beautiful school year at Montenaro University will be bloody, chaotic, and scary because of the murder of the prom queen. The whole school can do nothing. But one question rests with them, will they run or...