Chapter Three

72 4 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter Three

MABILIS lumipas ang mga araw. Si Nica at Ronald ay lagi nang nagdi-date. Hindi ito lingid kay Rain dahil minsan inuutusan siya ng boss niyang bumili ng mga panregalo.

"Rain!" Tawag ni Ronald sa binata na pauwi na sana.

"Bakit boss?"

"Nakikisuyo sana akong sunduin mo sa bahay nila ang pinsan mo. Wala na ako oras, kailangan ko pang ipahanda sa isang mamahaling restaurant na pagdadalhan ko sa kanya. Alam mo bang sabi niya ay malalaman ko na ngayon ang sagot ng pag-ibig kong iniaalay sa kanya? Excited na ako!" Tuwang saad ni Ronald.

"Ayo----"

Napatigil ang binata sa sasabihin nang may pumasok na babaeng malaki na ang tiyan, buntis na ito.

"Ronald!" anang babae.

''Rain, you may go now! Ang utos ko ha?" si Ronald na agad dinala sa loob ng office nito ang babae.

Napapailing si Rain na umalis. Binabaybay ang daan patungo sa bahay ng dalaga. Ang totoo ay nakaramdam siya ng saya dahil miss na niya ito.

Pagdating niya sa bahay nito ay agad siyang pinapasok ng ama ng dalaga.

"Aba sabihin mo bilisan na niya mag-ayos at nandito na ang kanyang nobyo!" sigaw ng matanda sa kanyang maybahay.

"Po?" Nagulat na saad ni Rain.

"Maupo ka muna. Hay naku, ang mga babae talaga ang tagal magbihis," anito.

"O-oo nga po,'' sagot ni Rain na nakaupo na sa sopa.

"Akala ko hindi ka na babalik dito! Aba, hindi ako papayag na sa labas lang kayo magkikita at hindi ka man lang dumadaan dito! Sinabihan ko na iyang si Nica, na hindi tamang 'di mo siya susunduin dito! Akala ko mga noong una ay kung saan-saan lang siya nagpapaligaw, eh buti naman at sinabi niyang ikaw nga, eh natandaan kita." Mahabang salaysay ng ama ni Nica.

Naguguluhan man si Rain ay hindi na siya nagtanong. Kay Nica siya mamaya mag-uusisa.

"Oh ayan na pala!" anang matandang ama ni Nica.

Awtomatikong napatingala si Rain sa dalagang pababa ng hagdan. Banaag sa mukha ng dalaga ang pagkagulat nang makita siya. Napalunok siya ng ilang beses sa kagandahang palapit sa kanya. Labis siyang napahanga sa unang beses na makita niyang naka-ayos ang dalaga at naka-dress pa. Kadalasan kasing suot nito ay pantalon at blouse o 'di kaya ay leggings.

"Bakit siya narito?" sa isip ni Nica ngunit pilit nakangiti. Nakita niya fondness sa mga mata ng binata. Nakaramdam siya ng tuwa sa resulta ng kanyang pag-aayos. Nakasuot siya ng plain maroon dress na hanggang hita niya lang ang haba. Fit sa katawan niyang tama lang ang mga kurba. Lumitaw ang kaputian niya sa kulay ng kanyang suot na aminado siya nang kaharap kanina sa whole body mirror.

"Shall we go?" anang binata.

"S-sige," Alanganing sagot ng dalaga.

"Sige po, aalis na kami!" Pagpapaalam ni Rain na ikinatango ng ama ng dalaga.

"Ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ako ang alam ng ama mo na nobyo mo?" agad na tanong ni Rain habang lulan na sila.

"Eh kasi...Siguradong magagalit si Papa kapag nalaman niyang hindi pa nila nakikita ang lalaking ka-date ko."

''So, hindi pa pumupunta sa bahay ninyo si Ronald?" si Rain na nakakunot-noong sinusulyapan ang dalaga.

"Hindi pa," tugon ni Nica.

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon