Chapter One

91 5 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 01

NAGTIYAGA sina Nica at Rain sa biyaheng dalawampung oras mula Maynila to Iloilo gamit ang sasakyan ni Hajii. Nais kasi ni Hajii na ibigay ang sasakyan sa magulang ni Elisa kaya dadalhin na lang ito pauwi ng binata.

"Sayang din pamasahe sa eroplano kaya kahit mahaba ang biyahe ay sumama na lang ako sa iyo,'' sabi ni Nica habang lulan na ng kotse kasama si Rain. Napatingin siya sa katabi na wala man lang reaksyon. "Ano pala pangalan mo? At bakit sinabi mong pa-cute ako ha? Para sabihin ko sa iyo ay nag-iimagine ako kahapon ng aking prince charming, kaya hindi ikaw nginitian ko! Hay naku, gusto ko talaga matulad sa mga kaibigan ko na nakapag-asawa ng mayaman, kaya hindi ako iibig sa isang mahirap lan---Ouch!" Biglang napahiyaw si Nica nang biglaang pagpreno ng kotse. Kung hindi dahil sa seatbelt ay siguradong tumilapon na siya sa harap na salamin ng sasakyan.

Galit na binalingan ni Nica ang kasamang lalaki, "Hoy! Anong problema mo? Hindi ka ba marunong magmaneho, ha?"

"Ang daldal mo kasi! Sakit sa tainga, alam mo ba? At isa pa, kung hindi ako marunong magmaneho, sa tingin mo aandar tayo!" Inis na sagot ni Rain. Nainis kasi siya sa huling sinabi nito, pareho lang talaga ang mga babae na mukhang pera.

"Ayos ka ah! Bu-ang ka gali? (Baliw ka pala)" Yamot na inirapan ni Nica ang kapatid ng baby wet nila. Saka naman nito pinaharurot ang kotse.

Mahaba ang biyahe na halos mapanis na ang laway nila dahil walang imikan.

"Bwisit! Parang anak ni Ermitanyo kasama ko. Nakasimangot akala mo pogi!" Pabulong na wika ng dalaga. Mukhang ma-stress siya lalo sa biyahe dahil sa kasama niya.

"Alam kong pogi ako!" anang binata.

"Wow, nagsalita rin! Tikalon man diay ka! (Mayabang ka pala)"

"Ano gina hambal mo? (Ano sinabi mo)"

"Wala!" Inis na ipinikit na lang ni Nica ang mga mata para matulog.

"Ang daldal ng babaeng ito, tindi! Katulad din siya ni Angel, pera lang ang batayan sa paghanap ng lalaki." Nalungkot muli si Rain sa issue tungkol sa pera.

Nagising ang dalaga dahil sa tapik ng kapatid ni Elisa.

"Nasa ferry na tayo."

"Fairyland?" Kumislap ang mga mata ng dalaga at kinurap-kurap ang mga mata. Nanaginip kasi siya na nasa fairyland para magkita sila ng kanyang mayamang prinsipe kaya hindi makapaniwalang tila nagkatotoo.

"Ano? Bingi ka ba? Ang sabi ko ferry! Bumaba ka na!" Madilim ang aura nito sa inis sa babaeng kasama. Mas hindi nairita siya nang marinig ang sinabi nito tungkol sa mayamang lalaki ang gusto.

"Sungit mo!" anang dalaga na 'di man lang siya pinansin ng binata. Umakyat sila sa taas ng ferryboat at naghanap ng mauupuan.

"Dito tayo!" Yakag ni Nica sa kasama na ikinatigil nito at walang emosyong sumunod sa pag-upo.

"Wow! Kano!" Nakangiting wika ng dalaga sa katabing lalaki na abala sa dalang bag, tila may hinahanap.

Napatingala ang Amerikano nang maramdamang may katabi na siya.

"Hi!" Nakangiting bati ng dalaga sa katabing banyaga. Napahanga siya sa kakaibang appeal nito.

"Tsk...Tsk..Papansin?" anas ni Rain.

"Pakialam mo! Tumahimik ka riyan at pangatawanan ang pagiging suplado mo!" turan ng dalaga.

"Hello, beautiful lady! What's your name?" Nakangiting tanong ng banyaga kay Nica.

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon