Chapter Ten

77 2 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 10

INABALA ni Nica ang sarili sa trabaho para mawala ang nadaramang lungkot at pagdududa kay Rain. Tumawag lang isang beses ang nobyo para magpaalam na lilipat ito pansamantala sa Khobar, Saudi Arabia kasama ang ibang kasamahan nito. Mga isang buwan lang daw ito doon at balik Dammam na ulit. Nalungkot ang dalaga at naiinis dahil wala raw signal ang pagtatrabahuan ng nobyo.

"The wind blows your mind again, huh!" si Halil na nasa likuran na ng dalaga.

Nasa hotel pa si Nica at lunchtime nito ngunit malayo ang iniisip habang nasa isang kainan ng mga staff sa loob ng hotel.

"Come with me on a Sunday night, I will attend the street party, one of my friend here," anito.

"Ayaw ko," anang dalaga.

"But why? Look at yourself, mukha kang kawawa. Com'on, mag-enjoy tayo! Please my dear friend?" si Halil na nakikiusap ang mata at nakangiti sa dalaga.

"I'll think of it!"

"Okay, pero mamaya ay ako na maghatid sa'yo."

"Huwa---," si Nica ngunit nakaalis na ang binata.

Pagkatapos malinis ang naka-assigned na kuwarto ay maagang natapos si Nica.

"Let's go!" si Halil.

Napangiti si Nica sa binatang tila naghintay nga sa kanyang pag-out.

"Hey, saan pa ba tayo pupunta?" tanong ng dalaga nang mapansing iba ang tinahak na daan pauwi kina Kathleen.

"Pasayahin muna kita!" anang binata.

Walang nagawa ang dalaga sa kagustuhan nito. Ito naman kasi ang nakahawak as manibela.

"Oh my! Nasa Quirino Grandstand tayo?" anang dalaga.

"Yes! Pampa-relax sa nalulungkot na puso at isipan," pasaring ni Halil.

Napangiti lang si Nica. Nang makapasok na sila sa Manila Ocean Park ay labis na nasiyahan ang dalaga.   Pakiramdam ni Nica ay nawala saglit ang kanyang lungkot sa ganda ng tanawin, mga buhay ng karagatan, pating, pagi, bagus, bahura, refreshing lang ang dating. Para siyang dinadala sa kabilang mundo sa ganda ng mga nakikita. "How do you know this place?" tanong ni Nica sa katabing binata. Ngayon lang kasi siya nakapamasyal sa lugar na ito.

"Actually dati naligaw ako rito, noong unang nabigo ako sa babaeng katulad mo ay taken na rin," anito na ang tinutukoy ay si Elisa. Noong nabigo ay dito siya napadpad sa walang deriksiyon na pagmamaneho.

"Si, Mareng Elisa ba?" anang dalaga na pinapanood ang mga isdang kayganda pagmasdan na lumalangoy.

"Yeah," sagot nito. "Pero ang bilis ko lang makapag-move on sa kanya dahil alam kong una pa lang ay hindi na pwede."

Ngiti lang itinugon ni Nica rito. Sobrang nag-enjoy ang dalaga at tama nga si Halil, nawala nga saglit ang kanyang lungkot.

ANG isang beses na paglalabas ng dalawa ay naging madalas.

"Oh, paano sunduin kita mamaya mga seven, ha?" si Halil na hinatid ang dalaga kina Kathleen.

"Oh, sige mamaya, bye!" Kumaway si Nica bilang pamamaalam sa binata at pumasok na sa loob ng bahay. Napatigil siya nang makita si Elisa na kausap si Kathleen.

"Mukhang, napapadalas na ang pagsasamang ninyong dalawa?" si Elisa. Nasa sala ang mga ito.

"Ayos nga 'yon at hindi naman maging haggard itong kumare natin," salo ni Kathleen.

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon