Chapter Thirteen

85 4 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 13

NARINIG ni Nica ang pagpasok ni Kath sa kuwarto pero nanatiling nakahiga lang siya't umiiyak.

"Ano nangyari? Hindi ka bumaba para kumain ah?" tanong ni Kath.

Hinarap ni Nica ang kumare na mugto ang kanyang mga mata. "Wala akong gana," aniya.

"Umiyak ka, bakit?"

Isinalaysay ni Nica ang nangyari sa kanila ni Rain at ang naging dahilan ng paghihiwalay nila.

"Hirap talaga kapag LDR, hayaan mo na mare, mas mabuti na bumitaw ka muna kaysa naman lagi lang kayo mag-aaway. Isa pa, mukhang hindi kayo para sa isa't-isa. Alam mo naman ako, ayaw ko na ang mga kaibigan ko ay nasasaktan kaya tama lang ginawa mo," si Kathleen na hinaplos ang buhok ng kaibigan. "Mamaya ay kumain ka ha? Oh paano, labas na ako at nandiyan na asawa ko. Kaya mo iyan ikaw pa!"

Napatango si Nica at pilit nginitian ang kaibigan bago ito lumabas. Napakapalad nila at nagkaroon sila ng kaibigang totoo. Nakatulog na lang si Nica na hindi na nakakain.

KINABUKASAN ay nagising si Nica na mugto pa rin ang mga mata. Bumaba siya at hinanap agad si Kathleen. Natagpuan niya itong kumakain kasama si Yasir.

"Oh, halika na! Hindi ka raw kumain kagabi. Maupo ka na," si Kathleen.

Naupo ang dalaga at sumabay sa pagkain, "Ahm...Magpa-file sana ako ng resignation," ani Nica na tumigil muna sa pagnguya.

"Ha? Bakit mare?" si Kath na napatingin sa dalaga pati si Yasir.

"Ano pa ang saysay na nagtatrabaho ako rito eh hiwalay na kami ni Rain. Uuwi na ako mamaya sa Iloilo at ipagpatuloy ang business kong maliit sa palengke," anang dalaga sa dalawa na nagulat sa kanyang desisyon.

"Iginagalang namin ang iyong pasya mare para naman makapag-move on ka kaagad," sang-ayon ni Kath na ngumiti lang kay Yasir na tumango rin.

"Salamat sa inyong dalawa!"

"Sus, walang anuman basta bakasyon ka ulit dito ha? Teka, hindi ka ba muna magpapaalam sa tatlong kumare natin?" tanong ni Kathleen.

"Tawagan ko na lang sila o chat," sagot ng dalaga.

Nang matapos kumain ay naghanda na si Nica pauwi sa Iloilo.

SAUDI ARABIA, DAMMAM

Walang tulog si Rain at walang kain, nilagnat pa ito dahil sa namagang mga kamay sa pagsuntok nito sa sementadong dingding ng kanyang barracks.

"Tito, hindi siya makakapasok maysakit eh, ako rin ay hindi kasi walang mag-aalaga sa kanya," si Suzanne na kausap sa phone ang tiyuhin. Nagpaalam siyang hindi papasok pati si Rain. Nilapitan niya ang binatang nakahiga at nakatalukbong ng kumot.

"Kumain ka kahit soup lang. Uminom ka rin ng gamot, please Rain," sabi ni Suzanne na kanina pa nag-aalala.

"Pabayaan mo ako! Ikaw ang may gawa nito kaya pwede ba umalis ka!" ani Rain na tinitigan ng matalim ang dalagang si Suzanne.

Napaluha muli si Suzanne sa sinabi ni Rain. Pakiramdam niya dinudurog ang kanyang puso. "I'm sorry! Pero please alagaan mo ang iyong sarili! Rain, nasa ibang bansa ka, bawal magkasakit. Ganoon ba siya kahalaga sa'yo ha? Eh, isang pagsubok nga lang sumuko na siya! Ganoon ba ang totoong umiibig? Ako Rain, kahit ipagtulakan mo ako, kahit magalit ka sa akin ay hindi ako aalis sa tabi mo dahil ganyan kita kamahal sobra!" si Suzanne na walang patid ang mga luha.

Hindi kumibo si Rain. Ipinikit ang mga mata dahil gusto na naman niya umiyak. Nabigo na siya noon kay Angel, pero mas matindi ang ngayon dahil siguro ay mahal na mahal niya si Nica.

"Rain,'' pangungulit ni Suzanne.

"Hayaan mo muna ako. Kailangan ko matulog para ipahinga ang aking isip at puso, please hayaan mo akong mag-isa," si Rain sa dalaga na pinunasan ang luha sa mga mata nito at tumango saka lumabas.

"Bakit ka bumitaw agad? Paano ang pangarap natin?" usal ni Rain sa sarili.

PHILIPPINES

Hinintay ni Halil si Nica sa hotel. Alam niyang papasok ito ngayong araw kaya nakaabang na siya sa dressing room ng first floor ng hotel kung saan nagpapalit ang mga staff ng uniforms.

"Where is she? One hour late na siya!" si Halil na kanina pa palakad-lakad. Tinawagan niya si Nica pero hindi ito makontak. Makalipas ang dalawang oras, inabangan niya ang pagpasok ng kapatid na si Hajii. Nang makita niya ang pagdating nito ay agad niyang nilapitan bago sumakay ng elevator. "Bro!"

Napatigil si Hajii pero nang bumukas ang elevator ay sumakay ito kaya sumabay din si Halil. Nasa fifth floor kasi ang opisina ni Hajii.

"Bakit?" Tanong ni Hajii habang nasa loob pa sila sa elevator.

"About Nica, hindi ba siya papasok ngayon?"

"Aba malay ko! Bakit ako tinatanong mo eh, hindi naman siya sa bahay ko nakatira. Pwede ba Halil, tigilan mo na iyang kabaliwan mo! Bahala ka nga sa buhay mo!" si Hajii na lumabas na sa elevator.

"Si Yasir, alam niya kaya?" Nakasunod na tanong ni Halil.

"Hoy, busy siya ngayon! May pupuntahan siya, out of town maybe," si Hajii na pumasok na sa kanyang opisina.

Natigil sa pagsunod si Halil at nagpasyang puntahan ang bahay nila Yasir at Kathleen.

Nang makarating sa malaking bahay ng mga Hassan ay agad pinapasok ng maid si Halil.

"Oh, napasyal ka?" si Kath na galing sa taas na nakabihis. Sasama kasi siya sa asawa niya sa lakad nito out of town.

"Ahm...Si Nica?" tanong ni Halil na medyo nahihiya.

"Ay naku, umuwi na sa Iloilo kaninang umaga. Nasaktan kasi hiwalay na sila ni Rain kaya ayon umuwi," si Kathleen. "Oh, sorry kailangan ko nang umalis at hinihintay ako ng aking hubby. Manang, mga bata ha?" si Kath sa katulong at ngumiti kay Rain.

"Yes!" Nabigkas ni Halil nang marinig ang sinabi ni Kathleen na hiwalay na si Nica sa nobyo. Ito ang pagkakataon niyang mapa-ibig ang dalaga. "Wait!" tawag ni Halil kay Kathleen pero nakalabas na ito agad. "Paano ko siya mapupuntahan? Saan ang Iloilo at paano makapunta ro'n?"

"Sir, ilongga ako!" sabat ng may edad nang katulong nila Kathleen nang marinig na nagsasalita mag-isa ang binata.

"Talaga? Oh, bigyan kita pera pero dapat ituro mo sa akin paano makapunta sa Iloilo?" anang binata sa katulong.

"Eh, saan ba siya sa Iloilo?" tanong ng katulong.

"Ha?" Napakamot si Halil sa ulo. Hindi nga niya pala alam ang kompletong address ng dalaga. Isa lang ang naisip niya si Elisa.

Agad sumakay si Halil sa kotse at pinuntahan ang condo ng kakambal. Isang oras lang ay nasa condo na siya na dati niyang tinirihan noon. Nag-door bell siya at hindi nagtagal ay bumukas ito.

"Ano ginagawa mo rito?" tanong ni Elisa.

"May tanong lang ako sa'yo saglit lang kahit hindi na ako pumasok sa loob. Ahm...Maari ko bang malaman kung anong address ni Nica sa Iloilo?"

Napahinga ng malalim si Elisa. Natanggap niya kasi ang maraming text at chat ni Nica at sinabi ang lahat sa kanya. Tinawagan din siya ni Kathleen para kompirmahin ang nangyari. "Saglit lang," ani Elisa na umalis sa pintuan at naghanap ng ballpen at papel na masusulatan. Nang makakita ay nagsulat siya't ibinigay ito kay Halil. "Iyan ang address."

"Thank you!" ani Halil na agad umalis.

Napapailing si Elisa sa kakambal ni Hajii. Hindi siya galit dito, naisip niyang nagmamahal lang ito. Isa pa, nagkamali ang kuya Rain niya kaya wala na siyang magagawa para pigilan si Halil.

Itutuloy...

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon