Chapter Twelve

74 3 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 12

HINDI na hinintay ni Nica na makita pa siya ni Halil. Agad siyang umuwi sa bahay nila Kathleen.

"How's your day?" salubong na tanong ni Kath kay Nica.

"Ayos naman," sagot ng dalaga.

"Nagbubuntis pala si mareng Elisa kaya medyo emotional," ani Kath na nasa may sala pa sila nakatayo.

"Ganoon ba? Ayos lang sa akin iyon, nauunawaan ko kasi nga kapatid niya si Rain, oh akyat na ako mare, ha? Baka tumawag na si Rain," ani Nica na sa pagtango ni Kath ay umakyat na sa kanyang kuwarto na ipinagamit ng mabait niyang kumare.

Inilapag sa mini table ang bag na dala niya pagkapasok sa kuwarto. Nagbihis saka pagkatapos ay naupo sa kama. Binuksan ang cellphone at pati data. May nag-sent ng friend request sa kanyang facebook kaya tinanggap niya't ini-stalk ang timeline. Napakunot-noo si Nica nang makita sa My Day nito or Story ang babaeng nakayakap sa lalaking tulog. Tinitigan niya ang litrato at ganoon na lang ang gulat niya nang makilalang si Rain ang kayakap nito. Nasa isang kuwarto ang mga ito't magkatabi na sukob sa iisang kumot.

Natutop ng dalaga ang kanyang dibdib. Parang naninikip ang pakiramdam niya habang pinakatitigan  ang litrato. Sakto namang tumatawag o nakikipag-video call na si Rain na sinagot niya agad.

"May tanong ako at kailangan ko ng sa----" Natigilan si Rain nang makitang lumuluha si Nica na klarong-klaro sa monitor ng kanyang gadget. "Bakit ka umiiyak?"

"Rain, bakit? Bakit mo ako niloko?" tanong ng dalaga na patuloy sa pag-iyak.

"H-ha? A-anong ibig mong sabihin?" si Rain na labis ang pagtataka.

"Bakit mo ako sinaktan ng ganito? Bakit?"

"What? Please ano ba sinasabi mo? Ikaw nga sana tatanungin ko kung may iba ka na ba? Kung sino ang lalaking iyon? Bakit parang may something sa inyo?" Balik tanong ni Rain sa dalaga.

"Ako pa ang may something, ha? Ikaw, kailan mo pa ako niloloko? Kailan pa kayo may relasyon sa Suzanne na iyon?"

Hindi nakakibo si Rain sa mga tanong ni Nica, nagtataka siya kung bakit tila may alam ito sa nangyari sa kanila ni Suzanne.

"Rain!" Sigaw ni Nica nang matahimik ang nobyo, "So, totoo?"

"H-hindi! Wala kaming relasyon! Ikaw lang mahal ko alam mo iyon kaya nga ako nagpunta rito eh!" anang binata.

"Sinungaling! Nakita ko sa facebook account ng Suzanne na 'yon na magkatabi kayo sa iisang kama! Sa tingin mo, anong nangyari sa lalaki at babae na magkatabi at tila mga hubad?" Sigaw na tanong ni Nica. Napapahagulhol pa siya sa iyak sa labis na sakit na nadarama.

"Fuck! Sweetie, please listen to me, I'll explain everything! Oo may nangyari sa amin pero it was just an accident!"

"Accident? So, aksidenteng nagtagpo kayo't nag-sex? Aksidenteng naligaw ang anaconda sa kuweba, ganoon ba?" si Nica na kaydami ng mga luha.

"Sweetie, lasing ako! Wala ako sa tamang katinuan! Hindi ko siya mahal at alam niya iyon! Alam niya ang tungkol sa'yo lahat! Sorry, I'm so sorry, hindi na mauulit iyon," si Rain.

Napahagulhol ng malakas si Nica. Pakiramdam ni Rain ay kinukurot din ang kanyang puso, gusto niya ito yakapin pero hindi niya magawa. Gusto niya iparamdam dito na mahal na mahal niya ito. Hinawakan niya ang screen ng kanyang laptop trying to hold Nica's face and wipe all her tears. "Sweetie!" aniya na may luha na rin sa mga mata.

Napatingin si Nica galing sa pagkakayuko. Tinitigan ang mukha ng nobyo na sa screen lang niya nakikita. "Bakit ka pa kasi umalis?" aniya rito.

"Because of you!" sagot ni Rain na may luha sa mata.

"Pero sabi ko sa'yo na hindi ko kailangan ang marangyang buhay basta kasama ka lang, pero ipinagpatuloy mo pa rin. Rain, pagod na ako. Pagod na ako kahihintay sa tawag mo. Itong nangyari sa inyo ng babae, nasasaktan ako, sobra! Ang layo mo kaya paano pa kita pagkakatiwalaan? Oras-oras ay iisipin kong may ginagawa ka ng iba na dudurog sa puso ko!" anang dalaga na kahit anong pigil niya sa mga luha ay patuloy pa rin sa pag-agos.

"Trust me, it'll never happen again!"

Umiling-iling lang si Nica sa sinabi ni Rain, "Hindi na eh, malaki na ang pagbabago. Ayos sana kung nandito ka lang sa tabi ko pero malayo ka at magkasama kayo, paano ako mapapanatag? Rain, hindi ko na talaga kaya! Mabuti pang c-cool o-off muna tayo," anang dalaga.

"What? No! Sweetie, don't do this to me please! Huwag namang ganyan, oh!" si Rain na umiiyak.

"I'm sorry, pero natatakot ako na kapag ipagpatuloy natin ito ay baka wala ng matira na kahit konti na pagmamahal dito sa puso ko! Give me space, please!"

"No! Hindi ako papayag! Bakit ba susuko ka kaagad? Bakit ganoon ka na lang sumuko?" ani Rain na napapahawak sa ulo niya kasi parang sasabog ito sa sakit.

"Pero hindi bakal ang puso ko! Nasasaktan ako ngayon kaya unawain mo ako! Alam mo bang gusto kitang suntukin para mailabas ko ang galit ko, pero hindi ko magawa kasi ang layo mo! I hate you for cheating me! I hate you!" si Nica na maga na ang mga mata sa kaiiyak.

"Nica," tanging nasabi ni Rain.

"I'm sorry, bye!"

"No! Please no! I'm sorry sweetie, I love you so much! Bakit ka bibitaw agad? Dahil ba may iba nang nagpaparamdam sa'yo ng pagpapahalaga? May nagpapasaya na ba sa iyo na iba?" si Rain sabay punas ng mga luha.

"Ayan, ayan ang problema natin! Mas lalabo tayo, Rain! Ikaw manghihinala sa akin at ako'y manghihinala sa'yo! Papahirapan lang natin ang ating mga sarili kaya dapat talaga maghiwalay muna tayo, I'm sorry bye!" si Nica na hilam sa luhang ini-off na ang phone at yakap ang sarili na umiiyak.

"No!" Sigaw ni Rain na hinagis ang laptop sa wall at basag ito. "No!" aniya na sinuntok pa ang sementadong dingding kaya nagdurugo ang kanyang kamao pero tila namanhid ang kanyang kamay dahil mas masakit pa ang nararamdaman niya sa kanyang puso.

"Rain, what happened?" si Suzanne na biglang dumating nang marinig ang ingay sa barracks ng binata.

Napatingin si Rain sa dalaga na may luha sa mata.

"Oh my God, anong ginawa mo?" Tarantang saad ni Suzanne nang makitang nagdurugo ang kamao ni Rain kaya agad niya ito nilapitan ngunit...

"Hanggang diyan ka lang dahil baka ano magawa ko sa'yo!" sigaw ni Rain na matalim ang mga tingin kay Suzanne.

"R-rain," anang dalaga na hindi na nakagalaw pa.

"Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo ipinost sa facebook ang nangyari sa atin na ikaw lang ang may gusto? Sinadya mo ba ito? Sinadya mo bang saktan ako? Sinadya mo bang magkasira kami? Then you won. Ito, itong puso ko, pakiramdam ko unti-unting namamatay, dinudurog. Alam mong mahal ko siya, siya ang dahilan kaya ako nagsasakripisyo rito. Alam mong mahirap ang LDR, bakit hindi ka man lang naawa, bakit napak-selfish mo?" si Rain na napayuko habang umiiyak.

"R-rain, oo selfish ako, pero ganoon naman talaga kapag nagmamahal. Gagawin mo ang lahat para lang mahalin ka ng taong mahal mo, and I did it! Mahal kita, ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Alam mo kung anong masakit, nagmamahal ka sa taong hindi ka mahal. Ang hirap pigilin nitong puso ko Rain, ilang beses kong sinubukan na supilin ito pero hindi ko magawa. Rain, handa akong pagsilbihan ka, mamahalin pa rin kita kahit hindi mo ako mahal! Kahit magalit ka sa akin ayos lang. Kung anong galit mo iyon din ang laki ng pagmamahal ko, at ipaglalaban ko ito kahit alam kong ako lang ang nakakaramdam nito." Mahabang saad ni Suzanne na wala ring patid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Napuno ng iyak ang apat na sulok ng silid. Iyak ng pagkabigo ng dalawang puso, isang puso na nasasaktan at isang puso na umaasa.

Itutuloy...

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon