Chapter Eight

67 2 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 08

LABIS ang pangungulila ni Nica sa nobyo dahil ilang araw na itong offline at hindi tumawag. Ang huling pag-uusap nila ni Rain ay magiging busy daw ito lalo pa't nagkaproblema sa kompanyang pinagtatrabahuan kaya malungkot ang araw niya at busangot ang mukha na pumasok.

"Nica, morning!" bati ng kasamahan sa trabaho. "Unang nakatuka sa'yo ay ang VIP'S room ni, Sir Hajii."

"Sige thank you!" sagot ng dalaga at tinungo ang assigned room na kailangan niyang linisin. Dahan-dahang pinihit ang seradura at deretsong pumasok sa loob.

"S-sorry, Hajii!" anang dalaga na napayuko at lalabas na sana. Nakabalabal lang kasi ito na tanging natatakpan ay ang sandata na bakat sa manipis na balabal. Ganoon kabilis ang kanyang mga mata.

"Stay!"

Napatigil si Nica sa paghawak ng seradura.

"Maari ka nang magtrabaho," anito.

"Baka si, Halil ito," anang dalaga na agad pumihit paharap. "Halil?"

"Hi, Nica!" ang binata na naupo sa gilid ng kama.

"Paano ako makakapaglinis kung nandito ka pala?" tanong ng dalaga. Naasiwa siya sa hitsura nitong tila namamayagpag ang sandata na bakat talaga kahit saang anggulo tingnan.

"Just do your work," anito.

Walang nagawa si Nica kundi magsimula maglinis. "Huwag lang gagawa ito ng kabalastugan kundi pisa sigurado itlog niya sa akin," mahinang usal ng dalaga.

"Nasa bansa ko pala ang nobyo mo. Kapatid ni Elisa, isang mechanical technician," si Halil na nanonood lang sa ginagawa ng dalaga.

"Kailan pa naging stalker ito?" bulong ng dalaga.

"Mahal mo siya?" tanong ng binata.

''Siyempre nobyo ko," sagot ni Nica na patuloy lang sa ginagawa.

"Mahirap maghintay."

Napabuntong-hininga ang dalaga. Tama ang sinabi nito, "Walang mahirap kapag mahal mo isang tao," aniya.

"What if, hindi siya meant to be mo? Nag-aaksaya ka lang pala ng oras s----"

"Pwede ba, huwag mo na dagdagan ang nararamdaman ko ngayon! Nandito ako para maglinis hindi para imbestigahan mo buhay ko!" Itinigil ng dalaga ang ginagawa at kunot-noong tinitigan ang binata. Gwapo talaga ito, isang arabong may angking appeal na tulad ng kakambal na si Hajii.

Tumayo si Halil at humakbang palapit sa dalaga. Napaatras naman si Nica at nasukol sa wall.

"Gusto lang kita maging kaibigan, masama ba iyon?" anang binata na malapit na kay Nica.

"Magbihis ka nga!" Umiwas si Nica at muling kinuha ang panglinis. Narinig niya ang pagtawa nito na pumasok na sa banyo. "May saltik ata kapatid ni Hajii," aniya.

Binilisan ni Nica ang paglilinis. Hindi siya magiging komportable kung lumabas na ito sa banyo.

"HI, BRO!" si Halil kay Hajii. Nasa opisina ang kapatid at ipinatawag siya. Saktong paglabas niya kanina sa banyo ay wala na si Nica.

"Magtatagal ka ba rito?" Tanong ni Hajii sa kapatid.

"Depende."

"Hoy, naramdaman ko na may something kang naramdaman kay Nica, kilala kaya kita. I'm warning you, not, Nica! May nobyo na iyon at si, Kuya Rain pa. Maraming babae rito," si Hajii.

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon