LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.GalingFINALE
MABILIS lumipas ang dalawang taon. Si Nica ay may dalawang truck nang pagmamay-ari. Nakakarating na sa iba't-ibang lugar ang kanyang delivery. May maliit na siyang opisina at tatlong tauhan bukod sa mga driver niya kasama ang pahinante. Sa dalawang taon na pagsisikap ay mabilis na umunlad ang dating simpleng buhay. Mula sa pagiging OFW dati ay muling sumubok na matupad ang pangarap na umangat sa buhay.
"Anak, baka naman sa kalagayan mo ngayon ay mawalan ka na ng panahon para sa iyong sarili. Hindi sa itinutulak ka namin na mag-asawa, siyempre sa sobrang busy mo hindi mo na napagtutuunan ang salitang pag-ibig. Paano na lang kung tumanda kang nag-iisa?"
Araw ng linggo kaya kagagaling lang ng buong pamilya sa simbahan. Samantala si Nica ay pagkatapos magsimba ay papasok pa sa opisina.
"Naku si papa, bata pa po ako. Trenta pa lang kaya huwag po muna kayo mawalan ng pag-asa,'' sagot ni Nica sa ama. "Oh, aalis na ako."
Napapailing na naiwan ang ama ni Nica.
Habang sakay ng trycicle papuntang opisina niya si Nica ay naalala niya muli si Rain. Malapit lang kasi sa bahay nila ang nabili niyang na bakanteng lote para tayuan ng maliit na opisina. Dalawang taon na ang nakalipas na wala siyang balita sa dating nobyo. Hindi niya alam kung nag-another contract ito sa ibang bansa. Inilaan niya ang buong atensyon sa kanyang pangarap. Dalawang taon na rin na wala siyang balita kay Halil. Basta't alam lang niya ay missing pa rin ang binata.
"Ma'am Nica, may caller po kanina. Gusto ka niya makausap kapag dumating ka na raw. Ito po ang number niya ma'am, pakitawagan daw siya agad kasi may gusto raw siyang ialok sa iyo," salubong ni Tina, ang pinaka-secretary ni Nica.
"Okay thank you!" Kinuha ng dalaga ang number at agad tinawagan ang numero na nakasaad. Naka-ilang ring ito bago sumagot.
"Yes, hello!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Nica nang marinig ang boses na tila kilala ng puso niya hanggang ngayon. Inulit ng nasa kabilang linya ang pag-hello bago matauhan ang dalaga. Baka nga ka-boses lang ito ni Rain kaya napatikhim muna siya bago magsalita. "Ikaw ba ang tumawag kanina, sir? I'm Joy Nica Rabanera, the owner. What is your proposal, sir?" Naghintay ang dalaga sa sagot ng nasa kabilang linya.
"Actually, I have so much to offer you," sagot ng nasa kabilang linya.
"Ha?" si Nica na nahiwagaan sa sinabi ng nasa kabilang linya na ka-boses pa ni Rain. "Ahm...What is it? And can I know your name?"
"I'm Mr. Galvez, I want to offer you a business. Ikaw ang mag-supply sa akin ng manok at ako naman bahala sa iba pang gastusin. Balak ko magtayo ng lehon manokan. So, we're gonna be a business partner kung papayag ka," anito.
''Sounds interesting! When will we meet so that we can discuss it properly," sabi ng dalaga.
"Tonight. May welcome party sa bahay ko and blessing also. Maari kitang ipasundo if you want or yo---"
"No need Mr. Galvez, ako na ang pupunta. Saan ba iyan?" tanong ng dalaga.
"The two storey private house and lot near in Jaro Public Market. House number 142. Maghihintay ako," anito.
"Okay, thank you. Bye for now," anang dalaga.
"Yeah, bye for now and see you tonight."
Ibinaba ni Nica ang phone at nakaramdam ng kakaibang sigla. Siguro dahil sa madadagdagan pa ang kanyang business at siyempre kita.
"Ka-boses niya si Rain, pero imposible naman na siya iyon eh Mr. Galvez nga. Hay Nica, obviously siya pa rin. Bakit ba kasi nandito pa siya sa puso ko, siguro dahil cool-off lang kayo. Hay, ano nga ba pagkakaiba ng term na iyon sa break-up?" aniya sa sarili na maagang pinauwi si Tina at ang dalawa pang tauhan. Kapag Sunday kasi ay halfday lang sila.
BINABASA MO ANG
LOVE ME FOR WHAT I AM
RomanceLOVE ME FOR WHAT I AM (MY OFW BRIDE LAST SERIES) Written by M.R.Galing TEASER JOY NICA RABANERA, ang natitirang single sa limang magkakaibigang OFW. Tila nahahamon siya sa kapalaran ng kanyang mga kaibigan na nakapag-asawa ng mayayaman, kaya ipin...