Prologue

107 3 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

PROLOGUE

HABANG ikinakasal ang kapatid na si Elisa ay muling bumalik ang alaala ni Rain Justin sa dating nobya na labis niyang minahal.

"Angel, mahal na mahal kita!" sigaw ni Rain habang yakap ang nobya mula sa likuran. Nasa Gigantes Island sila sa Iloilo bilang pagdiriwang ng kanilang monthsarry.

"Mahal na mahal din kita, Rain!" Masayang tugon ni Angel.

Pakiramdam ng binata ay siya na ang pinakamasuwerteng lalaki sa mundo. Sigurado na siyang ito ang babaeng papakasalan niya. Naging mas masaya pa sila sa mga nagdaang araw. Larawan ng isang masayang couple.

Isang sales assistant lang ang binata sa isang manokan. Kaunti man ang kita ay hindi naman siya nahihirapan sa trabaho. May ipon na rin naman siya kahit papaano, kaya bago umuwi sa bahay ay dumaan muna siya sa isang jewelries store. Magpo-propose na kasi siya sa nobya.

Nang makauwi ay deretso bihis at pinuntahan ang nobya na karatig-bayan lang nila, dala-dala ang singsing na halos maubos ang isang buwan niyang sahod.

"Tao po!" si Rain Justin na kumakatok sa labas ng pinto. Alas-otso na ng gabi kaya saktong may dala siyang panghimagas na mga chocolates at cake pa.

"Hi mahal!" Nakangiting bati agad ng binata nang pagbuksan siya ng pinto ni Angel. Hahalikan niya sana ito ngunit umiwas lang at hinila siya papuntang garden.

"Umalis ka na, Rain! Hindi mo ba nabasa text ko sa 'yo?" Nagmamadali at hindi mapakali si Angel habang kinakausap ang nobyo.

"Hindi kasi busy ako maghapon, naiwan ko pa cellphone ko sa bahay, bakit ba at parang hindi ka mapalagay?"

"Rain, I'm sorry, tinatapos ko na ang relasyon natin.''

"Ano? M-Mahal bakit? Huwag naman ganyan!" Naninikip ang dibdib na saad ni Rain.

"I'm sorry, ikakasal na ako. Actually ay namamanhikan na sila ngayon sa loob kaya para walang gulo ay umalis ka na!" anito at pinagtulakan si Rain.

"So, niloko mo lang ako? Ginawang tanga! Akala ko ba mahal mo ako, tapos sa iba ka pala magpapakasal?"

"Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin! Basta tapos na tayo!"

Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ni Rain sa sinabi nito kaya kahit lalaki siya ay tumulo ang kanyang mga luha sa harap ng babaeng sinamba niya at minahal. "Anong rason bakit mo ako iiwan?"

"Gusto siya ng aking mga magulang dahil mayaman, may-ari ng ilang establishments. Kaya patawarin mo ako!" anito sabay takbo papasok sa bahay nito.

"Shit! Ahhh!" Kuyom ang kamao na lumabas sa gate si Rain. Tila wala sa sarili na naglalakad sa kalye, ilang oras na hinayaang umagos ang kanyang mga luha nang maibsan man lang kahit konti ang pusong nasasaktan.

Napabuntong-hininga ang binata nang maalala ang kabiguan sa unang pag-ibig. Napalingon siya sa kanyang likod at nagulat siya nang makitang napakatamis ng pagkakangiti sa kanya ng babaeng singkit ang mga mata.

"Timang ang babaeng ito! Hindi man lang nahiya, nagpapapansin sa akin!" aniya sa sarili. Kunot-noong tinitigan niya ito na isang dipa lang ang layo sa kanya.

"Damn!" Mura niya nang tinarayan siya nito. "Ngingiti-ngiti tapos magtataray? May regla siguro!" aniya sa sarili at muling ibinalik ang pansin sa ikinakasal na kapatid.

Matapos ang mga ritwal ng kasal, tumuloy sila sa magarbong handaan. Nilapitan niya ang kapatid na si Elisa upang magpaalam.

"Sis, I have to leave." Bulong ng binata sa kapatid.

"Ano? Hindi ba pwedeng bukas na lang? Kuya, please!" Pakiusap ni Elisa sa kapatid.

"Sorry talaga sis, may trabaho ako at kailangan nila ako."

"Hay naku! Pareho lang kayo ni kumareng Nica, gustong makauwi agad at maysakit ang ina. Teka saglit lang," anito sabay punta sa kabilang mesa.

Uminom ng malamig na tubig ang binata kaya hindi napansin na nasa harapan na niya ang kapatid kasama si Nica.

"Kuya, isama mo si kumare ko sa iyong pag-uwi. Gamitin ninyo sasakyan ni Hajii." sabi ni Elisa.

Nagkakatitigan sina Nica at Rain, kapwa hindi gusto ang isa't-isa.

"Okay. Oh, iligpit mo na ang mga gamit mo at aalis na tayo, miss pa-cute!" Panunudyo ni Rain sa babae pero hindi siya nakangiti bagkus ay madilim ang aura.

Umuusok naman ang ilong ni Nica sa inis sa lalaking tila mahangin.

Itutuloy...

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon