Chapter Five

78 4 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 05

"IUWI mo na ako!" Hiling ni Nica. Nahihiya talaga siya na malamang sumama siya kay Rain.

"Huwag na, bukas na ng madaling araw." Nakangiting saad ng binata.

"Bwisit! Ang sabihin mo gusto mo lang may second round!"

"Ito talaga ang bunganga eh!"

"Bakit hindi ba totoo? Huwag ako, Ulan 'no! Sige na lumabas ka na at silipin mo kung nasa labas pa sila at kung wala na iuwi mo na ako, sige ka kapag hindi mo ako iuwi sa bahay ngayong gabi, tatagain ka ng aking ama!"

"Ano? Sige teka lang!" anang binata na nagmadaling lumabas ng silid.

Natawa si Nica nang makitang nagkukumahog si Rain, "Takot ka pala eh!"

"Psst! Halika na!" si Rain na sumilip sa kuwarto at tinawag na ang dalaga. Dahan-dahang naglalakad ang dalawa na hindi makalikha ng ingay.

"Rain!"

Napahinto ang dalawa na bubuksan na sana ang pinto palabas.

"Saan kayo pupunta? At sino siya?" Tanong ng ina ni Rain na nasa banyo pala kanina kaya hindi nakita ng binata at inakalang nasa silid na.

"Patay!" si Nica na isang milyon ang nadaramang kaba.

Dahan-dahang humarap ang dalawa na tila isang magnanakaw na nahuli.

"Rain, tinatanong kita! Teka, parang kilala kitang bata ka ah! Parang nakita na---Ay oo sa kasal ni, Elisa!" anang matanda.

"O-opo, a-ako ang kaibigan niya," sagot ni Nica na hiyang-hiya dahil wala na siyang kawala.

"Kung ganoon, nasaan ka kanina?" anito.

"Sa kuwarto ko po," sagot ni Rain na pinandilatan ng dalaga.

"Ano? Ibig ninyong sabihin ay...Diyos ko itong mga bata! Ervin!" Tawag ni Aling Edna sa asawa.

"Lagot na!" si Nica na nakabusangot ang mukha.

"Ikaw kasi eh, nagmamadali. At bakit ka mahihiya eh mahal naman kita."

Nakaramdam ng saya ang dalaga sa ibinulong ng binata.

Lumabas naman ang ama ni Rain at kunot-noong tiningnan ang dalawa.

"Hay naku Ervin, ang dalawang ito ay may ginagawang kababalaghan!" sabi ni Aling Edna.

"Aba wala tayong magagawa riyan! Ayos nga 'yan at makakapag-asawa na itong binata natin. Oh, saan pa ba kayo pupunta? Gabi na kaya matulog na lang kayo rito." ani Mang Ervin.

"H-hindi po, kailangan ko pong makauwi kasi baka mag-alala ang mga magulang ko," turan ng dalaga.

"Oh sige, ihatid mo na siya anak." Nakangiting saad ni Mang Ervin.

"Hay, kainis! Nakakahiya!" si Nica na nasa loob na ng kotse at napapahilamos ng mukha.

"Ayos nga iyon at masanay ka na!" anang binata na agad pinatakbo ang sasakyan.

"Tumigil ka nga riyan! Ikaw nang-aasar ka pa talaga!" anang dalaga na ikinahalakhak lang ni Rain.

''Bukas sa bahay ka na matulog ha?" si Rain na tila naadik na sa dalaga.

"Tse! Ligawan mo muna ako!"

"I will my love!" tugon ng binata na inspired na kung kumilos.

Nang maihatid na si Nica ng binata ay saktong tulog na ang magulang ng dalaga.

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon