Chapter Six

78 4 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 06

"NAPAPANSIN ko na ilang araw kang ganyan, parang kulang ng kislap ang iyong mga mata?" ani Nica sa nobyo nang bumisita ito sa kanya.

Tinitigan ni Rain ang nobya at huminga ng malalim. "W-wala na akong trabaho."

"Ha? Bakit?"

"Si, Ronald kasi tinanggal niya ako dahil sa atin."

"Gago pala siya! Parang hindi negosyante. Hayaan mo na, maghanap ka na lang ng trabaho."

Tumango na lang si Rain pero hindi pa rin siya mapakali. Nahihiya talaga siya sa nobya. Malungkot at problemado pa rin na umalis ang binata.

Pagkaalis ni Rain ay tinawagan niya si Elisa.

''Hi, mare! Good evening! Kumusta na?" si Elisa sa kabilang linya.

"Ayos lang naman ako, magandang gabi rin. Ahm, tungkol kasi kay Rain," unang panimula ng dalaga sa kaibigan.

"Kay, Kuya? Bakit?"

"Natanggal na siya sa trabaho kaya ayon malungkot. Maari mo bang tulungan siya?" ani Nica.

"Walang sinasabi sa akin si Kuya, malihim kasi iyon. Oh, sige sabihin ko kay Hajii, baka may bakante ro'n sa hotel. Nakapagtapos naman si kuya ng mechanical engineering kaya hindi siya mahihirapan maghanap."

"Ewan ko sa taong iyon, siguro masyado lang siya mapagmahal sa trabaho."

"Sinabi mo pa! Teka, nag-alok na ba ang kapatid ko ng kasal?" tanong ni Elisa.

"Hindi pa, huwag nga muna iyan ang itanong mo! Parang hindi pa kami ready diyan!"

"Bye na, nandito na asawa ko. Sabihin ko ang tungkol sa kapatid ko," anito sa kabilang linya.

"Sige, thank you!" anang dalaga at ibinaba na ang phone. Umaasang babalik din ang sigla ng nobyo.

NASA kuwarto si Rain at nag-open ng kanyang laptop. Tiningnan niya ang site ng POEA para sa job hiring outside the country. May naka-post doon na 15 vacancies for mechanical technicians sa bansang Saudi Arabia. 21 years old and above ang hinahanap with or without experience. Malaki ang sahod halos triple sa sahod niya minimum dito sa Pinas.

"Mag-apply kaya ako," aniya sa sarili. Kinuha ang mga lista sa mga hinahanap na requirements at ini-off ang kanyang computer. Nahiga sa malambot niyang kama habang ang mga mata ay nakatuon sa puting kisame. "Kaya ko bang mag-abroad? Alam kong kaya ko pero ang hindi ko ata kaya ay ang iwan si Nica, mangungulila ako sigurado." aniya sa sarili at nagpabaling-baling sa paghiga. Naguguluhan siya sa kanyang naiisip. Sabi ng kabilang panig ng kanyang isip ay dapat siyang mag-apply para sa kinabukasan nila ng nobya. Sabi naman ng kanyang puso ay hindi niya kaya iwan ang pinakamamahal na dalaga.

"Kailangan ko mag-decide." aniya na nakatulugan na lang ang pag-iisip hanggang sa nakabuo ng desisyon.

KINABUKASAN ay nag-asikaso si Rain sa kanyang mga papel na kakailanganin. Tumawag na rin siya sa agency at pinapapasa na ng mga papeles niya. Binigyan na siya ng schedule para sa medical checkup niya.

Sakay ng sasakyan ay dumaan muna si Rain sa isang flower shop para bumili ng bulaklak. Habang papalapit na sa bahay ng nobya ay labis naman ang kabang nadarama. Agad siya pinapasok ng ama ni Nica. Naghintay sa sala sa dalaga.

"Hi, Ulan kong minimithi! May good news ako sa'yo!" si Nica na pababa ng hagdan. Matamis ang ngiti na nilapitan si Rain at naupo sa tabi ng nobyo.

"Para sa'yo!" anang binata sabay abot ng punpon ng bulaklak.

"Wow! Kaya love na kita eh! Bawat punta mo rito ay laging may flower. I love you, Ulan!" Paglalambing ng dalaga. Halos nalulunod ang kanyang puso sa ka-sweetan ni Rain.

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon