Chapter Eleven

74 3 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 11

NAALIMPUNGATAN si Rain na nangangalay ang kanyang kanang braso. Nanlaki ang kanyang mga mata nang katabi niya si Suzanne na hubad katulad niya. "Shit! Fuck!" aniya na agad bumangon sa kama at nagbihis.

"Rain," si Suzanne na nagising sa pagbangon ng binata.

"Shit! Suzanne, why? Hindi ka lasing pero bakit hinayaan mong umabot tayo sa ganito? May nobya na ako alam mo iyon at mahal ko siya!"

"Alam ko pero, Rain mahal din kita! Huwag mo naman gawin sa akin ito oh! Na parang nandidiri ka sa akin,'' napaluhang saad ni Suzanne.

"Suzanne, sorry. I'm so sorry, please lumabas ka na baka may makakita pa sa atin, malalagot tayo, please!" anang binata.

Bumangon naman si Suzanne at pinulot ang mga damit saka nagbihis sa harap ni Rain. Lumabas ito agad.

''Ano itong nagawa ko?" si Rain na napahilamos sa mukha at naupo sa gilid ng kama. Dahil sa pisteng alak nagkasala tuloy siya. Ang engineer niya kasi. Alam nang bawal pero nakalusot pa rin. Ang alcohol drinks ay banned sa bansang Saudi due to their Islamic laws. Kahit maamoy ka lang ng mga pulis na nakainom ng alak ay may kakaharapin kang pananagutan. May nabibili rin namang alak pero sariling gawa ng mga arabo, ang Siddique. Pero sadyang may pagkatuso ang engineer, ang alak na itinatago nito ay illegal transported galing sa katabing bansa, ang Bahrain kaya nagpapainom ito kapag sa barracks lang nito at hindi na lalabas.

TINANGHALI na ng gising si Nica gawa sa nainom niyang alak. Bumangon na siya't bumaba. Kailangan niya kasi ng malamig na tubig dahil sa hangover.

"Off mo ngayon?" si Kathleen na nasa sala.

"Oo, Mare."

"Tipsy ka kagabi ah, past Twelve ka na umuwi," ani Kath na nakasunod sa kusina kay Nica na kumuha ng tubig sa refrigerator.

"Oo nga eh, at ayaw ko na maulit iyon. Muntik na ako ro'n," anang dalaga na bumalik sa sala at naupo habang napapakagat labi. Naalala niya ang muntikang mangyari sa kanila ni Halil.

"What do you mean?" si Kathleen na naupo rin sa sopa.

"Sa alak kasi kaya muntik nang may nangyari sa amin ni Halil," pagtatapat ni Nica.

''Ano?"

Napalingon sila Nica at Kathleen sa boses ni Elisa na bagong dating lang.

"Ano sabi mo ulit?" si Elisa na hindi maipinta ang mukha.

"A-ah wala iyon, isang pagkakamali lang na hindi dapat na maulit," si Nica.

"Shit ka! Anong klase kang nobya? Si kuya ay nagpapakahirap sa ibang bansa tapos gaganituhin mo! Alam mo kung gaano maging OFW!" galit na sigaw ni Elisa.

"Mare, calm down," ani Kath na lumapit kay Elisa.

"Sorry, pero wala namang nangyari eh! Dahil lang iyon sa nainom ko pe---"

"Idadahilan mo pa ang alak! Nica, dapat simula pa lang hindi ka na nakipaglapit kay Halil, alam mong hindi malayo na mahulog loob mo!" Putol ni Elisa sa sasabihin sana ni Nica.

"Teka mare, hindi sa kumakampi ako kay kumareng Nica ha, pero wala namang nangyari eh. At isa pa, magkasintahan pa lang sila ng kapatid mo kaya bakit ikukulong ni mareng Nica ang kanyang sarili sa kalungkutan? Mahirap ang maghintay sa taong kahit ang makausap ay mahirap mangyari!" si Kathleen.

"At ganoon na lang iyon? Mahal siya ni kuya, at sigurado kapag malaman niya ito sa tingin mo hindi siya masasaktan kahit pa sabihing hindi natuloy? Ayos lang sana kung ibang tao at nagkataong hindi ko kapatid ang nobyo mo mareng Nica, kasi mauunawaan kita!" si Elisa.

"At baka nakakalimutan mong kaibigan din natin si mareng Nica! Dapat maunawaan natin siya!" si Kathleen.

"Tama na huwag na kayo magsagutan! Sorry talaga pero hindi ko ito ililihim kay Rain, sasabihin ko naman sa kanya mareng Elisa eh," anang dalaga na napapaluha. Ito kasi ang unang beses na nagkasagutan silang magkakaibigan.

"Ewan ko sa'yo! Sana lang huwag mong paasahin at saktan si kuya!" ani Elisa na agad umalis.

Nanghihinang umupo si Nica sa sopa na napapahilamos ng mukha. Naiiyak na siya sa nangyari.

"Hayaan mo na si mareng Elisa, you know, blood is thicker than water," si Kathleen na umupo sa tabi ng dalaga.

"Kailangan naming mag-usap ni Rain," anang dalaga.

"Tama, mas mabuti na iyon kaysa malaman pa niya kay Elisa, baka sa galit niya ay magsumbong pa kay Rain, " ani Kath na ikinatango ni Nica.

SAUDI ARABIA

Paalis na ang sasakyan nila Rain pabalik ng Dammam. Kasama niya pa rin si Suzanne at ang dalawang kasamahan pati ang kanilang engineer. Hindi nagkikibuan ang dalawa habang nasa biyahe.

Nang makarating galing sa mahabang biyahe ay pumasok si Rain sa dating barracks niya saka kinuha ang cellphone at tinawagan si Nica na nagkataong online. Agad niya ito naka-video call. "Hi, nasaan ka ngayon?" tanong niya sa nobya. Ala-sais na ng hapon sa bansang Saudi at alam niyang mga ala-una pa lang sa Pilipinas.

"Nasa hotel ako, malapit na magsimula sa trabaho," sagot ni Nica.

"Kararating ko lang, sweety. Ano, kumusta ka na?" tanong ni Rain.

"Ayos lang pero may sasabihin ako sa'yo kaya lang nasa hotel pa ak---"

Hindi natapos ni Nica ang sasabihin nang makita ni Rain ang isang lalaki sa likod ng nobya. Mukhang mayaman ito at isang arabo.

"Siya ba nobyo mo?" tanong ni Halil nang makita sa screen ng cellphone ni Nica ang lalaking kausap nito.

"Halil, pwede ba umalis ka muna!" si Nica sa binatang arabo.

"Sino siya?" si Rain na nakaramdam ng selos. Nakikita at naririnig niya ang dalawa dahil naka-video call sila.

"Okay, sorry. Mag-usap tayo mamaya," ani Halil na agad umalis.

"A-ah, Rain kailangan ko nang magpaalam at trabaho ko na. Please kung hindi ka busy, tawag ka sa akin mamayang gabi pag-uwi ko, Pinas time, please!" anang dalaga.

"Talagang mag-uusap tayo. Gusto ko malaman kung sino ang lalaking iyon at bakit kayo mag-uusap mamaya! I want to know!" si Rain na hindi napigil ang sarili na hindi magalit.

"Rain, please mamaya na, bye!" si Nica na pinutol na ang tawag. Kailangan niya na kasi magtrabaho para maaga matapos.

"WHAT the hell are you doing, Halil?" Galit na tanong ni Hajii. Nalaman niya kasi sa asawa ang nangyari sa kapatid at kay Nica. Ipinatawag niya ang kakambal sa kanyang opisina.

"What?" si Halil.

"Fuck, bro! Pwede ba itigil mo na iyang ginagawa mo kay, Nica! Taken na siya, maraming babae rito sa Pilipinas, why don't you find another girl?" si Hajii na sinisermunan ang kapatid.

"But I like her! Hindi pa sila kasal, naaagaw nga ang kasal na, ito pa k---"

"I'm warning you! Huwag mo ako ipahiya rito, at ayaw kong magkagulo silang magkakaibigan because of your stupid love! Bro, please stay away from her! She's not the right girl for you!"

"But how? I can't control my feelings, gusto ko siya laging makikita, ayaw kong malungkot siya. Alam kong nakikiamot lang ako ng panahon at pansin sa kanya, pero pwede ba kahit minsan pagbigyan ko naman ang sarili ko this time? Maari bang maging makasarili naman ako, iyong gusto ko naman ang masusunod. Alam kong alam mo na nahulog ang loob ko kay Elisa dati, pero pinigil ko ang sarili ko. Alam ko kasing isang kabaliwan iyon. Pero muli akong napabalik ng Pinas at hindi ko naman inaasahan na mangyayari ito, na magkagusto ulit sa babaeng may minamahal na. Bro, hindi ko siya pipilitin na mahalin ako, o agawin siya, hayaan niyo lang sana ako na pahalagahan siya habang mahal ko pa siya." Agad lumabas ng opisina si Halil.

Napapakamot na lang sa ulo si Hajii. Kilala niya ang kapatid, minsan hindi ito mapipigilan lalo pa't seryoso ito.

Itutuloy...

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon