Chapter Nine

66 3 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 09

"HALIL, bakit ka nakikipaglapit sa akin?" tanong ni Nica habang lulan sa kotse ng binata na hiniram kay Hajii na kakambal nito.

"Bakit ba lahat kayo ganyan? Bawal na ba ngayon ang makipagkaibigan?" Napapangiting sagot ng binata.

"H-hindi pero masama tingnan lalo na kay mareng Elisa, nobyo ko kapatid niya at kapatid ka naman ng asawa niya," anang dalaga.

"So?" anito at tumingin saglit sa dalaga at balik ang mata sa pagmamaneho. "Basta huwag ka lang ma-in love sa akin," anito sabay tawa.

"Gago ka talaga! Siyempre hindi! Mahal ko nobyo ko 'no?"

Tawa lang ang sagot ni Halil sa dalaga.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ng dalaga.

"Shopping, kain, pasyal, whatever!"

"So, gagawin mo lang pala ako tsaperon!"

"Hindi ah! Ang ganda mo para maging ganoon. Ahm...Sino mas pogi sa amin ng nobyo mo?" tanong ng binata na ikinataas ng isang kilay ni Nica at hindi tumugon.

Una silang nagpunta sa mall. Nakaalalay lagi sa likod si Halil sa dalaga.

"Bilhin mo lahat ng gusto mong maibigan, my treat!" ang binata na kumindat pa kay Nica.

Tumingin-tingin lang ang dalaga sa mga naka-display na mga bilihin na halos isang oras na sila sa kalilibot ay wala pa ring nabibili ang dalaga.

"Hey, aabutan tayo ng maghapon dito pero wala ka pa ni isang nabili," si Halil.

"Eh, ayaw ko. Kain na lang tayo nagutom ako at bumili ka na rin ng mga kailangan mo," anang dalaga. Ayaw niya kasing samantalahin ang kabaitan ng binata. Ayaw niya rin na magkaroon ng utang na loob dito kasi hindi naman sila magkaano-ano.

"Okay," si Halil na naghanap ng makakainan sa loob. "Max's Restaurant, you want there?"

Tumango lang ang dalaga at sumunod dito.

"What next?" tanong ni Halil, patapos na ito sa pagkain.

"Uwi na lang tayo," sagot ng dalaga na kumuha ng tea at uminom. Nakita niya ang pagkadismaya ng kaharap. "Sorry kung boring akong kasama."

"N-no it's okay. Napansin ko lang kasi na malungkot ka. I just want to help you, I don't know what to say, but I-i don't want to see you like that. Look, hindi kita aagawin sa kanya, friends lang tayo, ayos ba iyon?"

"Sige mangako ka, hindi ka sa akin magpapakita ng interes na higit pa sa isang kaibigan. Ahm...Ano kasi, ayaw kong magkasala kay Rain," nakatungong saad ng dalaga.

"Bakit ka ba takot? Posible bang magkasala ka kapag lagi mo na akong kasama?" Nanunuring tingin ni Halil.

"Ano? Hay naku hindi mo ako maintindhan! Look, malambot lang puso ko, mabilis akong mag---basta ganoon ako." Napapakagat ng labi si Nica. Kilala niya ang sarili niya na mabilis mahulog at takot siya na mangyari iyon lalo pa't nangungulila siya sa nobyo.

"Okay," tumango lang si Halil at nagpasya na silang umuwi.

SAUDI ARABIA

Nilapitan ni Suzanne ang binatang inaayos ang mga gamit sa makinang inayos nito. "Hi!"

Tumingala ang binata at ngumiti lang sa dalaga na pamangkin ng kanyang boss na kapwa pilipino rin.

"Maaga ka atang makakatapos ngayon," anito.

Tumayo si Rain at kumuha nang pampunas ng kanyang mga kamay, "Yeah. Ilang linggo akong overtime."

"Paano ang sipag mo, eh single ka pa naman."

"Taken na ako, hindi ba nabanggit ko na iyon noong nagkainuman sa bar. Kailangan ko magsumikap para sa kinabukasan naming dalawa."

"Sana lahat ng lalaki katulad mo, pogi na mapagmahal pa. Mahirap ang LDR, galing ako riyan at obviously hindi nag-work out. Sa tagal ko rito at sa layo namin sa isa't-isa, nawala ang pagmamahal namin sa bawat isa. Siya nahulog sa iba, ganoon iyon."

"Magkaiba kami. May dahilan kung bakit ako pumunta rito, gusto ko siya mabigyan ng magandang buhay."

"Two years, matagal iyan. Siguradong maganda siya, paano ka makakasiguro na hindi siya magkakagusto sa iba?"

"Napaka-nega mo, kaya siguro hindi kayo nag-work out ng nobyo mo," si Rain na nagpatiuna na palabas.

Nakasunod naman si Suzanne rito. "But I'm just telling the reality! 100 sa LDR ay halos 10 lang ang nagwork out!"

"At bakit mo sinasabi sa akin iyan?" si Rain na tumigil sa paglakad at hinarap ang dalaga.

"Ahm...S-sinasabi ko lang sa'yo ng maaga para hindi ka masaktan," napakagat labing saad ni Suzanne.

"If mangyari iyan, wala ng saysay para magtrabaho ako rito," si Rain na mabilis ang paghakbang pauwi sa barracks nila.

Naihagis ng binata ang dalang panyo at ang gloves na nasa kanyang bulsa sa kanyang higaan. "What if may makita si Nica na mayaman, iyong matutupad ang pangarap niya, paano?" Kinuha ang phone at tatawagan sana ang nobya kaso naalala niya nasa work pa ito.

PHILIPPINES

Pagod ang katawan na nahiga sa kama si Nica. Sa dami ng kanyang nalinis na kuwarto ay nakaramdam siya ng matinding pagod. Napabangon siya nang tumunog ang kanyang cellphone, kinuha kiya ito sa bag. "Hello?"

"Hi, how are you?" si Halil.

"I'm tired, saan mo nakuha ang number ko?" tanong ng dalaga sa binatang kakambal ni Hajii.

"Dito sa hotel, dito ka nagtatrabaho hindi ba? Nakita kita kanina, naawa nga ako kasi pawisan ka na sa katatrabaho. Hindi biro ang work mo ha, mahirap iyan. Bakit kasi hindi ka mag-asawa ng mayaman, tulad sa mga kaibigan mo? Well, concern lang ako sa'yo, maganda ka at siguradong maraming iibig sa'yo na m-mayaman," anito sa kabilang linya.

"Sorry talaga pagod ako, bye!"

"Okay, take a rest and drink more water, okay?"

"Yeah, thank you!" anang dalaga at ibinaba na ang phone.

Muling nahiga sa malambot na kama at nagmuni-muni. "Sana nga ganoon lang kadali. Siguro baka sinunggaban na kita, Halil kung nauna kitang nakilala. Dati kasi, iyan lang ang gusto ko pero nagbago nang makilala ko si Rain, nagbabago pala ang ninanais mo  sa buhay kung matuto kang umibig," aniya sa sarili at nakatulog.

Hindi na nagising pa si Nica sa panay ring ng kanyang cellphone sa tawag ni Rain dahil tulog na tulog na ito.

Madaling araw na nang magising si Nica. Una niya tiningnan ang kanyang cellphone at nakita niya ang halos dalawampung missed calls galing kay Rain. "Oh, God! Bakit ba kasi hindi man lang ako nagising? Rain, please tawag ka ulit, sorry!" anang dalaga na mangiyak-ngiyak na.

Naabutan na lang ng tanghali ay hindi na muling tumawag ang nobyo. Malungkot na namang nagtatrabaho ang dalaga. Sa sobrang depress ng dalaga, pagka-uwi niya ay kahit mahal ang load ay siya na ang tatawag sa nobyo sa Saudi. Kinuha ang phone and she dialed, 00 - 966 03 09** *** ****. 00-exit code, 966-ISD coce or country code, and 03-area code which is Dammam, and the rest are mobile number ni Rain.

"Yes, hello?"

Nagulat si Nica nang babae ang sumagot. "It's a call from the Philippines, can I talk to Rain Jus---"

"Yeah I know, nasa CR pa siya, nasa labas kasi kami at kumakain. Look, after nito ay may trabaho pa kami, so we're kinda busy, bye!"

Napaupo sa gilid ng kama si Nica. Nanlalambot ang mga tuhod sa kanyang iniisip, "Iyon kaya ang kasama niya sa trabaho na maganda? Lagi pala magkasamang dalawa. Rain, kaya ba natin 'to? Kaya ko ba?" aniya at unti-unting napaiyak.

Itutuloy...

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon