Chapter Seven

74 4 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 07

HANDA na ang pag-alis ni Rain papuntang Maynila. Ilang beses na niyang tinawagan si Nica pero hindi nito sinasagot. Mabigat ang loob na nilagay na niya ang kanyang mga gamit sa kotse.

"Anak, ingat ka ha?" anang mag-asawa.

"Salamat po, Pa, Ma! Mamimiss ko po kayo!" anang binata na muling niyakap ang kinilalang magulang. Kumaway na siya sa mga ito bago sumakay ng kotse.

"Rain Justin!"

Napalingon ang binata sa boses ng kanyang nobya. Kabababa lang nito sa sasakyan at patakbong lumapit sa kanya.

"Sama ako sa Maynila! Gusto ko ay ako ang maghahatid sa'yo kapag makalipad ka na," sabi ni Nica na dala-dala ang kanyang bag.

Napangiti si Rain sa sinabi ng nobya. Kinabig niya ito at niyakap nang mahigpit. "I love you!" bulong niya sa nobya.

''I love you too," si Nica na tinangala ang poging nobyo. Masakit at mahirap mang malayo rito pero ayaw niya maging hadlang sa kasiyahan ng nobyo.

"Mabuti naman at ayos na kayo. Sige na alis na kayo at mag-ingat," anang matandang lalaki na napapangiti.

Lulan ang dalawa sa sasakyan na magkahawak kamay at umaasang sila pa rin hanggang sa huli.

MAYNILA

"Kuya!" Tuwang saad ni Elisa nang pagbuksan ang kapatid. "Mare! Pasok kayo dali!"

"Salamat, Mare," anang dalaga. Naupo sila sa sala at itinabi ang mga dalang gamit.

"Kuya, buo na ba ang desisyon mo? Hindi biro ang magtrabaho 𝑎𝑏𝑟𝑜𝑎𝑑, hindi ba, Mare?" si Elisa.

"Para naman ito sa amin ng mahal ko eh!'' ani Rain na inakbayan ang nobya na nalungkot ulit ang mukha.

"Ano plano mo mareng Nica, kapag nakaalis na itong nobyo mo?" Tanong ni Elisa.

"Pwede ba tumira muna rito, o sa apat tatlo pa nating kumare? Papasok na lang ako ng trabaho rito, mamatay ako sa boring sa probinsya." anang dalaga.

"Aba kahit hindi mo na sabihin, you're always welcome here 𝑠𝑖𝑠𝑠𝑦 at kahit sa tatlo pa nating 𝑠𝑖𝑠𝑠𝑦𝑏𝑒𝑙𝑠. Paano ang sinimulan mong maliit na negosyo, ang manokan?" Tanong ulit ni Elisa.

"Sa 𝑝𝑎𝑟𝑒𝑛𝑡𝑠 ko na ipinamahala. Mag-aamoy malansa lang ako ro'n at baka mapanis 𝑏𝑒𝑎𝑢𝑡𝑦 ko," anang dalagang si Nica.

"Bakit kailangan mo pa magpaganda eh wala naman ako rito?" sabat ni Rain.

"Sus, Kuya talaga! Seloso ka rin pala eh! Kailangan siyempre magpaganda, baka pag-uwi mo magreklamo ka na!" Natatawang saad ni Elisa.

"Siya nga ang hindi ako komportable eh! Maraming pinay doon, paano na lang kung mapansin mo sila?" si Nica na napasimangot.

''Naku, hindi pa nga kayo nagkakahiwalay ay may ganyan na agad! Masasabi ko lang, kung kayo talaga para sa isa't-isa ay kayo pa rin sa huli!" Napapailing na saad ni Elisa.

ISANG kuwarto lang ang dalawang magkasintahan.

"Susulitin natin ang mga araw na magkasama pa tayo," bulong ni Rain sa puno ng tainga ni Nica habang ang mga kamay niya ay gumagapang na sa malambot na katawan ng nobya.

"Yes, Rain!" Napapasinghap na saad ng dalaga. Nag-iinit ang katawan sa pagkasabik sa muli nilang pag-iisa.

They kissed, licked, and danced each other's arm. Reaching the high mountains to burst it there.

Nasa dulo na ng langit si Rain nang pigilan ito ni Nica.

"Huwag mo ipasok sa loob, ilabas mo! Baka mabuo iyan, lagot na ako. Mas mahihirapan ako rito," anas ng dalaga.

Walang nagawa si Rain kundi sa labas ipasabog kahit mas masarap sa loob.

PAGLIPAS ng ilang araw ay nakapasa na nga si Rain sa kanyang mga requirements. Nasa 𝑁𝐴𝐼𝐴 na sila Nica at ang mag-asawang Mohammed para ihatid si Rain.

"Pssh, tama na!" Kinabig ni Rain ang nobya na maga na ang mga mata sa kaiiyak.

"Ingat ka ha? Lagi kang tatawag sa akin, lagi tayong mag-𝑣𝑖𝑑𝑒𝑜 𝑐𝑎𝑙𝑙. Mahal na mahal kita, Ulan!" si Nica na walang humpay ang iyak.

Naluluha rin si Elisa sa dalawa. Alam niyang mahirap ang pakiramdam ng bawat isa dahil sa pangungulila na siyang mahirap na kalaban.

Bago ihakbang ni Rain ang mga paa palayo sa nobya, isang maalab na halik muna ang kanyang ibinigay rito kasabay ng luha na tumulo sa kanyang mga mata.

Habang papalayo si Rain ay napapahagulhol si Nica. Alam niyang masasanay din siya. Natatanong niya sa sarili kung sino ba ang mas mahihirapan, ang nang-iiwan o ang iniiwan?

MATULING lumipas ang mga araw, linggo, at buwan na long distance relationship ang namamayani sa dalawang pusong nagmamahalan. Laging magka-𝑣𝑖𝑑𝑒𝑜 𝑐𝑎𝑙𝑙 na siyang pumupuno sa pangungulila.

Nagtatrabaho na rin si Nica sa hotel na pagmamay-ari nila Kathleen at Yasir bilang ℎ𝑜𝑡𝑒𝑙 𝑟𝑜𝑜𝑚 𝑎𝑡𝑡𝑒𝑛𝑑𝑎𝑛𝑡. Tagalinis ng kuwarto sa hotel. Lumipat na rin siya ng tirahan, kina Kathleen na siya pinatira ng kanyang kumare dahil masyado malaki ang bahay nito kaysa sa condo lang nila Elisa at Hajii.

"Mare, 𝑜𝑓𝑓 ngayon kaya sumama ka na sa amin!" si Kathleen kay Nica.

"Saan?" tanong ng dalaga.

"Alam mo bang kararating lang kaninang umaga ang kapatid ni Hajii, si Halil, ayon may konting salo-salo!" si  Kathleen.

"Bakit bumalik iyon dito?"

"Eh, namiss daw ang Pinas eh! Tara na!" Yakag ni Kathleen.

Nagbihis muna ang dalaga bago sumama. Nasa hotel daw tumuloy si Halil, sa VIP room ni Hajii at sa hotel din ang munting salo-salo.
Tiningnan muna ng dalaga ang cellphone, araw na ng pahinga sa Saudi kaya baka tumawag si Rain ngunit nang buksan niya ang 𝑓𝑏 𝑎𝑐𝑐𝑜𝑢𝑛𝑡 nito na hindi online ay inilagay na lang niya ito sa 𝑠𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔 na dadalhin.

Pagkarating nila Kathleen at Nica sa hotel ay nandoon na ang mga kumare. Nagbeso-beso lahat pagkatapos ay tsismisan ulit sa mga buhay. Nandoon din mga partner ng mga ito na tanging ikinalulungkot ni Nica, siya na lang kasi ang walang kasama.

"Hello, guys!" si Halil na kapapasok pa lang sa isang parte ng hotel.

"Wow! Lalong pomogi!" sila Ella, Edlyn, Kathleen, at Elisa. Tanging si Nica lang ang hindi natuwa.

"Thank you guys!" anang binata na napadako ang tingin kay Nica na walang kabuhay-buhay ang mga mata.
"Do I know you, beautiful lady?" anito. Hindi pa kasi nakilala dati ng binata si Nica.

"Hmn...I'm walking dead!" Walang ganang sagot ni Nica.

"Oh, thrilling! I like that, huh!" si Halil na napapangiti. Naagaw agad ang pansin niya sa babaeng tila walang buhay ang mga mata.

"Hoy, taken na iyan! Hilig mo sa may sabit!" saad ni Hajii sa kapatid. Nagkatawanan ang lahat sa sinabi nito.

"Oh, man! Bakit ang malas ko?" Napapakamot na saad ni Halil pero nang muling titigan ang magandang mukha ni Nica, "Isusugal ko na naman ba ang puso ko?" aniya sa sarili.

Itutuloy...

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon