Chapter Fourteen

101 4 0
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
(MY OFW BRIDE LAST SERIES)
Written by M.R.Galing

Chapter 14

BUMIYAHE papuntang Iloilo si Halil. Kahit pa pinigilan ito ni Hajii. Si Nica naman ay balik sa paninda ng manok sa palengke. Balak nitong mas palakihin ang maliit na negosyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kliyente na kung saan siya ang magsu-supply.

SA Saudi ay malaki ang pinagbago ni Rain. Naging tahimik ito na mahirap makita ang ngiti sa mga labi nito.

"Oh, lalapit ka na naman sa kanya tapos kapag hindi ka papansinin iiyak ka," sabi ni engineer kay Suzanne. "At isa pa, tama lang na sumunod ka sa akin na hindi laging pumunta sa barracks niya, alam mo naman baka may makasilip lagot tayo. Huwag mong pilitin ang ayaw," dagdag pa nito.

Hindi kumibo si Suzanne na lihim nasasaktan sa binatang naging mas mailap. Hinintay niyang matapos ang trabaho ni Rain at saka ito muling nilapitan.

Kumakain si Rain for lunch nang tumabi sa kanya si Suzanne. Hindi niya ito tiningnan at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Kumusta ka na? Ayos ka na ba?" tanong ni Suzanne ngunit walang tugon mula sa binata.

"Isang taon at kalahati ka pa rito Rain, baka naman gusto mo mag-aliw. Nakakasama sa health ang ganyang malungkot lalo na at malayo tayo sa ating pamilya," anang dalaga.

Tumigil sa pagsubo si Rain at tinitigan si Suzanne. "Masasanay ako dahil patay na ang puso ko. Mabubuhay lang ito kapag makita ko muli siya na masaya."

"Mahal mo nga talaga siya. A wonderful love, unique, na kahit alam mong wala na, mahal mo pa rin. How lucky she is, na minsan naiisip ko kung bakit napaka-unfair ng love sa ibang tao. Don't worry Rain, tama si Tito ko, bakit ko ipagpipilitan ang puso ko sa taong may ibinaon na sa kanyang puso. Nandito lang ako sa'yo para maging kaibigan mo, I'm not longing your love anymore. Rain, mahaba pa ang mga taon na ilalagi mo rito kaya bawasan mo ang stress na nadarama. Sorry for what happened." Tumayo na si Suzanne para bumalik sa trabaho kasi patapos na ang break time nila.

PHILIPPINES

Isang buwan ang matuling lumipas. Naging abala si Nica sa negosyo na manokan.

"Natutuwa ako sa'yo anak kasi ang sipag mo na at unti-unting nagtatagumpay ka na." Papuring saad ng ama ni Nica.

"Aba oo nga anak, kaso lagi ka ng busy, tulad ngayon aalis ka na naman," sabi ng ina ni Nica sa dalagang aligaga sa mga papel na pinipil-apan nito.

"Pa, Ma, para ito sa bibilhin kong truck. Kailangan ko ng isang sasakyan para makapag-deliver ng manok sa malalayong lugar. Kasama rito ang ipon kong pera at kalahating benta sa bibilhin kong sasakyan. Pangarap kong umunlad na tulad ng mga kaibigan ko pero sa sarili kong pagsisikap. Noon, gusto kong makapag-asawa ng mayaman para mabago ang buhay natin pero bakit ko ba iaasa ito sa iba, na pwede ko namang magawa sa sarili kong pagsisikap." Mahabang saad ng dalaga na naalala si Rain.

"Ang laki na ng ipinagbago mo bigla. Dahil ba iyan kay Rain?" tanong ng ama na naupo sa tapat ni Nica.

"Opo. Gusto ko patunayan sa kanya na hindi ko hangad ang yaman ng mga lalaki. Masaya ako at kontento na sa bagay na aking pinaghirapan. Magiging successful ako, para pagdating ng araw na matuto muli akong magmahal, mahirap man siya ay hindi na niya nanaising lumayo pa," anang dalaga.

"Anak, kung kayo talaga para sa isa't-isa, magtatagpo ulit kayo balang araw pero kung hindi man kayo ay dapat ka pa rin magpasalamat sa kanya dahil siya ang naging inspirasyon mo para magsikap," turan ng ama.

Napangiti ang dalaga sa sinabi ng kanyang mahal na ama. Aaminin niyang mahirap mawala ang pagmamahal niya kay Rain. Nabawasan man ito pero naroon pa rin ang konting pagtingin. Mula kasi nang nakipag-cool off siya sa binata ay hindi na sila nagkaroon pa ng kumunikasyon. Naging busy kasi siya sa negosyo na ilang oras lang ng gabi ang pahinga. Hindi rin siya nag-aabalang tumawag sa mga kumare na alam niyang nagtatampo na sa kanya.

NANG makabili na ang dalaga ng truck ay mas naging abala ito sa kahahanap ng mga kliyente sa iba't-ibang panig ng  Iloilo maging sa labas ng lungsod ay nanghahagilap ang dalaga ng mga costumer.

Bumiyahe si Nica sa Maynila dala ang truck niya na ang driver ay ang pinsan niyang may pamilya na rin sa father side. Kukuha siya ng wholesale chicken sa kompanya ng JJM Chicken  Company. Matapos ang transaction ay nagulat na lang ang dalaga sa lalaking nasa likuran niya na tumawag sa kanyang pangalan.

"Hey remember me? I'm Ronal--"

"Yeah, hello Ronald!" anang dalaga sa dating amo ni Rain na nanligaw sa kanya.

"Wow, congrats ha, businesswoman ka na pala ngayon at hindi na bastang dealer lang ng maliit na manok sa palengke pero kumukuha ka na rin dito. I heard that lumalaki na ang pangalan mo sa atin, my new rival in business industry," anito sa dalaga.

"Yes, thank you for that compliment. Don't worry Ronald, hindi ako magiging tulad ng kompanya mo. Marami pa akong kakaining bigas para maging tulad ng business mong malaki na. Nagsisimula pa lang ako kaya wala pang naitatayo na kompanya so don't be threatened that I'm your rival of business industry in our place." Taas kilay na turan ng dalaga saka iniwan ito pero sumunod sa kanya.

"Wow! Kaya simula pa lang nagustuhan na agad kita. Kumusta na ang nobyo mo, kayo pa ba?" tanong nito na nakasunod pa rin kay Nica na palabas sa JJM building.

"Wala na." Maikling sagot ng dalaga na halos kasabayan na niya ang lalaki sa paglalakad.

"Why? Well sorry kung nagtanong ako. Mukhang mahal na mahal ka niya talaga noon nang agawin ka niya sa akin. Hindi ko inaasahang hindi pala kayo in the end. Nica, what if ligawan ulit kita? Look until now, wala pa akong pinapakasalan na babae. Maybe, nakatadhana tayo."

Napatigil sa paglalakad si Nica at kunot-noong tinitigan si Ronald.

"Well, kapag mangyari iyon ay magiging maingay pa tayo sa atin dahil mas lalaki ang business nating dalawa if mag-collab tayo," anito na kaylapad ng ngiti sa mga labi.

"Ronald, kulang pa ang negosyo mo para sa mga anak mo sa iba't-ibang babae. Idadamay mo pa ako sa sakit sa ulo mo. Kapag mamatay ka, mag-aaway-away mga anak mo kung kanino talaga mapupunta ang pera at negosyo mo. Sorry, pero kahit hindi naging kami forever ni Rain na dating tapat at masipag mong tauhan ay nagpapasalamat akong iniligtas nita ako sa mga kamay mong ang alam lang ay magpalipat-lipat ng kuweba!" anang dalaga na tuluyang iniwan ang lalaki na hindi nakaimik sa kanyang sinabi.

"Kuya Rex, idaan mo muna ako sa Makati. Saglit lang ako siguro mga thirty minutes saka na tayo bibiyahe pabalik," sabi ni Nica sa pinsang driver niya na tumango lang.

AGAD pinapasok si Nica ng guard sa malaking bahay ng kumareng Kathleen niya. Naghintay si Nica sa sala sa kumareng nasa kuwarto pa na tinawag na ng maid para ipaalam na nandito siya.

"Mare!" si Kath na patakbong bumaba ng hagdan at niyakap si Nica. "Wow! Gumanda ka lalo ngayon ah, dahil ba in love ulit?"

"Ha?" Naguluhan si Nica matapos kumalas sa pagkakayakap.

"Bakit hindi ba?"

"Hindi ah! Busy ako sa business ko kaya wala munang lovelife."

"What? Eh, kumusta si, Halil? Anong ginagawa niya lang sa inyo?" tanong ni Kathleen.

"Ha? Paano nasama si, Halil? Ano ka ba, noong umalis ako rito ay kinalimutan ko muna ang usaping puso ko at nag-focus ako sa negosyo ko nga!" Giit ni Nica.

"Aba eh sumunod si Halil sa'yo ah, after the day you left here in Manila!"

"Ano? Sumunod siya sa akin sa Iloilo? Eh, bakit wala siya roon at walang dumating na Halil sa bahay ko?" Laking pagtataka ni Nica.

"What? Oh no! Lahat kami ay nag-iisip na magkasama kayong dalawa! Na tahimik na kayong nagsasama at nagkakamabutihan kasi kapwa kayong wala nang pakiramdam sa amin dito. Tapos wala pala siya sa inyo? How come?"

"I don't know!" si Nica. "Well, mabuti pala at pumunta ako rito. Pakisabi kina Elisa at Hajii na wala sa amin si, Halil ng higit dalawang buwan na. Oh, paano mare aalis na ako," paalam ni Nica.

"Ano ba business mo ngayon?" tanong ni Kath.

"Manokan," simpleng tugon ng dalaga saka umalis na hindi na pinaunalakan si Kathleen sa pagkain.

"Nasaan ka, Halil?" bulong ni Nica habang palabas ng bahay ng kaibigan.

Itutuloy...

LOVE ME FOR WHAT I AM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon