Nilingon ko naman si Marzanna sa aking tabi.
Naalala ko na siya pala 'yung nag sabi sa akin na kailangan ko raw mag-ingat.
Pero ang tanong, saan? saan aki nag-iingat?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya, tumabi naman siya sa akin at sinandal ang kaniyang sarili sa pader.
“Shan? hindi ka ba uupo sa tabi namin?” narinig ko naman si Kofi kaya napalingon ako sa kaniya at umiling habang nakangiti.
I faced Marzanna again and I asked her, “Why? ano ba pinagsasabi mo?”
"Nakakabigla 'yung nangyari kahapon 'di ba? huwag ka masiyadong mag tiwala sa mga nakikilala mo rito. Pero na sa iyo lang naman kung pagkakatiwalaan mo ako. Careful." pagkatapos niyang sabihin sa akin ’yon ay umalis na siya sa aking tabi at pinuntahan sina Skylla na nasa unahan ko lang.
She's beautiful, but weirdo.
Hindi ko makuha kung ano ang ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya sa akin.
"Where's Yza?" bigla namang nag-salita si Kean kaya lahat kami na narito ngayon ay napalingon sa kaniya.
Sumagot naman 'yung iba at sinabi nilang, hindi namin alam.
“Practice na, tumayo na kayo para rehearsal na natin sa sunday.”
Tumayo naman silang lahat kaya pinuntahan ko si Sheyne na ngayo’y nakatayo rin kaya tinabihan ko siya.
"Shan, punta na lang kaya tayo sa basketball court? maraming guwapo doon!" tili naman siya nang tili habang sinasabi niya iyon sa akin.
"Yuck, guwapo hanap. Nandito naman ako ah.” singit naman ni Dewei pero iniripan lang siya ni Sheyne.
"Ang hangin mo naman.” sabi ni Sheyne kay Dewei, pero si Dewei naman ay mahinang napatawa.
Hinawakan naman ni Sheyne ang aking kamay at sabay kaming lumabas sa dance room.
Hindi na rin kami nag-paalam kay Kean dahil wala pa rin naman kaming gagawin doon.
Pero gusto ko sanang doon na lang sa dance room, dahil gusto ko makita ang sayaw nila. Pero namimilit kasi itong si Sheyne e, wala na rin akong magawa kaya sasamahan ko na lang siya.
"Sheyne, seryoso ka ba rito? baka nakaka-istorbo tayo sa mga basketball players doon." paninimula ko.
"Hindi ’yan, trust me."
Hinayaan ko na lang siya at nag paubaya na lang ako, hanggang sa makarating kami sa basketball court.
Nang makapasok kami ay agad niya akong hinila sa bleacher seat kung saan malapit lang kami sa mga basketball players.
Naiilang naman akong umupo rito dahil sobrang dami ng mga basketball players, nakakahiya rin, pero hindi ko kasi matiis itong si Sheyne e.
"Kita mo 'yan? siya si Luke. Siya 'yung captain ng team." sambit ni Sheyne at tinuro ’yung lalaking nasa unahan lang namin.
Ako ’yung nahihiya sa kaniya dahil turo siya nang turo.
"Siya naman si, Stan. Galing daw mag laro niyan e, guwapo talaga!" tumatango na lang ako sa kaniyang mga sinasabi kahit ako ay naiilang na.
Mabuti na lang at hindi kami tinitignan ng mga basketball players dito, nakakahiya talaga itong si Sheyne e, panay turo.
Taray, kakalipat pa lang ni Sheyne pero marami na agad siyang nakilala rito.
"Huh? 'di ba kakalipat lang natin? bakit kilala mo na silang lahat?” kumunot naman ang aking noo nang sabihin ko iyon sa kaniya.
"Nakita ko name badge nila one time e, kaya tinignan ko at doon ko nalaman kung ano ang mga pangalan nila. Guwapo 'no? sila naman lahat." she giggled.
BINABASA MO ANG
Let's Dance? (COMPLETED)
Любовные романыShanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to get there. Because, her parents doesn't have money to allow her to hone her dancing abilities. Until one day, she awoke apprehensive and with...