Nilingon ko naman siya, but I don't know her.
Ka-klase ko siya oo, pero 'yung iba sa kanila hindi ko pa kilala.
Babae siya na matangkad, mahabang buhok, pure black 'yung buhok, matangos 'yung ilong, red lips.
Napaka ganda niya, kaso hindi ko siya kilala.
Umalis naman siya agad kaya sinundan na lang siya ng aking tingin hanggang sa makalabas siya ng tuloyan sa classroom.
Mag-ingat ako? saan? para saan?
"Okay ka lang?" natauhan naman ako nang hinawakan ni Kofi ang aking balikat.
Tumango naman ako sa kaniya at pinilit kong ngumiti. "O-Oo naman."
"Tara na? sa dance room na tayo." tumayo naman siya at kinuha 'yung bag niya.
Sumunod naman ako sa kaniya at lumabas na ng classroom. Napaisip naman ako kung anong araw na ngayon, kinuha ko naman 'yung cellphone ko sa aking bulsa.
Thursday pala ngayon, ang bilis naman. Bukas Friday na.
Habang nasa hallway kami, tahimik lamang ako. Habang sina Kofi naman ay panay tawa at daldal athinayaan ko na lang sila.
Pero iniisip ko pa rin 'yung nangyari kanina, adik ba 'yung sumigaw kanina na kami na ni Akio? walang kami.
Mabuti na lang at sa aking pag-labas ay hindi na ako tinititigan ng lahat at hindi na rin sila nag-bubulungan tungkol sa akin.
Tahimik lang akong nag-lalakad tapos narinig ko si Dewei. "Gumala kaya tayo sa Saturday." tumango naman 'yung dalawa, samantalang ako ay walang sinagot sa kaniyang sinabi.
"Ikaw Shan? baka gusto mo sumama sa amin?” nilingon ko naman si Dewei nang sabihin niya iyon sa akin.
"Pag-iisipan ko." oo, pag-iisipan ko. Pupuntahan ko nalang siguro sina, Mama. Kaso malayo, sevevn hours 'yung byahe papunta sa kanila.
Tinatamad kasi ako gumala ngayon, lalo na’t nag-titipid ako ng pera.
Mabuti na lang at narito na kami sa dance room, ano ba gagawin ko rito e uupo lang ako tapos manonood sa kanila habang nag pa-practice, sakit sa puwet.
Agad na rin kaming pumasok at umupo kami sa gilid. "Hindi ba kayo nag-sasawa rito? ’tsaka masakit kaya sa puwet kapag umupo kayo sa sahig." pag-aalalang sabi sa amin ni Kofi.
"Lalabas na lang siguro muna ako." walang emosyon kong sabi sa kanila at inilagay 'yung bag ko sa gilid.
“Ayos ka lang?” Sheyne asked.
"Ang tahimik mo simula kanina, okay ka lang ba?" tanong naman sa akin ni Dewei.
Lumingon naman ako sa kanila at ngumiti. "Okay naman ako, 'wag kayong mag-alala. Punta lang ako sa cafeteria, gusto niyo sumama?"
"Dito na lang siguro ako. Si Sheyne na lang." Dewei said.
Ayaw niya sumama kasi gusto niya makita si Kofi, aruruy.
"Ako na lang, tara?" sabi sa akin ni, Sheyne. Tumayo naman kami at nag paalam kay Dewei at Kofi, lumabas na rin kami papuntang cafeteria.
"Sigurado ka bang okay ka lang? ang tahimik mo buong araw ah. ’Tsaka tungkol ba 'yan sa nangyari kanina? 'yung sumigaw 'yung kaklase natin sa classroom tapos sinabi na kayo na ni Akio?" tanong ni Sheyne sa akin habang nag-lalakad kami sa hallway.
Kahit na ako hindi rin alam kung bakit ang tahimik ko ngayon.
Okay naman ako ah, hindi naman ako naapektuhan sa sinabi nung kaklase namin na kami na ba ni Akio o kung ano pa 'yan, wala akong pake doon.
BINABASA MO ANG
Let's Dance? (COMPLETED)
RomanceShanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to get there. Because, her parents doesn't have money to allow her to hone her dancing abilities. Until one day, she awoke apprehensive and with...