Nag simba muna kami ni Akio at pagkatapos non ay napag isipan namin kumain sa isang ma-mahaling restaurant.
Sinabihan ko na siya na kumain na lang kami ng street foods dahil masarap na at mura pa. Pero hindi niya naman pinansin ’yung sinabi ko at dinala niya pa rin ako sa ma-mahaling restaurant. Nakakahiya man pero wala rin naman akong magagawa dahil pinilit niya ako e, bahala na raw kung sobrang mahal ng mga pagkain dito.
Pagkatapos naman naming kumain doon, napag desisyonan namin na pumunta sa isang parke hanggang sa madatnan kami ng gabi."Tignan mo, ang ganda ng kalangitan ngayon. Tapos ang dami pang mga bituin." ani ko habang nakatitig sa magandang kalangitan at kumakain ng popcorn.
Nasa tabi ko naman ngayon si Akio at kumakain rin siya ng popcorn.
Naramdaman ko namang sobrang tahimik niya kaya nilingon ko siya at sa aking pag lingon, nakatingin na pala siya sa akin.
Mag sa-salita na sana ako kaso na unahan niya ako. “Ang ganda nga." he said habang nakatitig siya sa aking mga mata at kinain 'yung popcorn.
Inilapit niya naman 'yung mukha niya sa akin, kaya napa atras ang mukha ko doon. "Ang ganda mo. Sobra." he said with his husky voice.
Umiwas naman ako ng tingin at naiilang naman akong tumingin sa buong paligid ng sinabi niya iyon sa akin. Ramdam ko 'yung kaba, kaya naman—
Naputol naman 'yung pag iisip ko ng bigla na naman siyang nag salita. "Are you tired?" tanong niya sa akin.
"H-Hindi." lumingon naman ako sa kaniya. "Ikaw?"
"Nope." tumingin naman siya sa relo niya at tumingin ulit sa akin. "Seven fifty-four pa naman ng gabi. Punta muna tayo sa bahay."
Bahay? bahay nila? ano raw?
"Huh?”
"Do you want to meet my Mother and Father?" tanong niya at tumayo mula sa upuan at tumingin sa akin.
Ipapakilala niya ako sa mga magulang niya, ang awkward nun, hindi ba?
Naiilang naman akong tumango sa kaniya at ngumiti. "Sure,” tumayo naman ako at humarap sa kaniya.
Bahala na kung ang awkward, wala namang kami e.
’Tsaka I want to meet his Father and Mother.
Nasa malaking lamesa ako ngayon, nasa hapag-kainan kami at kasama ko ngayon ang mga magulang ni Akio. Kanina pa kami na tapos kumain, pero hindi pa kami umaalis rito sa hapag-kainan dahil masaya pa kaming nag da-daldalan.
Sobrang bait nila.
"Oh, can I ask you... Shan? Shan, right?" tanong sa akin ng Mama ni Akio at katabi niya ngayon ang Papa ni Akio.
Mabait din 'yung Papa ni Akio. Pure Japanese at ang fluent niya sa salitang tagalog.
Kaya siguro may half si Akio kasi isang hapon ang Papa niya.
"Yes po, ano po itatanong niyo?"
"Mag kasintahan ba kayo ni Akio, hija?"
Muntik naman mabulunan si Akio sa iniinom niyang tubig ngayon. Nakita ko namang sinamaan niya ng tingin ang Mama niya.
Kinakabahan naman ako dahil nalilito ako kung ano ang isa-sagot ko sa tanong ng Mama niya.
"H-Hindi p-po kami mag k-kasintahan." nauutal kong sagot.
"Oh, sorry I thought mag kasintahan kayo. Bagay na bagay pa naman kayo ng Anak ko." masayang sabi ng Mama niya. Nagkatitigan naman kami ni Akio at naiilang na ngumiti sa isa’t isa.
BINABASA MO ANG
Let's Dance? (COMPLETED)
RomanceShanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to get there. Because, her parents doesn't have money to allow her to hone her dancing abilities. Until one day, she awoke apprehensive and with...