Habang nag uusap-usap kami dito sa cafeteria, hindi ko mapigilan mapa sulyap kay Akio na nasa gilid.
Kanina pa kami kumakain dito at halos lahat sa amin ay busog na busog na.
Katabi ko ngayon si Sheyne at katabi niya naman si Dewei, sa gilid naman ng lamesa nandoon si Akio na katabi si Kean. Sa harap ko naman nandoon sina Gelay, Marzanna at Skylla.
Mabuti na lang din sakto kami dito sa lamesa. Malaki din naman, kaya walang ikababahala.
"Malapit na 'yung dance competition, pagkatapos non graduate na tayo then senior high na. Siyempre 'yung iba sa atin aalis na, kayo ba? may aalis ba dito?" Gelay said.
Nag salita naman si Skyla tungkol sa sinabi ni Gelay. "Siguro, hindi ko alam. Sinabi ni Mama sa akin na lilipat ako, doon na ako mag aaral sa Las Vegas, hindi pa naman ako sigurado. I don't want to leave here, marami akong nakilala dito. Lalo na sa inyo, ni hindi ko nga kayo kayang iwan e." she explained.
May point din naman siya, mahirap umalis dito lalo na kapag may nakilala ka ’tsaka ayaw mo malayo sa kanila.
"I think, me too. Not sure, pero sana dito pa rin ako mag aral hanggang sa makapag tapos ako." sabi naman ni Marzanna.
"Nako, hayaan niyo na nga 'yan. Malulungkot lang kayo lalo kapag mag to-topic kayo ng ganiyan."
"Dapat masaya tayo ngayon kasi kaarawan ni Shanianah. We need to celebrate." nakangiting sabi ni Sheyne at tumingin sa akin na nakangiti ng bahagya.
Habang nag-tatawanan kami at nag-uusap ng kahit na ano, bigla namang sumulpot si Luke.
Kitang-kita sa mukha niya na galit na galit talaga siya.
Nababaliw na ata itong lalaking 'to.
Hinawakan ko nang mahigpit ang balikat ni Sheyne dahil alam kong may masamang mangyayari dito.
"Sheyne, can we talk?" madiin at seryosong sabi ni Luke sa kaniya.
Na pansin ko naman si Skylla na inangat ang kaniyang tingin upang tignan si Luke, "T-Teka, may problema ba kay Sheyne?" tanong ni Skylla sa kaniya, pero hindi nakinig si Luke na para bang wala siyang pake sa sinabi ni Skylla.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Sheyne, napayuko naman siya at naramdaman ko naman ang kaniyang mga kamay na nanginginig.
"Hindi siya aalis."
Na palingon naman kaming lahat kay Dewei, maliban kay Sheyne na nakayuko lang na para bang takot na takot sa nangyayari ngayon.
"Why? bigyan mo ako ng rason." Luke says.
Lagot 'to, may away talaga na mangyayari dito. Halos lahat ng tao sa cafeteria nakatingin sa table namin.
"Bakit ba ang kulit mo? hindi nga siya aalis, ayaw ka niyang kausapin. Baka nakalimutan mo 'yung ginawa mo sa kaniya."
Na bigla naman kami dahil malakas na hinawakan ni Luke ang kuwelyo ng uniporme ni Dewei.
Agad naman kaming napatayo nang gawin iyon ni Luke kay Dewei, agad din namang dumating si Stan at pinigilan niya si Luke, si Akio naman ay pinipigilan si Dewei.
"Pinagsasabi mo ha!? nag mamayabang ka ba!?" malakas na sabi ni Luke at galit na galit na sabi niya kay Dewei.
"Bakit ayaw mong umamin na inaabuso mo si Sheyne? kasi nga totoo!? akala mo ba hindi ko alam!?" napaigtad naman kaming lahat at na patingin ang mga estudyante sa amin.
Sandali namang na tahimik si Luke. Akmang su-suntukin na niya si Dewei pero nakailag ito, kaya hindi na napigilan ni Akio at Stan 'yung dalawa kaya nag suntukan sina Luke at Dewei.
![](https://img.wattpad.com/cover/288621499-288-k386835.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Dance? (COMPLETED)
RomansaShanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to get there. Because, her parents doesn't have money to allow her to hone her dancing abilities. Until one day, she awoke apprehensive and with...