CHAPTER 30

38 21 2
                                    

Magagalit na sana ako kasi ihing-ihi na talaga ako, gusto ko na mag cr tapos may nabunggo pa ako.

"I'm sorry teka- Shanianah?"

Nakaramdam naman ako ng kaba dahil nang makita ko si Jude sa aking harapan.

Napalunok naman ako and I blinked my eyes twice because of nervousness.

"E-Excuse me, n-nag mamadali kasi k-kami." nauutal kong sabi sa kaniya at hinawakan si Sheyne.

Nilampasan naman namin si Jude dahil gusto ko na talaga pumunta sa banyo.

"Sandali!" pinigilan kami ni Jude pero hindi kami nakinig at patuloy lamang kami sa pag-lalakad ni Sheyne hanggang sa may nakita kaming banyo kaya pumasok kami roon.

Agad naman akong pumasok sa isang cubicle habang hinihintay ako ni Sheyne sa labas.

Nang matapos na ako umihi, agad akong pumunta sa harap ng salamin at nag hugas ng kamay.

Hanggang ngayon kinakabahan ako sa nangyari kanina.

Pumunta naman sa tabi ko si Sheyne at tinignan ako na nakapagtataka.

"Do you know him?" she asked me, alam ko namang tinutukoy niya si Jude.

Pinaandar ko naman itong gripo at naghilamos, tinignan 'yung mukha ko sa salamin.

Tinapik naman ni Sheyne 'yung likod ko at tinignan ako. "Shan, you okay?"

Tumango naman ako sa kaniya. "O-Oo naman."

"Tungkol sa nangyari kanina, 'yung nakabangga mo. DSA student pala siya-" I cut her words.

"I know." tumatango naman ako.

"Ex ko siya."

Nakita ko naman ang reaksiyon ni Sheyne mula sa salamin, kitang-kita ko sa kaniyang mukha na nagulat siya sa aking sinabi pero nawala rin naman iyon agad.

Napayuko na lang ako at iniisip 'yung nangyari kanina, may part sa akin na gusto ko siya kausapin pero may part naman sa akin na huwag na lang.

"Talaga? narinig ko nga kanina na choreographer daw 'yon sa DSA e? sa troupe nila. I don't know kung totoo ha, pero sure ako na totoo talaga. Ang galing nila sumayaw e."

Magaling naman talaga siya, mas lalo siyang gumaling.

"Tara na? baka hinahanap kana ni Luke doon." tinampal niya naman ang aking balikat dahil sa sinabi ko kaya napatawa ako ng mahina dahil doon.

Nag aasaran pa kami dahil kay Luke. Alam ko namang gustong-gusto niya si Luke.

Hanggang sa makarating kami sa aming upuan, hinanap pa namin ito, ang hirap mahanap kasi maraming tao. Pero mabuti na lang nakita kami ni Dewei at tinawag niya kami.

Nang makaupo na kami, agad naman akong napatingin sa stage. Nag sa-salita 'yung emcee at katabi 'yung isang troupe, hindi ko alam kung anong paaralan sila. Nag sa-salita naman 'yung mga judges, kahit ako hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi nila.

Kinuha ko na lang 'yung mineral water ko sa bag at ininom ito. "Ang tagal niyo." sabi sa akin ni Dewei habang umiinom ako ng tubig.

Niligpit ko naman 'yung tubig ko at ipinasok muli sa bag. "Hindi kasi namin alam kung saan 'yung cr e, hinanap namin kaya natagalan kami."

"I see, natapos na lang 'yung sayaw ng pangatlong troupe, hindi pa kayo nakakabalik." he chuckled.

"Pansin ko rin, anong grupo ba 'to?" tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan ko kung anong grupo sila. Siguro sila ang pang-huli, after that malalaman na natin kung sino ang mananalo." tumingin naman si Dewei sa kaniyang wrist watch, "Eleven fifty-six na rin, siguro malapit na 'to matapos." he stated habang nakatingin sa kaniyang relo.

Let's Dance? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon