CHAPTER 20

35 22 0
                                    

Maliwanag ang buwan kasabay ng pagtama ng aming mga mata.

Kasabay ng malakas ng ihip ng hangin, parang bumagal na rin ang buong paligid dahil sa nangyari.

He weakly smirked at umiwas.

Tumingin naman siya sa kalangitan samantalang ako naka tingin pa rin sa kaniya.

"What now?" he asked me while he's looking at the moon.

Pero may bigla namang pumasok sa aking isipan, gusto ko sana matututonan ang mga ibang unique steps sa hip-hop, kagaya nung sa practice nila.

“Puwede mo ba akong turuan?”

He tilted his head and he faced me, "Turuan? saan?"

"’Di ba 'yung mga steps na ginagawa niyo ay may tawag?” he nodded, “Gusto ko sanang mag-paturo kung ayos lang? gusto ko lang sana masubukan ’yung mga simpleng steps na ginagawa niyo.”

"Sure, come with me.”

"P-Puwede pa ba ngayon? gabi na, baka mapagalitan tayo at may makakita sa atin kapag nandoon tayo—”,

"Okay lang naman na pumunta doon sa dance room. As long as you are quiet at mahina lang ’yung music.” he said.

“Maaga pa naman,” hinawakan niya naman ang aking kamay kaya napatayo ako roon at sabay kaming nag-lakad papuntang dance room.

Medyo madilim sa hallway, pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Habang hawak-hawak ni Akio ang aking kamay ay hindi ko mapigilang titigan ito.

His hands were soft.

Mabuti na lang talaga at naka pajama kami parehas kaya komportable kaming tumatakbo ngayon papuntang dance room.

Hinihingal na ako habang tumatakbo kami, pero hindi ko lang iyon pinansin at dinadama ang malambot niyang kamay.

Nakarating naman kami agad doon at agad namang binuksan ni Akio 'yung pintuan ng dance room.

Hindi naman naka lock, kaya mabilis niyang nabuksan ito.

Binitawan niya naman 'yung kamay ko at pumunta sa gilid samantalang ako ay nakatayo lang lang sa may pintuan dahil sobrang dilim sa loob na halos wala kanang makikita.

He turned on the switch, pero akala ko simpleng ilaw ang bubungad sa akin, pero iba ’yung in-on niya, he turned on the led light.

Kulay asul ito.

Sobrang ganda.

Sinara ko naman 'yung pinto at dahan-dahang nag lakad para tignan 'yung buong dance room.

"Beautiful, right? ginagamit lang namin ito kapag gusto namin o kapag rehearsals na, and I think, sa sunday ’yung magiging rehearsals namin.” narinig kong sambit niya habang nililibot ko ang aking tingin sa buong dance room.

Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti. "Good luck pala.” I smiled.

"Thanks.”

“By the way, shall we start?" he asked me.

I nodded, "Yung madali na lang muna ah? tapos sabihin mo sa akin kung ano 'yung tawag doon para malaman ko, matagal ko na kasing gusto 'to e, pero nahihirapan lang talaga ako.”

He nodded again.

Humarap naman kami sa malaking salamin at nasa tabi ko siya ngayon. "Gawin natin 'yung box step. Madali lang 'yon. Pero gawin muna natin ’yung first half box, tumingin ka lang sa mga paa ko." tumango naman ako sa kaniyang at tinignan ang kaniyang mga paa, sinunod ko naman ang kaniyang ginagawa.

Let's Dance? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon