CHAPTER 23

35 19 0
                                    

Maaga ako nagising dahil naalimpungatan ako, I checked the time, five twenty-four pa lang ng umaga. Kaya napag desisyonan kong lumabas muna upang mag pahangin.

Ang lamig pa naman, ang sarap pa naman sa pakiramdam kapag ganito kalamig tuwing umaga.

Iniwan ko muna si Sheyne doon sa dorm, tulog pa naman siya, ang sarap din ng tulog niya. Ang lakas humilik.

Umupo naman ako dito sa bench kung saan dito ko tinitignan ang magandang buwan at ang mga bituin tuwing gabi.

Habang nakaupo ako rito, naririnig ko ang mga ibong lumilipad, I can feel them at napatingin naman ako sa kalangitan.

Ang ganda talaga  tignan.

Medyo maliwanag na at sobrang hangin pa. Habang nakatitig ako sa kalangitan, I was thinking kung paano mag pa-practice na ako, ano kaya ang mangyayari sa akin?

I mean, paano kapag may competition na naman sila. Makakasali kaya ako?

Umiling naman ako habang iniisip 'yon. Bakit ko ba iniisip 'yon, makakaya ko naman ata 'to e.

Dinadama ko na lang itong hangin na tumatama sa aking katawan at napatingin naman ako sa aking cellphone na ngayo'y hawak-hawak ko ngayon.

Six a.m na pala.

Ang bilis naman.

Ang bilis ng oras ngayon ah, nag-mamadali ba ang mundo? dahan-dahan naman, ang bilis e.

No choice kaya tumayo na lang ako at bumalik sa dorm upang maligo ng maaga.

Naalala ko pala na ngayon dadating sina Tita at Levin.

Pag pasok ko sa dorm, tulog pa rin si Sheyne. Kaya napag-isipan kong maligo na lang lalo na’t masarap maligo ngayon dahil malamig ang tubig.

Mabuti na lang at Sabado ngayon, siguro ngayon nalang ako mag go-grocery para wala na akong gagawin bukas. Mali—  mag sisimba pa pala ako bukas.

Sa Sunday na lang ako aalis para makapag grocery na rin ako.

Gusto ko dalawin sina Mamma, ang kaso nga lang sobrang layo ng bahay namin mula rito sa paaralan na ito.

Siguro ipagdadasal ko na lang sila at ipagdadasal ko ang kanilang kalusugan, I hope they're fine, makikita ko rin sila at mayayakap ko rin sila soon.





Nasa cafeteria ngayon kasama sina Kofi, Dewei, Sheyne. Ten fifty-six na pero wala pa rin sina Tita.

Hinihintay ko siyang tumawag at nasa aking harapan ngau itong cellphone ko at inaabangan ko si Tita na tawagan ako.

Mabuti na lang open itong cafeteria kahit Saturday ngayon, sabagay may mga students din dito na kumakain ngayon.

’Yung ibang students dito naka p.e, kami lang ’yung na iba dahil sa suot namin na naka pambahay lang.

"Ano ba hinihintay mo? panay titig ka sa cellphone mo ah." sabi ni Kofi sa akin.

Kumakain sila ngayon ng agahan pero ako hindi. Busog pa naman ako, siguro mamaya na lang ako.

"Yung Tita ko. Ang sabi niya kasi pupunta siya rito, ta-tawag lang daw siya kapag nandito na siya." tumango naman silang tatlo dahil sa aking sinabi.

Nagdadaldalan sila at ako naman ay nakikinig sa kanilang usapan.

"Malapit na competition, ’tsaka ang sabi raw may bayad 'yon. Libre daw tayo, gago totoo ba 'yon?" narinig kong sabi ni Kofi

Tumigil naman si Dewei sa pag kain niya at nilingon si Kofi na ngayo'y katabi n'ya lang. "Siguro, malay mo. Pero kung totoo edi ayos, may libre tayong pamasahe papunta doon." Dewei answered.

Let's Dance? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon