CHAPTER 5

64 42 0
                                    

"Ma! Pa!" sigaw ko nang makita ko sina Mama at Papa, tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap sila nang mahigpit.

I missed them so much.

Nasa labas sila ngayon at nag ta-tanim ng mga bulaklak, iyon kasi ang paboritong ginagawa nila Mama at Papa, ang mag tanim ng mga magagandang bulaklak.

"Kumusta ka na Anak?" tanong sa akin ni Papa.

I smiled at him widely, "Ayos naman po ako doon Papa, lalo na't kasama ko si Tita doon. She's so kind."

"Mabait itong Anak mo, Josef. Sobra." singit naman ni Tita at ngumiti kay Papa.

A few seconds later, nag salita naman si Mama, "Nagugutom ba kayo? kain na muna tayo, baka nagugutom kayo. Mabuti na lang may niluto akong pagkain." sambit ni Mama.

Kaya naman pumasok na kami sa bahay at pumunta sa lamesa at umupo roon upang kumain na.

Kinuha ni Mama ang niluto niyang kaldereta at inilagay ito sa lamesa. Kumuha naman siya ng apat na pinggan at isang bowl na naglalaman ng kanin. Katabi ko ngayon si Tita at sa harapan naman namin ay si Mama at Papa.

Bago kami kumain ay nag dasal muna kami, pagkatapos rin non ay nag simula na kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumakain, kaya napaisip naman ako kung ano ang mangyayari bukas. Patagal nang patagal mas lalong dumadami ang mga problema ko, pero hindi naman lahat ng problema permanente, 'di ba? kaya malalampasan ko ito lahat.

"Nga pala Anak. Excited ka na ba bukas?" biglang tanong sa akin ni Mama. Lahat naman sila ay napatingin sa akin at halatang hinihintay kung ano ang isa-sagot ko.

I fake my smile. "Opo." I answered.

Gusto kong sabihin na hindi pero oo na lang. Hayaan na lang natin, masasanay din naman siguro ako doon. Sadyang ganito lang siguro ako kapag first day of school.

Pagkatapos namin kumain ay nag kwentuhan naman kami rito sa labas, may lamesa rin kasi dito, kaya dito namin napiling mag kuwentuhan at may apat na upuan din rito sakto naman kasi apat kami. At saka mabuti na lang hindi mainit, sobrang lamig ng hangin.

"Ano na bang balita kay Levin?" tanong ni Mama kay Tita Janelle.

"Balita ko u-uwi siya this month or next month. Ewan ko sa batang 'yon, ang sabi niya dito na siya mag-aaral. I don't know kung sigurado na ba siya doon." Tita Janelle replied.

Dito na mag-aaral si Levin? edi mag-kikita na ulit kami?

Narinig ko namang mahinang napatawa si Mama kaya nilingon ko ito, "Ang guwapo pa naman ng Anak mo. Ilang taon na nga 'yon?" tanong naman ni Papa kay Tita.

At ako naman ay nakikinig lang sa pinag-uusapan nila.

"Eighteen. kaka-eighteen niya lang noong February."

Ay fifteen ako tapos siya eighteen, nasa legal age na pala siya. Akala ko talaga nasa sixteen pa siya or seventeen.

I was eating silently but I abruptly stopped eating dahil tinanong ako ni Papa.

"Anak? sabihin mo sa akin kapag nakabingwit ka na ng matinong lalaki sa bagong paaralan na papasukan mo ha? atkapag may kasintahan ka na, sabihin mo sa akin para malaman ko."

I gulped.

Kumunot naman ang aking noo dahil sa sinabi ni Papa. "Ako? may kasintahan? may magugustohan? ang bata ko pa Papa. Hindi pa ako handa para diyan." reklamo ko. Pero tumawa lang sila sa aking sinabi.

I'm not ready to enter in a relationship. Nakakadagdag problema lang 'yan, mas masaya pa mapag-isa.


Hapon na nang napag-isipan namin ni Tita Janelle na umuwi na sa kaniyang bahay kasi may sasabihin daw siya sa akin.

Let's Dance? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon