Nang makapasok na kami sa dance room ay hindi ko mapigilan mamangha sa aking nakikita ngayon.
Ang laki sobra, tapos ang kunti lang namin. Pero mabuti na rin 'yon, para makapag practice kami ng maayos.
May malaking salamin din sa aming harapan ngayon. Sobrang linis pa nito.
'Yung iba naman ay umupo sa sahig, ganoon din kami ni Kofi kaso nasa gilid lang kami.
Nagulat naman ako nang may tumabi sa akin, kaya nilingon ko ito at nakita ko si Dewei, ’yung transferee.
"Hi. Can I seat here beside you?" he asked while smiling at tumango naman ako sa kaniyang sinabi.
Pero napatingin kami ngayon sa aming harapan dahil may nag salita. "Welcome to
60 Core dance troupe." Gelay stated.Ang ganda niya...
Ilang taon na kaya siya, napaka ganda niya talaga.
"Pipili ako ng tatlo, except sa mga transferees. Isasayaw niyo 'yung tinuro namin sa inyo last month. Naaala niyo ba ’yon?" tanong ni, Gelay sa kanila. Napatango naman ’yung iba sa sinabi ni Gelay.
"Ikaw." turo niya sa isang lalaki na nakasandal sa malaking salamin.
"Ikaw rin Kofi." nang sabihin iyon ni Gelay ay agad namang tumayo si Kofi. Halatang sanay na talaga sila sa ganito, ang galing.
Pumunta naman si Kofi sa gitna kasama niya ’yung lalaking tinuro ni Gelay kanina. Pero, sa-sayaw sila habang naka uniporme?
Tinignan naman ni Gelay ang lahat ng nandito, na para bang namimili talaga siya ng mabuti. "And lastly, ikaw." tinuro niya ang isang lalaking nakatayo lang sa gilid.
Hindi ko pa sila kilala lahat, kaya nalilito ako kung ano ang mga pangalan ng iba rito.
"Kayong tatlo, mag bihis kayo para maumpisahan niyo nang sumayaw, hihintayin namin kayo. Take your time." singit ni Yzabela.
Akala ko talaga sa-sayaw sila habang suot-suot ang kanilang mga uniporme. Mali pala ako ng inaakala dahil mag bi-bihis pala sila.
Nag paalam na rin muna si Kofi sa akin pati na kay Dewei dahil mag bibihis daw muna siya. Pupunta raw muna sila sa dorm nila para doon mag bihis.
Katabi ko naman ngayon si Dewei at parehas naman kaming tahimik at walang imikan sa isa’t isa.
Pero bigla siyang nag salita, "How's life?" I tilt my head to see him after he said those words. "Okay lang. Sa ’yo ba?
He smiled broadly. "Ayos lang din, pogi pa rin." damang-dama niyang sabi sa akin.
“I just noticed, hindi ka madaldal. Ganiyan ka ba talaga?” he continued.
Niyakap ko naman ang aking sariling tuhod bago ako sumagot sa kaniyang sinabi. "Minsan tahimik, minsan madaldal." I said seriously.
"I see. Mahinhin ka rin siguro.”
"Hindi ka sigurado." I grinned.
I blinked my eyes twice, "Teka, ilang taon ka na ba?" tanong ko rito.
"Sixteen pa ako. Mag se-seventeen sa December twenty-four." oh, angas naman dahil malapit sa pasko ang birthday niya.
"Ikaw?"
"Fifteen pa ako, mag si-sixteen sa August twenty-four." I stated, after that, I saw his reaction na para bang nagulat sa aking sinabi.
"Weh? bakit parang hindi halata, akala ko sixteen or seventeen ka na, tapos matangkad ka rin. Siguro kapag mag katabi tayo, hanggang leeg ka lang." tumawa naman siya nang malakas dahil sa kaniyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Let's Dance? (COMPLETED)
عاطفيةShanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to get there. Because, her parents doesn't have money to allow her to hone her dancing abilities. Until one day, she awoke apprehensive and with...