CHAPTER 8

55 38 1
                                    

"Shanianah."

Napalingon naman ako sa aking likuran nang marinig kong may tumawag sa akin.

Nang lumingon ako, wala namang tao sa aking likuran.

Umiling na lang ako at ibinalik ang aking tingin sa aking harapan upang pumunta sa cafeteria kasama sina Kofi.

Sunod lang ako nang sunod sa kanila hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

Bago pa kasi ako rito kaya hindi ko alam saan 'yung daan papuntang dorm, sa gym, etc. Sobrang laki ng paaralang ito, lahat ng nandito ay puro mga mayayaman.

Nang makapasok na kami ng tuloyan sa cafeteria ay nakita ko namang maraming tao, 'yung iba naman tinititigan ako sa aking pag pasok kaya mas lalo akong nailang. Baka mamaya may dumi pala sa mukha ko.

Umupo naman kami sa isang table na apat na tao lang ang puwede umupo roon, sakto naman at apat lang kami.

Nang makaupo na ako ay tinanong naman ako ni Kofi na ngayo'y nakatayo sa aking gilid. "Ano sa 'yo?" she asked me.

"Burger na lang at tubig." I replied at tumango naman siya sa aking sinabi.

Katabi ko naman si Sheyne at nasa harapan naman namin naka puwesto sina Dewei at Sheyne.

Sinabi rin sa amin ni Kofi na bigyan na lang daw namin siya ng pera at sabihin sa kaniya kung ano ang gusto naming ka-kainin dahil siya na lang daw 'yung bi-bili.

Habang hinihintay namin si Kofi ay napatingin naman ako sa buong paligid ng cafeteria. Ang daming students. Halatang mayayaman.

"Ano ang dorm number mo?" tanong ni Sheyne sa akin, kaya napatingin ako sa kaniya at ganoon din si Dewei.

"Twenty-five. Ikaw?"

Ngumiti naman siya ng bahagya sa sobrang saya. "Parehas tayo!" masayang sabi niya, tumawa pa siya tapos pumapalakpak.

"Adik ka ba?" tanong naman ni Dewei kay Sheyne kaya nawala ang ngiti niya ng sabihin iyon ni Dewei sa kaniya.

Sheyne raised her two eyebrows, "Hindi ka lang maka relate sa pinag-uusapan namin e." iniripan naman ni Sheyne si Dewei.

"Hindi ah. Mukha ka kasing baliw tumawa, ganiyan ka ba talaga tumawa? parang nauubusan ng hininga." inosenteng sabi ni Dewei sa kaniya kaya mas lalong nairita si Sheyne sa kaniya.

"Hindi nga kita ka ano-ano e, sino ka ba?"

"Si Dewei, pogi lang." seryosong sambit ni Dewei, kaya dahil sa expression niya ay hindi ko mapigilang matawa ng mahina.

Habang hinihintay namin si Kofi ay bigla namang pumasok sa aking isipan ang nangyari kanina.

Shanianah

Iyan ang narinig ko kanina, hanggang ngayon ay natatandaan ko pa rin ang boses na iyon, nag-tataka ako kung kanino iyon galing.

Habang nakatitig ako sa pinto ng cafeteria ay bigla namang pumasok sina Kean, Yzabela, Gelay at Akio.

Sinundan naman sila ng aking tingin at nakita kong pumunta sila sa counter upang bumili ng makakain.

Ang tagal ni Kofi.

Na patingin naman ako sa mga taong malapit kina Akio at na pansin ko rin na nakatitig sa kanila ang iba.

"Hoy, Shan!"
"Hoy, kanina ka pa tulala!"

I gulped. Na patingin naman ako sa aking harapan at nandoon si Kofi, naka upo na pala ito sa aking harapan.

Inabot naman ni Kofi ang aking pagkain na burger at isang mineral water. "Ito na ’yung burger mo at tubig." she said at tinanggap ko naman ito.

Let's Dance? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon