Kakagising ko lang. Hindi ko alam pero kinikilig ako sa nangyari kagabi, kinantahan niya ako at hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang boses niya—
"Omg! excited na ako Shan! ngayon pala 'yung labas namin ni Luke!"
Nabigla naman ako dahil biglang sumigaw si Sheyne at pumunta sa akin habang sinusuklay 'yung buhok, bagong ligo pala siya.
Umupo naman ako sa aking higaan at hinarap siya at nasa harapan ko siya ngayon, nakatayo at sumusuklay sa kaniyang buhok.
"Teka-teka, anong oras na ba? bakit ang aga mo?" I asked her habang kinukusot ang aking mata.
“Seven zero-six na oy, ’tsaka baka matagalan ako ng pag-uwi mamaya. Kaya mo ba dito mag-isa? baka mahirapan ka mag grocery mamaya—”
"Okay lang ako, Sheyne. Huwag ka mag-aalala sa akin.Enjoy yourself with him, ’tsaka kaunti lang ang bi-bilhin ko. Pang kain-kain lang rito, ’tsaka aayusin ko itong dorm natin mamaya para maluwag tignan." tumango naman siya sa aking sinabi at nag-mamadaling ayusin ang kaniuang sarili.
Tumayo naman ako para pumunta sa cr upang maghilamos at mag toothbrush.
At nang matapoa iyon, nag hilamos naman ako at tinignan 'yung sarili sa salamin. "Malapit ka na makakasayaw, Shan. Malapit na 'yung practice namin, competition na nila bukas." ani ko sa aking sarili.
Kinuha ko naman 'yung towel at ipinunas sa aking basang mukha.
Lumabas naman ako at pumunta sa aking higaan para umupo, wala na rin si Sheyne, siguro naka alis na siya. Habang nakaupo naman ako dito sa aking higaan, napalingon naman ako sa aking unan. Nakita ko naman itong papel na nakatupi at may kasamang pera. Kaya kinuha ko ito at binasa 'yung sulat.
Hi, Shan! aalis na ako ha? take care of yourself, baka kasi magabihan ako ng pag uwi. Mag iingat ka rin sa pag alis mo papuntang grocery store. ’Tsaka ito pera, pang dagdag sa pambili mo mamaya. Para may ambag rin ako hahaha. Kumain ka rin ng marami ah? kumain ka ng marami bago umalis. Bye! — Shey.
Ang sarap talaga sa pakiramdam na may ganito kang kaibigan. Sa buong buhay ko hindi ako nakaramdam ng ganito. Ngayon lang.
I'm lucky to have her in my life.
Tumayo naman ako mula sa aking higaan at naligo, ngayon na lang siguro ako aalis. Para makauwi agad ako.
Nang matapos na akong maligo, agad ko namang inayos itong sarili ko. Nag bihis ng simpleng green t-shirt at pantalon. Kinuha ko naman 'yung pera na ibinigay ni Sheyne.
Sinuot ko naman itong brown sling bag ko at ipinasok 'yung wallet at cellphone ko at lumabas ng dorm.
Pagkalabas ko masiyadong tahimik 'yung nadadaanan kong dorms. Siguro umalis 'yung iba or ewan.
Binilisan ko namang mag lakad hanggang sa makarating ako sa Hallway, tumakbo naman ako para makarating sa gate. Bago pa ako marating doon, bigla naman akong tinawag ni Kofi. "Shan! saan ka pupunta?" agad ko naman siyang nilingon.
"A-Ah, aalis ako. Pupunta ng grocery store, may bibilhin. Tapos mag sisimba ako, uuwi rin ako agad."
She nodded,"Ah, I see. Ingat ka, sa-samahan sana kita kaso may lakad din pala ako. Take care, Shan." nakangiting sambit niya sa akin at umalis na rin ako agad pagkatapos naming mag-usap.
Pumara naman ako ng taxi at sumakay. Tinanong ko sa driver kung saan 'yung malapit na simbahan dito. Mabuti naang at alam niya kaya dinala niya ako doon hanggang sa nakarating ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/288621499-288-k386835.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Dance? (COMPLETED)
Любовные романыShanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to get there. Because, her parents doesn't have money to allow her to hone her dancing abilities. Until one day, she awoke apprehensive and with...