CHAPTER 1

132 55 2
                                    

It’s three p.m in the afternoon. Biglang sinabi sa akin ni Mama kinakailangan ko na raw mag bihis dahil maya-maya pa ay aalis na kami papunta sa bahay ng Tita ko.

Si Papa naman ang maiiwan rito sa bahay, sinabi ko sa kaniya kanina na sumama siya sa amin pero tumanggi naman siya. Parang may problema si Papa e.

Nasa kuwarto ako ngayon, nakaupo lamang ako sa aking higaan. Nakatulala lang ako rito, wala akong ideya kung ano ang gagawin namin ni Mama roon. Kinakabahan ako.

Umiling nalang ako at tumayo. Kinuha ko ang aking tuwalya at lumabas ng kwarto upang pumunta sa cr namin. 

Nang makapasok na ako banyo, ay agad kong hinubad ang aking mga saplot at nag simula nang maligo. Pero habang naliligo naman ako, hindi mawala sa aking isipan ang tungkol doon kay Tita at Mama.

Ano ba nga ba ang gagawin namin roon? Halos hindi na ako makapag ensayo ng maayos kanina sa pag sayaw dahil sa kakaisip kung ano ang gagawin namin roon kina Tita.

Sobrang sarap naman ng tubig na dumadaloy sa aking buong katawan, pero nag mamadali akong maligo at ka agad akong lumabas ng banyo. Pumunta naman ako sa aking kuwarto at nag mamadaling mag bihis.

Tanging high waist at yellow t-shirt lang ang isu-suot ko ngayon, paboritong kulay ko kasi itong yellow e. Ang ganda.

Pero kahit ganito ako manuot ramdam ko talaga na ang ganda-ganda ko sobra hahahahaha.

"Anak! bilisan mo na! tapos ka na ba? bilisan mo diyan ha!" malakas na sabi ni Mama mula sa labas ng aking kuwarto.

"Opo! teka lang! nag susuklay na ako!" sigaw ko pabalik habang kaharap ang salamin ko at nag mamadaling mag suklay.

Pagkatapos ko naman mag suklay, i look myself in the mirror, then I smiled.

"Sarili ko ba talaga ito? habang tumatagal, hindi ko namamalayan na lumalaki na pala ako at habang tumatagal mas lalong dumadami ang mga problema ko. ’Tsaka hindi rin halata sa akin na marami akong problema sa buhay. Kaya siguro hindi halata kasi araw-araw ako tumatawa, malalampasan ko kaya ito lahat? sana nga." mahinang sambit ko habang nakatingin ako sa salamin at ngumiti.

Pero bigla namang nawala ang aking ngiti mula sa aking labi dahil naalala ko nagmamadali pala si Mama.

Agad ko namang kinuha itong drawstring bag ko at cellphone ko at bumaba papunta sa sala para tignan kung naka handa na ba si, Mama.

Pero pag dating ko sa sala hindi ko nakita si Mama. Tanging si Papa lang ang nasa sala. Nakaupo at nanonood ng T.V, siguro nasa labas si Mama

"Pa? saan si Mama? akala ko ba aalis na kami?" tanong ko kay Papa at tumabi sa kaniya, pero si Papa naman ay nakatitig lamang sa T.V.

"Pumasok 'yon sa kuwarto, may kinuha. Baka nag a-ayos pa 'yon." tumango na lang ako sa sinabi ni, Papa.

"Nga pala, Anak. Lumalaki kana, parang kailan lang noong bata ka pa sabi mo, Pa, gusto ko masubukan na maging parte ng isang dance troupe siguro panahon na rin para makamit mo iyon. Mag-iingat ka." sabi ni Papa sa akin habang hinahaplos niya ang aking buhok.

Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko gets. "Huh? mukha ba akong aalis, Pa? hindi naman ako aalis ah. Uuwi din naman kami dito ni Mama mamaya."

"Baka nga, ’tsaka ang ganda-ganda mo na rin Anak. May nanliligaw na ba sa iyo?

"Huh? ano ka ba, Pa. Wala nga akong kasintahan e, manliligaw pa kaya? e wala nga akong nagugustohan ngayon e."

"Pero kung meron man, patagalin mo muna. 'Wag ka kaagad na pumasok sa isang relasyon ha? aral ka ng mabuti. ’Tsaka mag-iingat kayo ng Mama mo mamaya sa daan, kasi delikado na ngayon." pagpapatuloy ni Papa at patuloy niya pa ring hinahaplos ang aking buhok.

Let's Dance? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon