Chapter 1- Bride

7 2 0
                                    

Halos lahat ng mga babae, pangarap na maikasal na nakasuot ng puting gown. Hindi naman sobrang bongga ng motif o maging ng mga designs, kahit ung sakto lang. Basta ang mahalaga ay suot nito ang gustong gown at sa hinaba haba ng prusisyon ay sa taong mahal nito ito ikakasal.

Zariyah looked at the invitation in her hand. Naroon sa invitation ang pangalan ng kanyang nag iisang best friend na si Alison Briella Cortez na tinatawag nyang ABC. Ito ang nagbigay ng palayaw nito na ABC dahil masyadong mahaba raw ang Alison, at masyadong common naman ang Abi na palayaw nito sa iba. Bukod tangi na si Zariyah ang tumatawag ditong ABC.

They met at the university where they both studied journalism, at naging roommates pa sila sa dorm. Nang maka graduate, nakapasok sila sa isang kompanya sa Delton Companies. Sumama ito sa kanya upang makuha ng experience. Dito nito nakilala ang siyang mapapangasawa nito in two days, na si Marvin Luke Delton. Mula ang dalawa sa kilalang mga pamilya dahil parehas naman itong mayayaman.

She smiled as she looked at how happy ABC looks sa kanyang picture sa invitation. Kinuha sya nitong Maid of honor at ang kanyang kapareha niya ay pinsan raw nitong si Luke. Kasalukuyan siyang laman ng eroplano para sa gaganapin na kasal ng matalik na kaibigan sa Maldives. Pinilit nito ang mga mata upang humanap ng tulog. Ilang araw na rin kasi itong walang tulog dahil sa sinusulat na parte sa newspaper at maging sa sinusulat nitong libro. Hindi naman sya sikat o may sariling libro na naipublish, pero gusto kasi talaga nito ang pagsusulat. Nais nitong maging sikat na author isang araw para naman maiahon ang sarili at ang kanyang kapatid at nanay sa paghihirap.

Nang makababa sa airport, agad na nakita nito ang malaking banner na may naka capitalized na pangalan niya. Holding it was her best friend, ABC na syang panay pa ang kembot at tili ng makita ito. Kumaway kaway pa ito. Sa likod naman nito ay ang mapapangasawa na si Luke na naka ngiti at natatawa sa itsura ng kaibigan.

"Zariyah Isabel Esguerra! Bakit ka nagpalipat ng sched ng flight mo? Kanina pa kita inaantay!"

"Sorry na, ABC. May tinapos lang ako sa opisina. You know my new boss is strict when it comes to updates and meetings."

"Iyang kaibigan mo talaga babe, masarap ilamas sa asin! Akala mong hindi pupunta dito mamaya."

"Silly. Alam mong strict yon pagdating sa trabaho. You know we all had to go through that phase." Natatawang sabi naman nito, bago bumaling sa akin. "How was your flight, Zari?" Ani nito.

"It was fine, I guess? Nakatulog ako sa buong flight, Lukario."

"Geez! Stop calling me that. Hindi nababagay sa pangalan ko." Ani nito sa kanya.

They became pretty close as well dahil nga palagi itong nalapit sa kanya kapag may hindi sila mapagkasunduan nitong sa ABC.

"Nga pala... Have you met your partner na?" Ani ni ABC.

"No... Kasi naman ABC, puedeng puede mo akong ipartner sa kakilala ko.. pero doon pa sa hindi ko naman kilala."

"Well, Wala akong say doon dahil may deal itong si babe at ang pinsan nito na kapag kinasal sila ay sila ang magiging best man ng isa't isa."

"Fair reasoning."

"Mabait yon, Zari. He doesn't bite unless you ask him to." He winked at his malicious comment.

Kaya naman panay ang pang aasar nitong si ABC na baka ito na raw ang inilaan para sa kanya. She begged to disagree because the man is probably born with a golden spoon like Luke and ABC. Practically speaking, they wouldn't match. She's only in a middle class type of family. They won't fit in each other's world.

Kumain sila sa isang malapit na resto sa hotel. Naroon ang iba't ibang platter sa harap nila at ang grilled pork ang nilalantakan niya ngayon. Kanina pa siya gutom kung kaya't busy siya sa pagkain. Ngunit napatingin siya sa dalawang kasama.

The couple is feeding each other in front of her, acting sweet and cheesy. Mga bastos at walang respeto sa mga single!

Nung matapos kumain ay nagyaya na ang kaibigan nitong umuwi dahil alam nitong pagod pa siya sa byahe dahil siguro napansin niya na panay na ang hikab niya. Who wouldn't when she had only 3hrs of sleep in the last two days?!

Nang makarating sa hotel room nito ay muli siyang niyakap ni ABC.

"Thank you for coming and for being my maid of honor."

"You're welcome." Ani ko.

"Wala pa ung makaka partner mo eh. Sayang... Sana ay may meet and greet session kayo ngayon."

"Doesn't matter... Makikita ko pa rin naman sya on your wedding day."

"Yeah.. but still. Baka mamaya sya na pala ang the one for you."

"Tigil tigilan mo ako ABC. Alalahanin mong inaantok na ko... Baka umattend ka sa kasal mo ng may bukol."

"Eto na nga.. sorry na nga eh."

Kinabukasan ay binigay na ang mga gowns nila and nag practice na rin sila dahil sa susunod na ang araw na ang kasal ng dalawa. Her partner didn't come yet dahil busy daw ito sa kanilang family business. Ang pansamantalang pumalit naman dito ay ang isa sa mga kaibigan nila nung college din na si Angelo. Nagtangka itong manligaw noon sa kanya, pero dahil study first siya ay binusted nya ito. Naging magkaibigan naman silang tatlo. Sa katunayan pa nga ay siya ang nag reto sa fiancee nitong si Klaire ngayon. Isa sa mga bridesmaids din kasi itong si Klaire. Buong araw silang nag practice dahil may presentation din sila as bridesmaids at groomsmen sa reception. Napuno naman ng tawanan ang practice dahil sa mga jokes ng ibang groomsmen na siyang mga pinsan nitong si Luke.

"Makakarating ba si Macky, pare?" Ani nitong boss nyang si Kevin kay Luke. Hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng dalawa. Ito kasing pwesto nila noong nag dinner ay nasa iisang table lang sila. Kung kaya't kahit ayaw mong marinig ang usapan nila, maririnig at maririnig mo pa rin ito.

"Oo pre. Nasa Singapore ata yon ngayon. Alam mo naman na kailangan sumunod non kay Tito Ortiz."

"Oo nga pala. Tito Ortiz is too strict."

"Yeah pero it's for him too kapag ito na ang humawak ng company." Ani ni Luke na siyang ikinatango nito bilang tugon.

Kinabukasan ay rest day para sa kanilang lahat. The only difference is that sa tabi niya natulog ang kaibigan. Ayaw kasi itong patulugin na kasama ang groom ni Tita. Malas raw na makita ng groom ang bride bago Ang araw ng kasal. Kung kaya't nag bonding nalang sila buong araw. Nanood ng Netflix, nagpa manicure and pedicure, nagpa salon, at nung gabi na ay nag skin care routine pa sila katulad noong college.

Ang bilis raw ng panahon ani pa ng kaibigan sa kanya. Totoo nga ang sinabi nito. Dati ay umiiyak pa ito sa panloloko ng ex, habang ngayon ay ikakasal na ito sa lalaking tinawag nitong antipatico.

Nakatulog na ang kaibigan sa right side ng kama, habang siya naman ay naka upo pa rin at naka titig sa kanyang ginagawang draft para sa sinusulat niyang love story. Isa kasi sya sa mga naatasan na maglalagay ng story board sa isa sa mga magazine. Hilig niya na ang magsulat kahit noong bata pa lang siya. Masaya sa pakiramdam kapag nagsusulat siya dahil ito ang naging libangan niya noon pa man. Malamig na pala ang kape na tinimpla nya. Not that cold, but it was warm already. Tumayo ito at nagtungo sa veranda ng hotel room na tinutulugan nya. She looked out and saw how busy each employee was. Nakita rin niya ang isang magandang BMW na bagong dating. She admired its sleek black design. Siguro ay isa na naman itong mayaman na balak mag staycation dito sa hotel. Lumapit naman agad ang bellboy sa BMW at agad na pinag buksan ito. The man who went out of the car looked dashing. His hair looked like he had his hands run through it so many times, and yet his hair still looked good on him. He looked too expensive in a way where he wore his charcoal grey suit, whereas his dress shirt had the top three buttons left open and his shades hanging on the dress shirt. He really looked like he owns billions.

Snapping out of the expensiveness the man had brought, she looked at her bestfriend lying down the bed with her mouth slightly ajar. She giggled at the sight, took a sip of her once forgotten cup of coffee, and once again looked at the star-filled dark sky.

She's happy for her bestfriend because she finally found the one. But she keeps dwelling on the thought of when was she going to find hers

Stolen Letters of our EternityWhere stories live. Discover now