CLOUT

58 7 8
                                    

CLOUT
Written by: izastateofmind

Note: I'm not professional nor gifted when it comes to writing. I don't sugarcoat words either, so everything I'm gonna mention here is purely based on my opinion and on my knowledge, and I may have prob'bly missed some flaws, but I hope I could really help you to improve more. Keep writing!

Plot:

First of all, bago ako dumako sa plot ng story, gusto ko lang po munang punahin ang genre na napili mo para sa kwentong ito.

You've mentioned na Mystery/Thriller ang main genre habang Horror/Psychological/Paranormal naman ang subgenre. Kaya lang noong binasa ko na ang kuwento, parang baliktad yata ang main genre at subgenre? Na-confuse lang ako kasi although may sense naman ng mystery and thrill ang kuwento (because they're trying to find the truth about the Carnival Masked Girl), the "killer" is still a paranormal and/or a supernatural being and the center of the story is all about it. Sinubukan ko ring mag-search kung ano ba ang pagkakaiba ng mga genre na 'yan, pero base sa mga nabasa ko, mukhang tama naman ang nalalaman ko. I'm not sure if nasanay lang ba ako na kapag sinabing Mystery/Thriller, the story focuses on actual crimes and "whodunit" scenarios (mysteries with no spirits, ghosts, or whatnot in it). And although saklaw naman ng story 'yung genre, para sa akin ay subgenre lang dapat ng kwentong ito ang Mystery/Thriller at hindi dapat gawing main genre. I don't know. I just felt like I should mention this because it doesn't sit right with me.

Saka una pa lang, supernatural na supernatural na sa akin ang feeling. Parang sa huling update ko pa lang naramdaman 'yung misteryo dahil sa potential clue na nakita nila sa creepypasta video. Pero noong una ko pa lang itong basahin, mas nakalalamang talaga para sa 'kin 'yung subgenre kaysa main genre na napili mo.

Pero hindi rin kita masisisi. It should really be tagged as Supernatural Horror/Mystery kaso iyan lang naman ang mga available na genre sa Wattpad. Wala kang choice kundi mamili ng isa kaya nage-gets ko rin naman kung bakit iyan ang t-in-ag mo as the main genre. But please, feel free to tell me if you think I'm wrong. It's fine. Ito kasi ang naramdaman at napansin ko nang nabasa ko ang istoryang ito.

As for the plot, to be honest, it kind of gave me a Final Destination/Truth or Dare vibes (with a little twist nga lang) kasi no matter what they do, if you're next, then you're next. If sakali man na naiwasan ng isa si kamatayan (example 'yung kay Jeff nga), it might come back again until he's finally dead.

But iyon nga, halos lahat naman ng mga supernatural mystery/horror story, pare-parehas lang ng context. May entity na biglang mag-a-appear tapos may mangyayaring "aksidente" tapos may mamamatay. Iisa-isahin ang mga character sa grupo. Hahanapin ang misteryo at ang mga sagot sa mga nabuong katanungan. Ta's ang ending? Either lahat sila, mamamatay o may isa o dalawa sa kanila na mananatiling buhay.

And since halos pare-parehas lang naman ang context, ano ngayon ang maibabahagi mo as a writer para maging kakaiba ang story mo sa iba? That's actually the million-dollar question here: how are you going to write and make it different from the others? What's in it for me as a reader? Why should I read it if the series of events is just the same as the others?

Noong una ko pa lang nabasa ang title, nagkaroon na ako ng idea na may kinalaman ang teknolohiya at social media sa kwentong ito. Hindi naman ako nagkamali nang nabasa ko na ang nilalaman dahil iba't ibang klase ng clout sa social media ang ibinahagi mo sa istoryang isinulat mo. Plus, walang masyadong jargon sa istorya dahil kahit sino yatang makakabasa, alam na agad kung ano ang tinutukoy. Wala eh, exposed na sa technology at social media ang mga kabataan na ika nga ni Rizal ay pag-asa ng bayan kaya for sure (especially sa mga mahilig sa horror), hindi mawawalan ng audience ang story na 'to.

Critique Shop (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon