PAYBACK

55 5 5
                                        

PAYBACK
Written by: El_Zemira

Note: I'm not professional nor gifted when it comes to writing. I don't sugarcoat words either, so everything I'm gonna mention here is purely based on my opinion and on my knowledge, and I may have prob'bly missed some flaws, but I hope I could really help you to improve more. Keep writing!

Overall Comment:

Hi, thank you so much for waiting! Siguro ito ang unang kwentong nabasa ko na talagang ang main genre ay Action. Usually kasi, kasama lang 'yung action sa kwento, so I'd say the story is really new to me. Plus, I only watch movies or series with this type of genre. Parang ang hirap kasing isulat o basahin ng mga kwentong gaya nito. Talagang gamit na gamit ang mga salitang magde-describe sa bawat galaw ng mga character para ma-visualize o mas ma-imagine ng mambabasa kung ano'ng na-i-imagine ng writer sa ibinabahaging kwento.

Although para sa akin ay mukhang mahirap itong isulat, naisulat mo naman nang maayos ang mga action na nakapaloob sa kwento. Hindi ako nakulangan. Madali ko rin namang na-visualize sa aking imahinasyon ang bawat galaw nila. Siguro, nakatulong din ang mga movie na napanood ko para ma-imagine ko nang mas malinaw ang mga ikinikilos ng mga character sa istorya pero kung pagbabasehan natin ang perspective ng isang reader, okay lang din naman ang pagkakahayag mo sa kwento. Madaling ma-imagine dahil hindi ka rin naman masyadong gumagamit ng mga malalalim na salita o mga salitang hindi gaanong pamilyar sa iba.

Regarding naman sa plot, well-established din para sa akin ang takbo nito. Inumpisahan mo ang kwento at ipinakita rito kung ano'ng klaseng pamilya ang mayroon si Eliza. I call it, the calm before the storm, since you showed how she and her family lived before the tragedy occurred. Hindi man ako pamilyar sa istilo ng pamumuhay noong 1930s at wala rin naman akong masyadong alam sa mga mafia, ngunit masasabi kong naging successful ka naman sa pag-i-inform sa amin para ipakita kung ano'ng klase ng pamumuhay ang mayroon sila.

Since mahilig akong manood ng mga series, movie, at anime, hindi na bago para sa akin kung paano mo ibahagi ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. It's fine, though. After all, what matters most is how you'll tell the story. And I'd say you did well on narrating it.

Gaya ng sabi ko kanina, una, ipinakita mo muna kung ano ang pamumuhay ng pamilya ni Eliza bago nangyari ang mga bagay na hindi inaasahan. Nasaksihan niya ang pagpaslang sa kanyang mga magulang at sa kanyang kapatid. The title, Payback, also makes sense because after witnessing what happened to her family, that's when she decided that she wanted vengeance. Nagkaroon ng binhi ng poot sa kanyang puso at nagbunga ito na parang isang punong nagpupumilit tumayo pagkatapos ng unos. It changed her and vengeance became her primary mission. She did a lot of bad things to survive. She even pretended to be a boy to hide her own identity. Nakakalungkot mang makita na naging ganoon ang pagkatao niya ngunit naiintindihan ko kung bakit. Hindi lang pamilya niya ang ninakaw nila sa kanya kundi pati na rin ang buhay na dapat ay mayroon siya, kinuha rin nila mula sa kanya. Very tragic, indeed. Hindi na nakapagtataka kung bakit ninanais niyang maghiganti. Ang magiging tanong lang diyan ay kung paano siya maghihiganti (enter the letter she received from someone who knew who she really is and her tragic story).

On the other hand, Ezra also lived an unfortunate life. Tumatak sa akin ang part kung saan sinabi ni Ezra na 'di mawawalan ng pagkain sa kanila kasi nandiyan naman ang tito niya. I was like, what the heck? Mayroon ngang pagkain sa hapag-kainan ngunit kapalit naman nito ang panghahalay ng tiyuhin niya sa kanya. Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon na lang sa kanyang tiyuhin para may mapakain siya sa sarili at sa kanyang ina na noo'y may sakit. I don't know how he overcome it. He probably won't, but he still maintained his composure despite experiencing this.

Critique Shop (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon