Violeta Retreat House
Written by: MARIAHISALNote: I'm not professional nor gifted when it comes to writing. I don't sugarcoat words either, so everything I'm gonna mention here is purely based on my opinion and on my knowledge, and I may have prob'bly missed some flaws, but I hope I could really help you to improve more. Keep writing!
Overall Comment:
Hi, thank you so much for waiting! Uumpisahan ko muna ang critique sa unang impresyon ko sa story bago tayo lumangoy sa pinakagitna papunta sa dulong bahagi ng kwentong ito.
The title of this story is Violeta Retreat House. It's a name of a place and for sure, dito sa lugar na ito sesentro ang buong kwento. Most thriller stories have a title like yours (a name of a place), but it's fine, though, nothing's wrong with it. Nasa nilalaman naman ng kwento kung paano mo 'to gagawing kakaiba sa lahat.
When I read the blurb, it also left me an impression that this story may have a romance in it. You wouldn't use the word, "heartthrob," if you're not planning to include a love story here. And to be honest, I'm not really a fan of putting a romance in a mystery/thriller story. Minsan kasi, lumiliko ang kwento sa love story ng dalawang tauhan kaysa sa pinaka-genre ng kwento at madalas, nawawala 'yung sense ng mystery kaya pati ako, nawawalan din ng ganang magbasa. Pero sa story mo, tanggap ko naman 'yung pagpasok mo ng romansa rito. It didn't make the story slow for me, even though you started it with a romance and there's not much of a mystery at the start. Maiikli lang kasi ang mga parteng 'to kaya mabilis lang ding basahin at hindi naman nakakapanggulo sa misteryong nakapaloob sa kwento.
As for the romance parts, I actually find it cliché, pero okay lang din naman. I think it's just really your preference to put romance in the story because I'm guessing you like stories like that and I highly respect that. At least sa pamamagitan nito, naipakita sa aming mga reader kung paano nabuo ang koneksyon ng mga pangunahing tauhan sa isa't isa para magkaroon din ng attachment si reader sa mga tauhan ng kwento mo.
It made me realize that maybe you planned to form the bond first, to show us that these characters care for each other before we get to the thrill part. Your two main characters aren't close to each other. Dito lang sila nagkalapit at nagkakilala talaga. Before, they only knew each other's names, but now, they get to know what kind of person they truly are. It kinda makes sense that you chose to start the story by building the relationship first, para kapag dumating na sa kanila ang panganib, may rason sila para ipagtanggol ang isa't isa.
So boring ba para sa akin ang kabuuan ng story? I can't say that I find it boring since pagdating naman sa kalagitnaan ay naramdaman ko na ang thrill na dapat maramdaman sa story. I like how you put a cliffhanger in every chapter. Nakaka-curious kung ano nga ba talaga ang mga nangyayari sa bahay ni Kuya—ay este sa retreat house pala (haha). Pero totoo, gusto ko 'yung way mo ng pag-e-end ng chapter. Talagang mapapalipat ka sa kabilang kabanata sa kasabikang malaman kung ano nga ba talaga'ng nangyayari sa retreat house na 'to.
Tungkol naman sa mga tauhan nito, medyo predictable para sa akin ang character ni Aly. She's the main protagonist anyway. Kung ano ang mga maiisip mong characteristic ng isang main protagonist ay nasa sa kanya na. Wala akong masyadong masabi sa kanya. She's fine as is. Si Austin naman, okay rin naman ang character niya. Makikita mo talaga na nagki-care siya para kay Aly. Consistent siya para sa akin kasi bukod sa nakita ko ang sincerity and admiration niya para kay Aly, alam mo talaga na umpisa pa lang, safety na ni Aly ang priority niya at gano'n lang siya hanggang sa matapos ang kwento nila. He's a likeable character for me. Medyo cheesy nga lang ang mga linyahan niya at minsan ay nagki-cringe ako, char. Pero gusto ko 'yung way of thinking at actions niya para mapanatili niyang safe si Aly at ang sarili niya. Plus pogi points 'yon para sa 'kin, charot ulit hahaha.
BINABASA MO ANG
Critique Shop (CLOSED)
RandomIf you want to improve your writing skills, I am here at your service! Update as of 18th of February - Hi, I am no longer accepting. Thanks for stopping by, though! :)