Myth of the Past
Written by: nymphnovelistNote: I'm not professional nor gifted when it comes to writing. I don't sugarcoat words either, so everything I'm gonna mention here is purely based on my opinion and on my knowledge, and I may have prob'bly missed some flaws, but I hope I could really help you to improve more. Keep writing!
Overall Comment:
'Ello, mait (British 'yarn? Chos haha). Unang-una sa lahat, gusto ko munang magpasalamat sa iyong paghihintay. Ako'y lubos na nagagalak dahil wala akong narinig ni isang reklamo o nagbigay sa akin ng impresyon na kayo ay naiinip - ay, shuta. Bakit ba ako ganito magsalita ngayon 😂
Anyway, seryosohan na talaga.
Umpisahan muna natin sa unang impresyon ko sa story bago tayo tumalon sa nilalaman.
You chose the title, Myth of the Past. Quite intriguing. The title itself already screams fantasy to me. Mula pa lang dito ay alam ko nang uulanin ito ng mga alaalang muling mamumulaklak sa pagdating ng araw. Magbabalik-tanaw. Muling sisilipin ang mga ganap sa nakaraan mula sa kasalukuyan. Kusang bubukas ang pinto ng mga alaalang isinara man ng panahon ay hindi pa rin makakalimutan (again, bakit ba 'ko ganito magsalita ngayon lmao hahaha). That's what I thought when I first read its title. Mukhang mahiwaga, kaya naman nang mabasa ko ang blurb at nilalaman ng kwento ay mas lalong lumawak ang naiisip ko sa istorya.
Lumaki si Caleigh sa isang mundong walang mahika o kung ano man. Naipakita nang maayos sa kwento kung ano ang buhay niya sa kasalukuyan - isang hamak na senior high student na nakakaranas ng mga paggugunitang hindi niya rin lubos na maintindihan.
Para sa akin ay hindi naman mabagal ang takbo ng kuwento. Hindi ko rin alam kung gaano ito kahaba ngunit sa nabasa ko sa kwento ay mukhang malayo pa tayo sa kalagitnaan. Wala eh, Fantasy kasi ang kwento. Ang lawak ng sakop. Bawat galaw ay kailangan mong ilarawan. Pati ang lugar at ang mga bagay na tanging sa imahinasyon mo lang makikita ay dapat maayos mo ring maipakita. Hindi mo talaga masusuri kung gaano kahaba ang maisusulat mo sa kwento. Basta ang lagi mong tandaan ay hayaan mo lang maluto ito. Gaya ng sabi ko kanina, okay naman ang pacing nito para sa akin. Hindi ka nagmamadali. Parang nagpapalambot ka lang ng karne ng baka. 'Pag minadali mo ay mahihirapang kumain ang kakain. Lagyan man ng sangkap na makapagpapasarap ngunit mapapansin pa rin 'pag hindi masyadong luto ang laman. Pero huwag din namang bagalan masyado, ah? Baka ma-overcook naman, char.
Pero iyon nga, nakakatuwa rin na walang romansa sa istorya (o kung balak mo mang lagyan, hindi mo hinahayaang lumiko roon ang kwento). Minsan kasi, nakakawalang-ganang basahin ang isang kwento kapag biglang lumilihis ang genre at naiiba ng landas ang takbo ng nilalaman. Sure, depende naman talaga sa execution kung paano mo pagsasamahin ang dalawa o higit pang genre sa isang kwento ngunit minsan ay namamali talaga ng pasok. But enough na ang kadaldalan kasi wala namang kinalaman ito sa kwento mo hahaha. Nabanggit ko lang kasi natuwa ako na nag-focus ka lang talaga sa main genre nito.
About sa tanong mo kung na-express mo ba ang thoughts mo nang maayos, para sa 'kin ay oo, na-express mo naman. Wala akong nakitang mali sa mga linyahan ng mga character mo (may ilan lang na grammatical error and incorrect spelling pero mamaya ko na lang iyon babanggitin sa ibaba). Maayos mo rin namang na-describe ang mga pangyayaring nais mong maipakita sa amin (nagustuhan ko 'yung part kung saan ipinakita ang labanan sa nakaraan). Siguro ang masasabi ko lang, mas lawakan mo pa ang kaalaman mo sa mga salitang maaari mong magamit na aangkop sa genre na napili mo. Alam ko naman na wala pa talaga tayo sa parteng iyon. Marami ka pang binhi na dapat itanim bago magkaroon ng bunga kaya siguro ay magsilbing paalala na lang sa 'yo ito since Fantasy ang genre ng kwentong 'to.
BINABASA MO ANG
Critique Shop (CLOSED)
RandomIf you want to improve your writing skills, I am here at your service! Update as of 18th of February - Hi, I am no longer accepting. Thanks for stopping by, though! :)