7

73 2 0
                                    

"Parang ganoon na nga. Kaya huwag mo na siyang isali sa usapan," sagot ko nalang sa kaniya para manahimik na siya.

"Hay...ganito na lang." Paunang salita niya bago ako hinarap. "Lumipat nalang kasi kayo sa bahay. Doon, malaking space pa ang magagalawan ng anak mo kesa dito. At isa pa, pwede ko siyang bantayan doon 24/7. May mga maids din doon. You should move in with us Ven. Masyadong toxic ang place na ito para kay Venice." Dagdag niya.

Move in? Nakakahiya kayang makitira sa kanila. Dagdag gastos pa kami.

"At tsaka isa pa. Alam mo bang hindi magagandang salita ang naririnig ng anak mo dito? Palagi nalang nagsisigawan ang kapit-bahay niyo. Ewan ko nalang kung isang araw makarinig ka ng hindi magandang salita sa bibig ng anak mo. Bahala ka." Saad niya ulit.

"Eh kasi naman...nakakahiya kayang makitira sa inyo. Dagdag gastos pa kami kung sakali." Saad ko naman.

Okay lang sana kung ako lang. Kaso may anak ako. Baka makulitan lang sila kay Venice. Hindi pa naman napipirmi ang isang 'yon sa iisang lugar lang.

"Kailan ka pa nahiya? Huwag ka nga!" Mataray na saad niya.

"Hoy! Makapagsalita 'to. Akala mo naman hindi nahihiya," pagtataray ko sa kaniya.

"Bakit naman ako mahihiya? Ano namang ginawa ko para mapahiya ako, aber?" Tanong niya ulit.

"Nakalimutan mo na bang nabasted ka noong first year college. Umiyak ka pa nga sa harap ng professor mo 'di ba ka—"

"Ah talaga ba Venus? Kailangan talaga ipaalala ulit? Kinakalimutan na nga 'di ba?" Malditang saad niya na tinawanan ko nalang. Wala palang ginawa ha.

"Pero seryoso nga. Sa bahay na kayo. Huwag mo nang isipin 'yang hiya mo. Think about your son. It's for his good. Besides hindi pa siya mabobore doon kasi marami siyang pwedeng abalahin." Saad niya ulit.

"Talagang aabalahin ha?" Untag ko. Baliw talaga ang magkapatid na ito.

"Oo naman. Sigurado naman akong matutuwa sila manang na makakita ng bata sa bahay. At least, magiging maingay na ang bahay kapag nandoon kayo. Kaya sige na Ven, doon nalang kayo. Please?" Sa bagay, kung hindi siya mahihirapang magtrabaho doon, ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Pero sabi mo nga noon 'di ba na minsan may bisita ang kuya mo? Paano kung maalibadbaran sila sa anak ko?" Alangan namang hayaan kong pagalitan nila ang anak ko.

"Ano ka ba! That's not a problem. Kuya's friends are kind and handsome too. Hindi sila mananakit ng bata 'no. Para kang tanga. Pumayag ka na lang kasi. Kung anu-ano pa ang nirarason mo eh," bumuntong-hininga nalang ako dahil alam kong wala na akong magagawa. Lahat ng dahilan ko may sagot naman siya. Kaya bakit pa ako magpapakipot?

-------

"Welcome to our house!" Masayang saad ni Aether pagkapasok namin. Malaki nga ang bahay nila para sa kanilang dalawa ng kuya niya. Agad namang nagtatatakbo si Venice pagkababa sa kaniya ni Zeus.

"Ami (mami), are we going to stay here?" Masayang tanong ng anak ko habang hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo.

"Yes baby. Don't run. Baka madulas ka." Susundan ko na sana siya kaso pinigilan ako ni Zeus.

"Hayaan mo na muna ang bata. Hindi naman siya tanga katulad mo kaya hindi 'yon basta-basta madidisgrasya," pang-aasar niya.

"Gago ka ba? Mukha mo tanga!" Saad ko. Sus, kung wala lang kami dito sa bahay niya kanina pa 'to nakatikim sa akin eh.

"Manang! Nasaan ka!" Tawag ni Aether. May lumabas namang babaeng may katandaan na rin galing sa hindi ko alam kung saan.

"Ano 'yon hija?" Tanong niya agad.

"Ah manang. Ito po pala si Venus, siya po 'yong sinasabi kong kaibigan ko na chef. Anak niya po 'yong batang nasa loob," agad naman akong ngumiti at nagmano sa kaniya. Kahit papaano naman marunong pa rin akong gumalang.

"Ay naku hija. Kay gwapong bata ng anak mo. Halatang nagmana sa 'yo," papuri niya.

"Naku hindi naman po manang. Naalagaan lang talaga," pagbibiro ko na tinawanan lang niya.

"Ami? (Mami), who is she?" Agad naman nabaling ang atensiyon namin sa kababalik na bata.

"Anak, she's lola," pakilala ko sa kaniya. Mukha namang nagustuhan ni manang dahil nginitian niya si Venice.

"Is she your ami, ami? (Mommy)" tanong nito na sinagot naman ni Zeus.

"Young man, this is manang Helen, you should call her lola Len okay?" Paliwanag ni Zeus na tinanguan lang ng bata.

Lumapit si Venice kay manang bago kinuha ang kamay nito at nagmano.

"Aba, kay bait na bata mo pala hijo," masayang saad ni manang sa ginawang paggalang ni Venice.

"Lala Len, can we play?" Tanong agad nito. Ito na nga bang sinasabi ko eh.

"Anak, we should settle first before you play okay? We need to settle your things first," tawag ko sa atensiyon niya.

"After we finish setting my things ami (mami) can I play?" Kinarga ko naman siya bago ginulo ang buhok.

"Of course we can play. But after na ng pagliligpit okay?" Tumango naman siya bago nginitian si manang.

"Ipaghahanda ko kayo ng makakain," saad nito bago umalis.

"Ihahatid ko na kayo sa kwarto niyo," saad naman ni Zeus bago binitbit ang gamit namin at nagpatiuna.

"You like it here baby boy?" Tanong ni Aether pagkapasok namin sa magiging kwarto namin dito.

Grabe! Buong unit na namin ang kwartong ito eh!

"Opo ita (tita), it is huge! I can run around here mom without destroying any things," masiglang saad nito na ikinatuwa ng tita niya.

Naghabulan naman sila ng Tito niya. Naiwan kami ni Aether na nakatayo malapit sa pinto.

"I told you. It's a good choice na dumito na muna kayo. See? He's totally happy. He looks carefree," saad nito sa tabi ko.

"Oo na. Panalo ka na eding," pang-aasar ko.

"Simula pa lang naman Ven panalo na ako. You know, hindi siya ganito kung tumakbo sa unit niyo kasi natatakot siyang makasira ng gamit niyo. Dito, he can run without bumping into something," saad niya sabay irap.

"Oo na nga eh." Saad ko bago sinimulang iligpit ang mga damit namin.

Alam kong nahihirapan ang anak ko sa maliit na unit na 'yon. Pero anong magagawa ko? Wala pa akong sapat na ipon para makapagpatayo ng bahay. At isa pa, sa labas na naninirahan ang parents ko kasama ang kapatid ko. Hindi ko naman pwedeng dalhin na lang doon basta-basta si Venice ng wala man lang nararating sa buhay. Masyado na akong kahihiyan sa kanila 'pag ganoon.

Strawberries And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon