28

63 1 0
                                    

Para akong bulating binudburan ng asin dahil sa paglilikot ko. Lalo na no'ng makita ko si Zeus kasama si Vulcan papalapit sa pwesto namin ngunit wala ‘yong bata.

Kahit nakahinga ako ng maluwag dahil hindi kasama ni Zeus ang bata, nag-aalala pa rin ako lalo na at hindi ko alam kung nasaan ang anak ko.

Kanina pa may nagsasalita sa stage at panay lang naman ang palakpakan ng mga tao, maging ng mga kasama ko kaya hindi nila napansing paparating ang dalawa sa table namin.

“Alright! Before anything else, I would like to invite our very own humble and handsome CEO. Please help me welcome, Mr. Vulcan Gray Natividad.”

Lahat nagtayuan ng marinig ang pangalan ng gago na may kasabay pang malakas na palakpakan. Dumeretso siya sa stage habang dumeretso naman si Zeus sa tabi ko. Nagkamayan pa muna sila ng mga kaibigan niya and of course, hindi naman magpapahuli ang pagpapacute niya kay Claretine na walang ibang ginawa kundi ang ignorahin siya bago niya ako balingan.

“Nakita mo ‘yon? Hindi man lang niya na-appreciate ang kagwapuhan ko.” Pagmamaktol niya.

“Baka kasi hindi ka naman talaga gwapo,” pang-aasar ko naman na ikinainis niya.

Sa totoo lang, lahat naman yata ng kakilala at kaibigan ni Vulcan may hitsura at may kaya din. Iba-iba nga lang ugali ang mga gago kaya minsan hindi mo alam kung bakit sila naging magkakaibigan eh.

Pagkatapos ng palakpakan at nagsiupuan na ang mga tao, pasimple kong tinanong si Zeus tungkol kay Venice.

“Kasama ni Aether. Nandoon sa children’s area at ayaw pang huminto sa paglalaro kaya hinayaan na muna ni Aether. Didiretso naman ‘yon dito kapag napagod na si Loki kaya relax ka lang. Enjoyin mo ‘yong party.” Sagot niya.

Dahil sa narinig, pasimple kong kinuha ang phone ko at tinext si Aether na i-text ako kapag papunta na sila dito sa table namin para makuha ko si Venice at mailayo. Siyempre pa, hindi ko sinabi sa kaniya ang rason. Baka kapag nalaman niya itakbo niya ang bata papunta sa lolo't lola nito.

“Enjoy yourself with the food and drinks. I hope you have a good night and have fun for the rest of the party.”

Pinalitan siya ng emcee ng makababa siya ngunit hindi rin agad nakabalik sa table namin ng maharang siya ng ibang malalaking business man sa daan.

Nag-uusap-usap na ang magkakaibigan sa table namin habang sumasabay naman sina Vincent at Brianna ng dumating si Valmond na may lipstick pa sa pisngi na naging ugat ng panunukso ng lahat.

“Baka naman kung saan-saan mo lang din napulot Val? Pumapangalawa ka na ngayong gabi kay Ceres ha,” panunukso ni Claretine na dinagdagan pa ni Eros.

“Huwag kang ganiyan Clare, sigurado naman akong high class ‘yang taste ni pareng Valmond eh.”

“So sinasabi mo na cheap ‘yong taste ko sa babae?” tanong ni Ceres kay Eros na may halong maliit na tensiyon.

“Ano ba naman kayo boys. Wala namang mapipili sa inyong lahat eh. Pwera na lang kung plano niyo ng magsettle down.” Singit ni Brianna.

“What’s with the change of the atmosphere here?” tanong ng taong kararating lang din galing sa stage.

“Guys usual things. Mag-aasaran tapos magkakapikunan,” si Brianna ang sumagot sa kaniya na naging dahilan ng sabay na pagtingin nina Eros at Ceres sa akin.

Binigyan ko sila ng ‘what' look na hindi naman nila pinansin. Mga baliw.

“So Venus…na meet mo na sina mama? I’m sure na-miss ka nila ng sobra. Matagal-tagal na rin kasi noong huling kita namin sa ‘yo. Mag-asawa pa kayong dalawa no'n,” nakangiting tanong ni Brianna na sana hindi niya na lang ginawa.

“Love,” pigil naman ni Vincent.

“Oh! Sorry. No offense ‘yon promise.”

“Mag-asawa? As in….kasal?” pagkakalaro pa ni Claretine.

“Yes dear. Hindi mo alam? Ang cute nga nilang tingnan eh. Bagay na bagay sila for each other,” sagot ni Brianna.

“Bakit hindi mo sinabing may nakaraan pala kayo ni Vulcan?” pasimple namang bulong ni Zeus sa akin.

“Hindi naman ‘yon importante. Tsaka, hindi ka nagtanong kung anong meron sa aming dalawa,” pabulong ko rin na sagot sa kaniya.

Magsasalita pa sana ulit siya ng dumating ‘yong mga pagkain na sinerve ng mga staff ko.

Masaya naman akong marinig ang mga magagandang comments nila tungkol sa pagkain lalong-lalo na kay Brianna na napakahigpit sa food pyramid niya.

Kahit na sabihin kong bitter ako sa closeness nila ni Vulcan, isang malaking achievement pa rin ‘yon kapag pinuri ka niya at inubos ang pagkaing hinain sa kaniya.

Mahahalata mong peke ang komento niya kung hindi niya naubos ang pagkain at hindi man lang pinag-aksayahan ng panahong tikman ulit. Kaya magandang feedback ‘to para sa Double V.

“Si Venus ang may-ari ng catering services na ‘to.” Anunsiyo ni Vulcan sa kanila na literal na ikinagulat ng dalawa.

“Totoo Ven? Nagluluto ka na?” nahihiya naman akong tumango dahil lahat ng mata sa table namin, nasa akin nakatutok.

“Wow! I didn’t expected na matitikman ko ang luto mo. I remembered back then hindi ka lumalapit sa kusina and ayaw na ayaw mo ang amoy ng kusina. That’s why, it is always Gray’s duty to cook food for you para makakain ka ng masustansiya. Marami na nga talagang nagbago sa paglipas ng panahon,” kyemeng ngiti lang ang naisagot ko sa sinabi niya.

“You want some more love? I am sure Venus did great with this food. You surprise me tonight Ven. Good job! Pwede na kitang gawing personal chef ni Brianna lalo pa't napakapihikan nito sa pagkain.”

Ngiti lang ang naisagot ko kay Vincent din. Sus! Kung alam mo lang ang dinadamdam ko d'yan sa asawa mo, magdadalawang isip kang sabihin ang bagay na ‘yan at baka lagyan ko pa ng lason ang buong pagkain ni Brianna. Ayokong maging isang kriminal kaya huwag na lang.

“Love naman…binubully mo na naman ako.” Pagmamaktol ni Brianna.

“Hindi kaya. Ang lakas mo ngang kumain eh,” inirapan lang niya ang asawa niya bago tinutukan ang pagkain ulit.

Matagal na silang mag-asawa ni Vincent pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Ewan ko lang pero sa uri ng pagkain ngayon ni Brianna parang may iba. Hindi ko lang masiguro pero baka may gana lang talaga siyang kumain ng marami ngayon.

“You should escort mom and dad here Vulcan. Para naman ma-meet nila si Venus. It’s been so many years na rin naman. I am sure they miss her,” utos ng kuya niya na agad niya namang sinunod.

Meet the parents ulit? Ayoko ngang makita ang dalawang ‘to tapos gusto pa nilang magkita kami ng mga magulang nila? Mukhang kailangan ko ng makahanap ng paraan para makaalis dito. Pasama na ng pasama ang nararamdaman ko sa lugar na ‘to. Baka mapurnada pa ‘yong plano kapag naabutan ako ng parents ni Vulcan dito.

Strawberries And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon