21

64 1 0
                                    

“Someone you’ve met after you walk out? Huh! Tell me Venus. Daddy ko ba ang naka-one night stand mo para magkaanak ka ng batang kamukha ko?” Nagulat ako sa sinabi niya but I choose to ignore that. I need to think how to escape from him para tigilan niya na ako. Ang problema nga lang, hindi ako makahingi ng tulong because aside from being alone with him in this small place, wala naman akong nakikitang kahit isang nurse sa paligid. At isa pa, nasa baba ang mga guards kaya talagang malabong makahingi ako ng tulong.

“Ano naman ngayon sa ‘yo Vulcan kung nakipag-one night stand nga ako sa daddy mo? Hiwalay naman na tayo kaya huwag mo ng abalahin pa ang sarili mo sa akin at sa anak ko. Wala ka rin namang mapapala kahit na makisawsaw ka,” gatong ko sa spekulasyon niya.

Mas mabuti pa sigurong pikonin ko siya para siya na ‘yong unang umalis.

“Ano naman ngayon sa akin? Of course it matters to me Venus! You don’t court me for a long time and then have your way with my father! Ako ba ginagago mo Venus? I know your taste and dad doesn’t pass either!”

Nagulat pa ako ng pagtaasan niya ako ng boses. Mukhang mali ata ‘yong plano ko.

“Bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin sa akin kung sino ang totoong ama ng bata? Hindi ko naman siya itatakwil kapag inamin mo sa akin na ako ang ama!”

“And then what? Kapag may nabuo sa inyo ni ate Brianna maeetsapwera na lang ‘yong anak ko ganoon ba Vulcan? If Venice is yours, can you be a good father to him? You can’t even be a good husband to me, ano pa kaya ang maging ama?” natahimik naman siya sa sinabi ko. I will not going to give in on what he wants. This time, Venice is my priority.

Magsasalita pa sana siya ng unahan ko na. “But of course, as what I’ve told you earlier. Don’t bother yourself with us kasi Venice is not yours. Kaya pwede ba? Don’t come near me again? If ever man na may gusto kang sabihin, I hope na it’s all about business. Be professional Mr. Natividad. Don’t involve our past in our different present.”

Itinulak ko siya ng marahan upang makadaan ako at ng makababa na. Sigurado akong ako na lang ang hinihintay nila.

Bago sumara ang elevator, malinaw ko pang narinig ang mga huling salitang binitawan niya. “Make sure na nagsasabi ka ng totoo Venus. Kasi kapag nalaman ko ang totoo, and I found out that you are just lying to me to take my child away from me, I will going to hunt you down and takes what is mine in the very first place. Treat this as a warning Venus. I gave you a chance but you still don’t want to tell the truth. Beware.”

Hindi ko tuloy mapigilan ang manginig sa takot habang mag-isa ako sa elevator. Ang daming scenarios na pumapasok sa utak ko. Ang daming possibilities na maaaring mangyari kapag nalaman ni Vulcan ang totoo. I need to find a way para hindi mawala sa akin si Venice. I need to take him far away from Vulcan as much as possible.

With that thought in mind, gumawa ako ng plano para sa amin ni Venice. Pagkatapos ng party, lilipad agad kami ni Venice papuntang ibang bansa. I don’t want to lose my son kaya kailangan kong ilayo siya. If I have to travel the whole world para itago siya sa ama niya gagawin ko. Huwag lang siyang mawala sa akin.

Paglabas ko sa hospital, naabutan ko si Zeus na nakikipagkulitan kay Venice habang may kausap naman si Aether sa cellphone niya. I bet si Valmond na naman ‘yan.

“Grabe naman. Ang tagal matapos ng date niyo ni Vulcan ha. Talagang dinala pa hanggang dito sa hospital,” komento ni Zeus ng makalapit ako sa sasakyan.

Nasa backseat si Venice kaya doon ako dumeretso.

“Ikaw kanina ka pa sa bahay ha. Sinabi ng thank you dinner lang ‘yon. At isa pa, huwag ka ngang magsabi ng kung anu-ano kapag nasa malapit si Venice. Alam mo namang mabilis matuto ang batang ‘yan.” Pabulong na sita ko sa kaniya. Ayokong isipin ni Venice na may iba pang namamagitan sa amin ni Vulcan maliban sa trabaho. Ayoko ring isipin niya na may makakahati na naman siya sa oras ko sa kaniya maliban sa trabaho.

“Eh bakit ka natagalan papunta dito?” pang-iintriga na naman niya pagkatapos niyang isara ang pinto ng backseat.

“Alam mo ikaw, ang hilig-hilig mong makichismis eh. Gusto mo isumbong kita kay Claretine? Sasabihin ko sa kaniya lahat ng sinabi mo noong naglasing ka. Ano?” panghahamon ko na ikinalukot ng mukha niya.

“Ito naman. D'yan ka na nga. Ang lakas mo mambasag ng trip eh,” nagmamaktol na sagot niya bago umikot papuntang driver seat. “Hoy edang aalis na tayo,” tawag pa nito sa kapatid na tinapunan siya ng masamang tingin. Ang hilig mandamay eh.

Nakatulog na sa byahe si Venice kaya hindi ko na lang siya ginising ng makarating kami sa bahay. Matapos kong siguraduhing komportable na siya sa pagtulog niya, agad kong binuksan ang laptop para tawagan si ate. Sana nga lang hindi siya busy.

It takes seconds bago niya nasagot ang tawag ko at ang nakabusangot na pagmumukha niya ang agad ang sumalubong sa akin.

“Ate I have a favor,” saad ko agad. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa at baka maunahan ako ni Vulcan.

“Oh hi there to you too little sister. Don’t worry, okay lang naman ako. Hindi mo na kailangan pang itanong,” sarkastikong ani niya.

“I’m sorry ate. I just need your help,” agad napalitan ng pag-aalala ang mukha niya sa narinig.

“Bakit? May problema ba? May nangyari ba sa bata? Kailangan na ba naming bumalik ni mama d'yan?” sunod-sunod na tanong niya na kung hindi ko pa puputulin ay siguradong hindi matatapos.

“No. I decided na lumipad papunta d'yan after ng big event na ica-cater namin. I still don’t have enough money pa kasi for the plane ticket kaya kung pwede sana makahiram? Don’t worry babayaran kita kapag na-budget ko na ‘yong binayad sa amin.”

“Ano ka ba Venus. Of course I don’t mind kahit na hindi mo na bayaran. Pero sabi mo nga babayaran mo kaya hindi ako aangal d'yan. At isa pa, mama will going to be very happy ngayon na naisip mo ng dalhin ‘yang anak mo dito. Don’t worry about the plane ticket, ako na bahala doon. Kailan mo ba gusto?”

Sinabi ko sa kaniya ang napili kong araw at oras. Mabuti na lang at maaasahan si ate at wala pang ilang minuto ay nakapag-book na agad siya ng ticket namin ni Venice. Ang kailangan ko nalang hintayin ay ang matapos ang party para makaalis na kami.

Bukas ipapaalam ko kina Aether at Zeus ang plano ko para naman hindi sila magulat. Makikipag one-on-one meeting din ako kay Shane para sa Double V. Siya na muna ang bahala habang nasa ibang bansa pa ako. Alam ko namang maaasahan ko siya.

Nag-usap pa kami ng saglit ni ate bago kami nagpaalaman sa isa't isa.

“I’m sorry if mommy don’t have the courage to introduce you to your father Venice. Hanggang ngayon kasi, mommy is still not sure kung wala na bang nararamdaman ang daddy mo sa asawa ng kuya niya. I hope you wouldn’t hate me when you found out na inilalayo kita sa kaniya Venice. I just don’t want you to receive half of his attention. Sorry baby,” hinalikan ko siya sa noo bago niyakap para matulog. Tomorrow will going to be a big day.

Strawberries And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon