60

46 1 0
                                    

"Ito pa mga hijo. Sige, kumain lang kayo. Minsan lang ako nakakapagluto ng pagkaing pinoy dito sa Korea kaya pagpasensyahan niyo na kung hindi kasarapan."

"Mmm...hahdhebsjddj—"

"Don't talk when your mouth is full." Masamang tingin lang ang iginawad ni Eros sa nambatok sa kaniya.

"Don't worry Mrs. Vesta, hindi nga po halatang ilang taon na kayo dito sa Korea dahil sa sarap ng luto niyo."

"Ow, dont praise me too much. Baka masanay ako hahahaha."

"Pwede ka namang masanay Mrs. Vesta. Tutal, we already have someone in common."

Agad akong natigilan sa narinig habang nakatulala sa harapan ng pagkain. Kanina pa nag umpisa ang dinner na sinasabi nila. Kanina pa rin kami nakaupo dito habang sila, masayang nagkukwentuhan sa mga buhay nila samantalang ako, parang mamamatay na sa nerbyos kakaisip kung kailan nila sisimulan ang pagtatanong tungkol kay Venice.

"Ohooo, we have two in common dear." Masiglang pagtatama naman ni mama.

"I strongly agree tita. But I dont know if she also agree though." Lahat naman ng mga mata ay napako sa akin. Dahilan kung bakit imbes na sa bibig ko papunta ang kutsarang hawak, ay naibalik ito sa plato ng wala sa oras.

"What?" Sa dami-dami ng pwedeng tanong na lumabas sa bibig ko at buuin ng utak ko, ang salitang 'ano' ang siyang agad na lumabas dito.

"Nothing. Why aren't you eating?"
Sa tono ng pananalita ni Vulcan ay agad kong nakalimutan ang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. "Kakain na nga sana 'di ba? Sino ba itong bigla-bigla nalang titingin sa akin."

"Then why are you angry? Im just asking why aren't you eating. Hindi pa nagagalaw 'yang pagkain mo oh."

"Eh bakit mo ba kasi kailangan tanungin? It's not like I should report everything to you." Bulong ko sa huli.

"I didn't say you should report everything to me. Im just asking 'cuz I'm curious."

"Curious or not, I don't care. Just finish your business here and fly back to the Philippines where you belong."

"So does that mean you guys are coming with me?"

For the second time around, naibalik ko na naman ng wala sa oras ang kutsarang isusubo ko na sana.

Seconds have pass bago bumalik sa natural na takbo ang utak ko. "What did you say?"

"Don't know that you're deaf already. Ang lapit lang natin nabibingi ka na."

"Kasi binibigla mo ako gago—"

"Venus Grace! Watch your words." Saway ni mama. Gusto ko pa sanang sigawan si Vulcan kaso alam kong nasa panig niya na si mama at ate kaya pinili ko na lang na manahimik at kumain. Bahala siya sa buhay niya, ang importante, busog ako.

"So, is it a yes?"

No comment.

"Gonna ignore me this time?"

No comment.

"Itatakas ko ang bata."

No comment.

"Isasama naman kita."

No comment.

"Venus nakikinig ka ba?"

No comment. Lahat ng sinasabi niya, hindi ko na lang dinidibdib. Mabuti ng maagang matapos kumain para naman makapagkulong ako sa kwarto.
Patuloy lang siya sa pangungulit hanggang sa natapos ako. Kaso ang gago, may huling alas pa palang tinatago.

"Venus I still love you." Lahat ng tubig na hindi ko pa nalulunok ay nagsilabasan sa ilong ko habang umuubo.
Putanginang tubig na 'yan! Traydor!

"Hey! Hey! You fine? Wait, tubig nga Eros."
Hindi ko alam kung anong ginagawa nila dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa ilong ko na sumasakit na.

"Hey baby, here. Drink water."

"Water, water! Kita mo ng tubig 'yong dahilan kung bakit masakit ilong ko ngayon tapos tubig na naman! Bakit ba kasi ang hilig-hilig mong manggulat! Ikaw ba masasaktan ha!" Bahala na kung pagalitan ako ni mama sa pagsigaw sa hapagkainan. Masakit talaga ilong ko eh.

"Dahan-dahan kasi sa pag-inom."

"Hoy mister! Kung hindi lang dahil sayo hindi ako mabibilaukan. Ang sama kaya ng timing mo." Tinapunan ko muna siya ng masamang tingin bago inayos ang damit kong basa na.

"Okay, okay. Enough kids. Refrain your words. May bata tayong kasama." Singit ni mama. Lahat naman kami napatingin na lang sa anak kong walang pakialam sa komusyon sa harapan niya. Basta ang importante, kakainin niya ang paborito niya. Spicy fried chicken.

"I'm going upstairs. I'm so wet. Magbibihis na muna ako." Tatayo na sana ako ng magsalita si Vulcan na alam kong walang silbi ri naman. "Shut up! Masyado pang inosente ang anak ko para makarinig ng kabastusan galing sayo."

Wala siyang nagawa kundi ang manahimik nalang at hayaan akong umalis.

Hay naku! Long weekend nga kaso mukhang mas gusto ko pang magtrabaho kesa ang manatili sa bahay kasama ang mga kumag na 'yon.

Nang makapasok sa kwarto, hindi ko na piniling lumabas pa. Kahit naman pilitin kong kunin si Venice doon sa baba, alam kong pipigilan lang ako ni mama. Sasabihin pa niyang hayaan ko na muna ang bata sa piling ng ama niya. As if naman hindi.

Wala akong ibang ginawa kundi ang tumihaya sa kama habang nakatulala sa kisame. Ayokong lumabas dahil alam ko kung anong mangyayari kapag ginawa ko 'yon. Ang kinatatakutan ko ang siguradong sasalubong sa akin sa labas ng pintong pinagkukublian ko.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung ano ang dapat 'tamang' gawin ko sa sitwasyon ko ngayon. Alam kong naghihintay lang si Vulcan ng pagkakataon para kausapin ako at kumbinsihing hayaan siyang kunin ang bata sa puder ko.
Kahit pa siguro lumuha ako ng dugo sa harapan niya habang nakaluhod ay hinding-hindi niya ako mapapatawad sa pagtatago sa katotohanan tungkol sa anak ko.

Isang malalim na buntong hininga ang dahan-dahan kong pinakawalan habang nakatingin pa rin sa kisame na may blankong isipan. Kahit anong dahilan ang sabihin ko,  sa iisang bagay pa rin hahantong ang lahat. Ang makuha niya ang anak ko sa akin.

Naputol ang pakikipagtitigan ko sa kisame ng sunod-sunod na pagkatok ang ginawa ng kung sino man ang nasa labas ng pinto ng kwarto namin ng anak ko.

"Venus? Gising ka pa ba?" Wala akong balak na pagbuksan ng pinto si ate pero ng marinig na may kasama siya ay agad na nag-iba ang desisyon ko.

"Siguro pagod lang talaga siya. May bukas pa naman. Bukas ko na lang siguro siya kakausapin."

"Sigurado ka? Sigurado akong nag-iinarte lang 'yan."

"It's fine. It's also my fault kung bakit nandito kami ngayon. I dont deserve to be called her best friend dahil nilaglag ko siya."

Nakatayo lang ako sa harap ng pinto habang nakahawak sa door knob nito. I admit nadismaya ako sa pagsasabi niya kung nasaan ako but to hate her because of what she did? It's impossible for me. I know may ginawa si Vulcan para mapilitan siya. It's either the latter blackmail her or promise her one thing. Either way, it doesn't mean that she doesn't deserve to be my best friend.

Strawberries And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon