39

51 1 0
                                    

“No…it’s just that~”

“It’s just that you are sad because I sold it? I’m sorry kung hindi ko ipinaalam sa ‘yo ang pagbenta ko. Inisip ko kasi  na baka ayaw mo ng makialam sa bahay kasi nga…ikaw naman ‘yong nang-iwan.” Huli na ng maisip ko ang huling binitawan kong salita.

Hindi talaga ako nag-iisip ng tama!

“Yeah…sorry. I didn’t mean to open up that.” I can see regret in her eyes but it easily vanish like it didn’t happen ever.

Ibinalik niya ang atensiyon niya sa pagkain. Gusto ko pa siyang kausapin ngunit hindi ko alam kung bakit hanggang titig lang ang kaya kong gawin. Sa huli, itinuon ko na lang din ang atensiyon ko sa pagkain.

Nang matapos, ayoko pang mahiwalay sa kaniya kaya nag-alok na lang ako ng dessert. “Gusto mo ng dessert?”

“No. Huwag na. Masyado ka ng maraming nagastos para sa thank you dinner na ‘to.” Pagtanggi niya na hindi ko tinanggap.

Out of instinct, agad kong sinabi ang mga salitang hindi ko dapat binitawan. “I told you money is not a problem when you’re with me.”

Bakas ang pagtataka sa mukha niya ngunit huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko.

“You…told me? As far as I remember wala ka namang sinabi tungkol sa pera kanina.”

Now it’s my time to feel embarrassed about what I’ve just said.

“Oh! Sorry. Let me correct it. I told you before we separate that money is not a problem when you’re with me.” Pagtatama ko.

Pansin ko lang na habang tumatagal kami dito nagiging parang tanga na ang mga pinaggagagawa at pinagsasasabi ko.

Nakakahiya!

“Ahh…so~” hindi niya natapos ang dapat niyang sasabihin dahil sa tawag na dumating at sumira sa usapan namin.

“May importante siguro.” Udyok ko sa kaniya para sagutin ang tawag.

“Sorry ha. Sasagutin ko lang ‘to. Excuse me.”

Akmang aalis na siya para sagutin ang tawag ng pigilan ko. “You can answer that here. I don’t mind.”

Nag-aalangan man, sinagot niya pa rin ang tawag.

Tinawag ko na lang ang waiter para humingi ng dessert kesa naman ang titigan siya ng matagal.

I don’t want her to feel uncomfortable as much as I don’t want to embarrassed myself more in front of her.

Pilit ko mang hindi makinig, hindi ko pa rin mapigilang marinig ang sinasabi niya.

“Hello Ze—ano? Ano namang ginagawa mo d'yan sa hospital? What do you mean Zeus? Anong nangyari kay Ven..”

Nagtataka man, pinilit kong kausapin si Venus dahil mukhang wala na siya sa sarili pagkatapos ng tawag na ‘yon.

Ano kaya ang sinabi ni Zeus para magkaganito siya?

“Venus what happened? Okay ka lang ba? Namumutla ka.”

Strawberries And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon