46

57 1 0
                                    

After the lunch and after Louell Montecarlos took his leave, binisita ko ang bata sa kwarto nila ng mommy niya. Wala namang kahit na anong kakaiba sa loob ng kwarto bukod sa maraming educational books. Kahit saang lalagyan ako tumingin, puros educational books ang nakikita ko. Hindi ko naman magawamg maghalungkay sa pribadong gamit ni Venus dahil kasama ko si Aether. Baka kung ano pang isipin niya.

“Mommy wants me to focus on my studies after my break time. That’s why there are so many educational books in our room.” Ani ng bata ng mapansin ang tinitingnan ko.

“Oh! Well, my mom also wants me to focus on my studies when I was like your age. You can’t imagine how many educational books I have to read before I can play with my brother.”

Sagot ko rin sa kaniya na ikinagulat niya.

“You have a brother?”

Dahan-dahan ang pagtango ko sa tanong niya. “Yes. I have an older brother.”

Nakita ko naman kung paanong ang masaya niyang mukha kanina ay napalitan ng lungkot.

“What’s wrong kiddo? May nasabi ba akong mali?”

Dahan-dahan ang pag-iling niya habang hindi pa rin nawawala ang lungkot niya.

“How I wish mom and dad reconcile together so that I can have a complete family plus I can ask for a little brother or a baby sister.” Ani niya kapagkuwan.

Nagkatinginan kami ni Aether bago niya kinausap ang bata.

“Baby boy, you believe naman that mommy has her reasons right?”

Tango lang ang naging sagot ng bata.

“Do you hate your mommy because she never introduce your father to you?”

“No po tita Ey. I can’t hate mommy for that reason. I know I still don’t have a clue about everything happen to them but I don’t hate neither of them. I just want to have a sibling though.”

Speechless kaming dalawa ni Aether habang nagbabatuhan ng tingin dahil sa huling sinabi ng bata.

“You comfort him! Bakit mo pa kasi sinabing may kuya ka.” Pabulyaw na bulong ni Aether.

“Bakit ko kasalanan. Nagtanong siya, sumagot lang ako.” Pabulong na sagot ko rin.

“Kahit na! Alam mo namang bata kung anu-anong pumapasok sa utak, ginatungan mo naman.”

“Hindi ko naman alam. Anong malay kong ganiyan pala mag-isip ang batang ‘yan? Tinalo pa ang mga matatanda.”

Para kaming mga timang na nagtatalo habang pilit na hinihinaan ang boses para hindi marinig ng bata ngunit agad na naestatwa ng mapansin kami ng bata.

“What’s happening to the both of you?”

“Ahh..hehehe, alam mo kasi baby boy, naalala ni tita may tatapusin pa pala siyang trabaho. You don’t mind naman Tito Vulcan accompanying you right?”

“Hey? Bakit ako?” Palihim na tanong ko.

“Manahimik ka. May lakad ako. Kasalanan mo kung bakit siya malungkot ngayon kaya kailangan mong panagutan.”

Panagutan? Mas malala pa ‘to kesa ang makasama si Ceres eh.

“Okay lang naman po. I just need to behave para hindi po maging worse ‘yong sprain ko. You don’t have to worry to much tita Ey.”

“Very good. I will give you to Tito Vulcan ha. If you want something just tell him okay?”

Tango lang ang sinagot ng bata bago siya niyakap at hinalikan sa noo ni Aether.

“I don’t know how to take care a child!” bulong ko ng daanan niya ako.

“He’s not a baby anymore. I know you can do it. Valmond's waiting for me, so…bye.” Wala akong nagawa ng iwan kami ng tuluyan ni Aether sa kwarto.

Walang imik na nagbubuklat lang ng libro ang bata habang tinitingnan ko siya.

I know the feeling na kailangan kong basahin lahat ng librong meron ako para payagan ni mommy na maglaro noon. Kaya to see a child experiencing my experience back then makes me sad. It’s not easy at all.

Alam kong bored na siya kaya minabuti ko na lang na ayain siya sa baba para hindi na siya mastress sa mga librong binubuklat-buklat niya lang.

“I notice you don’t have so much toys here.”

“My mommy is a monster when it comes to my studies. I understand her reason that educational books are important than toys but I also want to own even just one toy. I hope when I meet my daddy, he have so many toys so that mommy can’t do anything to stop me from playing.” Mahabang litanya ng bata.

Pinipressure ba siya ni Venus?

“But I know mommy just want the best for me. Maybe this is her way to teach me to be independent while I am young.”

Hanga ako sa taba ng utak ng batang ‘to. Sa ganitong edad kaya niya ng intindihin ang mga matatanda.

“You want to have some toys right?”

“Yes.”

“Then come with me downstairs. I have a surprise for you.”

Nagdadalawang-isip man, ibinuka niya pa rin ang mga braso niya pahiwatig na gusto niyang magpakarga sa likod.

Nang makababa sa hagdan, nagkukumahog siya sa pagbaba sa likod ko para lapitan ang mga laruang hindi pa nagagalaw sa pinag-iwanan ko kanina.

“You’re spoiling him too much. ‘Pag ‘yan hindi pinayagan ng nanay bahala kang magpatahan d'yan. Matagal pa naman bago tumigil sa pag-iyak ang isang ‘yan.” Bulong ni Zeus ng makalapit.

“I will handle his mother. Just let him be. Can’t you see that smile plaster in his face. I don’t have the heart to erase that genuine smile from his face.”

“Well…I agree. Pero labas ako kapag nagalit si Venus ha.”

“Mm. Palagi ka namang naghuhugas ng kamay sa lahat.”

“Hey—”

“Tito Vulcan! Tito Z! Come here. Let’s play!” putol sa kaniya ng bata.

Nauna akong lumapit kay Venice at sumunod naman ang walang magawa na si Zeus.

Hindi nakakagalaw ng maayos ang bata dahil sa injury niya kaya kami ang nagsisilbing kamay at paa niya.

Ginugol namin ang lahat ng oras namin sa paglalaro. Walang katumbas ang kasiyahang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang napakasayang ngiting nakaukit na sa mukha ng bata. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.

Daig ko pa ang amang pinapasaya ang nag-iisang anak sa ginagawa ko. Paminsan-minsan nakikisali din si nay Helen sa amin. Pagkatapos niya kaming hatiran ng merienda ay makikitambay muna siya sa amin sandali bago bumalik sa trabaho.

Dahil sa pakikipaglaro namin sa bata, hindi namin namalayang nakauwi na pala si Aether at kasama pa ang tatlong loko. Saan niya naman kaya napulot ang dalawang ‘yan. Wala naman silang ibang sinabi bukod sa ‘hello everyone' at nakisali na rin sila sa kasiyahan namin.

Sa gitna ng pakikipagkulitan namin sa bata, isang natatanging boses ang narinig namin na siyang nagpahinto sa kalahating araw ng paglalaro namin.

“What’s happening here?”

Strawberries And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon