"What do you need?" Pigil ko sa pag alis nila.
"Venus." Mahinang tawag sa akin ni Aether. Hindi ko pinahalatang masaya akong makita siya. Sa halip, pinanatili kong seryoso ang mukha ko habang bakas naman sa kanya ang pag-aalangan.
"She wants to talk to you. Iwan ko na muna kayo." Sagot ni ate sa tanong ko. Aayaw pa sana si Aether ng bigyan siya ni ate ng matamis na ngiti. I know she knows I'm faking my serious expression kaya hinayaan ko na lang siya.
"Uhmm...ahh... I don't know kung saan magsisimula. Uhm... I'm so—" hindi niya na natuloy ang sasabihin ng bigla ko siyang yakapin ng mahigpit.
"You don't need to be sorry for what you've done. I know binlackmail ka nila. Don't be so awkward towards me Edang. Hindi ako sanay."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay ang masayang tawa niya na ang narinig ko bago niya ginantihan ng mahigpit na yakap ang ginawa ko. "I'm really sorry Ven. I don't want to tell him your current address but your ex-husband is ruthless. Binulgar niya ang relasyon namin kay kuya ng wala man lang pasabi. I can't make him my enemy. I don't have the means to be one of his enemy. I am really sorry."
'Yong galit na matagal ko ng kinikimkim para kay Vulcan ay nadagdagan dahil sa nalaman ko. Ang walang hiyang 'yon, kahit sino ayaw palampasin makuha lang ang gusto. "Shhh, it's okay. I'll handle him from now on." Pang-aalo ko ng mapansing umiiyak na siya sa balikat ko.
After a while of letting her cry in my shoulder, we decided to talk about different stuffs when we parted ways."Totoo? Tapos anong sinagot niya?"
"Ayon, 'yong gago ginawa ba naman akong premyo. Sabihin ba naman kay kuya na hahayaan niyang sirain nito ang lahat ng naipundar niya basta ang kapalit pakakasalan niya ako. Hindi man lang ako sinabihan ahead of time. Edi sana hindi ako nagulat!"
"Hmmm, pero aminin mo, nakakakilig kaya 'yon. Biruin mo? Bilyon ang aabutin ng halagang ipinundar niya sa ibang bansa tapos hahayaan niyang sirain 'yon ni Zeus? You can't find another man like Valmond kaya maswerte ka."
Isang taas kilay na tingin naman ang iginawad niya sa akin matapos kong sabihin 'yon. "Maswerte? But i think you deserve that title. Sino ba ang kayang sirain ang buhay ng ibang tao masundan ka lang? Sino ang kayang gumastos ng mahigit bilyon sa isang araw para lang sa iisang tao? Venus if that's not luck I don't know what to call that anymore."
"Bakit? Sinabi ko bang gumastos siya ng ganoon kalaking halaga para lang mapatawad ko siya? Kung hindi ba naman siya tanga edi sana alam niyang walang patutunguhan ang ginagawa niya." Sagot ko bago siya inirapan.
Mahigit bilyon, para saan? Kahit naman sabihin niyang babayaran niya ako sa mga nagastos ko sa anak ko hindi pa rin 'yon sapat para mawala ang galit ko sa kaniya. Anong tingin niya sa akin? Ganoon kababaw? Malambot lang ilong ko pero hindi ako tan— "Aw! Problema mo?"
"Hellloooo! Nag-uusap tayo tapos lumilipad utak mo? Sarap mo kabonding."
"Sorry naman. May iniisip lang." Mahinang saad ko habang hinihimas ang parte ng noo ko na oinitik niya. Napkasadista talaga ng bruha. Hindi ko tuloy maimagine kung hanggang saan kayang umabot ang relasyon nila ni Valmond. 'Yong isa, ayaw ng hinahawakan sa leeg at natatapakan ang pride, 'yong isa naman, ayaw ng nalalamangan at ginagawang under. Ewan ko na lang talag— "Ops! Wala ng pangalawa. Makakatikim ka talaga ng suntok galing sa akin." Pigil ko ng itaas niya ulit ang kamay niya.
Tawa lang ang sinagot niya bago lumapit sa akin at yakapin ako ulit. "I miss you. Kung hindi lang dahil sa asawa mo hindi tayo magkakahiwalay ng ganito katagal."
"Correction. Ex. Ex-husband." Pagtatama ko bago siya ginantihan ng yakap. "I miss you too. Even Venice miss you."
"Speaking of the kid. Nakita mo sana kung gaano kalaki 'yong ngiti niya ng makita niya kami. Pero mas masaya siyang nakita niya 'yong tito Vulcan niya kuno."
Agad namang pumait ang timpla ko ng dahil sa narinig. 'Kuno'. I don't know paano sabihin kay Vulcan na may anak kami, sa anak ko pa kaya? Ano na lang ang sasabihin ko?"To be honest, I dont onow how to tell them the truth. I'm afraid. Takot na baka hindi siya kayang tanggapin ng bata. Takot na baka ilayo niya sa akin ang bata. Takot na baka kamuhian ako ng anak ko. There are so many what if's na hindi ko alam ang sagot. Ayokong isipin na dehado ako sa huli, pero hindi ko maiwasang panghinaan ng loob. Vulcan is rich. I am just an average. How can i fight my son when he's father is using money in this war?"
"Hey, ang dami mong tanong. Kinausap mo na ba siya? Pinaliwanag mo na ba ang lahat sa kaniya? Hindi pa 'di ba?" Buntong hininga lang ang sinagot ko sa kaniya.
"Ang advance mo kasing mag-isip. Minsan kasi kaibigan, hindi kailangan ng dahas para magkasundo ang dalawang panig. Try to talk to him calmly. Explain your side. Vulcan is not stupid at hindi rin makitid ang utak ng isang 'yon. Can't you see na hinabol ka pa niya dito kahit may problema sa kompanya niya? He's company is lossing millions right now Ven. Now look where he is right now. He's here, pursuing you and he's son. Sa tingin mo wala siyang balak na iuwi ka kasama ng anak niyo? I may not know the real reason behind this chaos you two made, but please consider my advice. Wala rin namang mawawala kung susubukan niyong kausapin ang isa't isa ng mahinahon 'di ba?"
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, sakto namang may kumatok sa pinto.
"Baka 'yong anak mo na 'yan. It's late also, kwentuhan na lang tayo bukas." Saad nito. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil una, baka pagod na siya galing byahe. Pangalawa, baka nga 'yong anak ko na 'yan at inihatid na lang ni ate dahil tulog na. Pangatlo, malalim na ang gabi at may bukas pa para sa kwentuhan namin kaya wala talaga akong rason na pigilan siya.
BINABASA MO ANG
Strawberries And Cigarettes
General FictionPaano nga ba maging isang mabuting ina? Gaano kahalaga sayo ang kapakanan nang anak mo? Ano ang kaya mong gawin para sa ikaliligaya nang anak mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo?