12

70 1 0
                                    

Maaga akong nagising kaya inayos ko na lang ‘yong mga papeles na kakailanganin ko sa meeting mamaya. Ano kayang uri ng kompanya ‘yong Hephaestus na ‘yon? Siguro matandang kalbo ang may-ari ng kompanyang ‘yon at tsaka baka amoy kalawang kasi nga bakal ‘yong produkto nila ‘di ba?

“Ami…are you awake already?” Agad akong napalingon sa kama ng magsalita si Venice. Ang aga niya namang magising.

Iniwan ko na muna ‘yong ginagawa ko at tinabihan siya upang patulugin ulit. “Baby, may work si mommy remember? You should go back to sleep na.”

Nakatitig lang ako sa kaniya habang hinahaplos ang buhok niya. “Sorry Venice. Sana mapatawad mo si mommy dahil hindi niya kayang ipakilala ang daddy mo sa ‘yo.”

Nagulat pa ako ng bigla-bigla siyang bumangon at umupo paharap sa akin. Akala ko nakabalik na sa pagtulog ang isang ‘to. “Mom, I know I am still a kid but I understand. I know how to keep quit and how to ask about random things. I am not a baby anymore.”

“Hmm..bulol ka pa nga eh,” pang-aasar ko na lang sa kaniya. Kung ano-ano talaga ang itinuturo ni Aether sa anak ko.

“Mommy I’m not bulol. I am just doing this because I don’t want you to worry about me. I am already on my second grade this school year and I can manage myself,” natameme ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ng batang ‘to.

“Wha—ho—”

“Mommy, I know you want to baby me and I don’t want to take that away from you. But as time passes, I don’t want you to keep worrying about me when in fact I am now able to take care of myself and you.” Putol niya sa sasabihin ko. I keep on blinking my eyes kasi wala akong masabi. He’s now different from what he is yesterday. Very different.

“Kung ganoon, I want to say sorry kasi…kasi inilihim ko sa ‘yo ang tu—”

“Mom…you don’t need to explain your side. I can wait if you don’t have the courage to tell me your reason yet. I can wait mom,” hindi ko mapigilang hindi umiyak sa mga pinagsasasabi niya. Paano niya nasasasabi ang mga bagay na magpapagaan sa loob ko sa edad niya ngayon?

Talaga ngang totoo na mabilis lumipas ang panahon. Hindi ko man lang namalayan na kaya niya ng umintindi ng problema ng matatanda. “Paano ‘yan? Mabubully ka uli ng mga classmate mo dahil wala kang daddy?”

Tinuyo muna ng maliliit niyang kamay ang mga luha ko bago ako nginitian. “Tito Z's still their for me. He can be my daddy for a while hanggang sa magkaayos kayo ng totoong daddy ko. You don’t have to worry about me mom. Please stop crying.”

“Hmm…pati ‘yong pagtawag mo ng tito kay Zeus hindi na bulol ha. Ginagawa mong nakakatawa si mommy,” pagmamaktol ko.

“Of course not mom. I love you,” malambing niyang saad.

Bakit ang sweet ng baby ko ngayon? “I love you.”

Ihiniga ko siya ulit sa kama bago kinumutan. “Now, go back to sleep kasi maaga pa.” Tinalikuran ko siya pagkatapos niyang tumango para tapusin ang ginagawa ko.

After a while, ng magsimula ng lumabas ang haring araw, minabuti kong sa baba na lang tapusin ang ginagawa ko. Gusto kong uminom ng kape kaya sa may island counter ko na lang inilagay ang laptop ko. Maaga namang nagising si manang at agad na tinungo ang maliit na garden sa labas ng bahay habang si Rosie naman ay naglilinis ng pool.

Strawberries And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon