Natahimik ako ng ilang segundo.Nakatitig lamang din ako sa kaniya.Kung ganoon ay nagalit ngang talaga siya sa aking inasta kanina.Ngunit dapat ay wala na akong pakialam, pero heto at tila hindi naman ako mapakali sa aking mga naiisip.
Ibinalik ko sa pagkaseryoso ang aking ekspresyon bago siya tinalukuran at dumiretso pababa sa Parola.Ang akala ko ay sasaya ako sa sandaling magtutungo ako dito ngunit mas lalo lamang sumama ang aking pakiramdam.Mabilis akong sumakay sa kabayo at pinatakbo iyon papaalis.
Anong akala niya sa akin?Gusto niyang tawagin ko siyang senyorito?Hinding-hindi ko gagawin iyon.Hinding-hindi na ako ulit magpapakababa para lamang sa kaniya kahit na ako ang may kasalanan.
"Senyorita, wala po ba kayong balak na magtungo sa labas?"tanong ni Dolores ngunit nanatili pa rin akong nakahiga.
Nakatingin lamang ako sa kabilang banda ng kulay rosas na pader.Iyon ang paborito kong kulay kaya halos ang buong kwarto ko ay pininturahan ng ganoon.
"Ayaw kong lumabas.Makikita ko lamang si Papa at magtatalo lamang kami.Wala akong oras para siraan si Dulce ngayon."
"Ngunit kailangan mong maarawan.Ilang araw ka ng nagkukulong dito sa'yong silid.Baka magkasakit ka niyan."pangungulit niya bago sumampa sa tabi ng aking kama.
"Huwag mo akong abalahin sa pagpapahinga ko, Dolores!Lumabas ka at iwanan mo na akong mag-isa.Ngayon din!"iritadong utos ko ng akma niya akong hihilahin patayo.
"B-bakit ka ba nagkakaganiyan?Palagi na lamang mainit ang iyong ulo.Ano ba ang problema?Maaari kang magkwento sa akin, Senyorita.Handa akong makinig."
Malumanay pa rin ang kaniyang boses kahit napagsabihan ko na.Nilingon ko siya at pinakatitigan.
"Lumabas ka na.Baka hinihintay ka na ni Javier sa tagpuan n'yo."
Tila naguluhan siya sa aking sinabi.
"Ano ang iyong ibig sabihin?Anong tagpuan?At bakit naman kami magkikita ni Senyorito Javier?"
Bumangon ako mula sa pagkakahiga.
"Bakit naman hindi?Hindi ba ay nagpunta siya dito para sa'yo noong nakaraaan?Ginawa niya lamang akong dahilan ngunit pansin kong ikaw talaga ang nais niyang makita."
Bahagya pang humina ang aking boses.Ang nagtatakang mga mata ni Dolores ay napapikit dulot ng kaniyang pagtawa.
"At ano ang nakakatawa sa sinabi ko?"nakataas ang kilay na tanong ko.
"P-pasensya na Senyorita, ngunit nagkakamali ka ata ng iyong sinasabi.Hindi ako ang hinahanap ng Senyorito Javier noong nakaraang nagtungo siya dito.Ikaw talaga ang kaniyang pakay pero itinaboy mo naman siya papaalis."paliwanag niya kaya natahimik akong bigla.
"Huwag mong sabihing pinagselosan mo ako?Kaya ka ba nagkukulong dito sa iyong silid ay dahil sa nagseselos ka?Hindi ba maalis sa iyong isipan si Senyorito Javier?"mapang-asar na tanong niya kaya napaikot ang mga mata ko.
"Huwag mo ng dagdagan ang init ng ulo ko.Lumabas ka na nga!"
Tumayo siya ngunit hindi naman lumayo.
"Ayaw ko rin.Hindi ako lalabas hangga't hindi ka kasama.Hindi ka pa kumakain ng umagahan at nalipasan ka na ng gutom.Hindi ba ang bilin sa'yo ng Senyora Gracia noon ay huwag na huwag kang magpapalipas ng kain?Ano na ngayon ang iyong ginagawa?Sinusuway mo siya."
Napanguso ako at sinamaan ng tingin si Dolores.Alam na alam niya talaga kung papaano ako mapapasunod.Wala akong nagawa kundi ang bumangon sa aking kama at samahan siya sa pagbaba.
"Huwag kang mag-alala dahil nasa silid-aklatan pa ang iyong Papa.Kanina pa siya nakakain ng tanghalian."wika ni Dolores.
Nang masulyapan ko ang orasan sa gilid ay nakita kong halos mag aala una na ng hapon.Ganitong oras nga ay abala si Papa sa trabaho at hanggang gabi na siya halos sa silid-aklatan kapag nandidito siya sa bahay.
Isang sulyap at muwestra ng kamay ang iginawad ko sa mga ibang katulong.Senyales iyon upang umalis muna sila sa loob ng silid-kainan.Ayaw ko ng may ibang taong nakikita maliban na lamang kung sanay na ako.Hindi na sumabay sa akin sa pagkain si Dolores dahil kanina pa siya nakapagtanghalian. Panay ang kwento niya ng kung ano-ano at halos wala na akong maintindihan.
"Kailan ka pala luluwas muli ng Santo Cristo?Hindi ba ay malapit ng magsimula ang iyong pag-aaral sa medisina?"usisa niya.
Uminom ako ng tubig bago siya sinagot.
"Sa susunod na buwan pa iyon."
Ang bayan ng Santo Cristo ay ang lugar kung saan naroroon ang mga sikat na pribadong paaralan na para lamang sa mga matatalino at mayayamang kagaya ko.Halos wala pang isang libo ang estudyante doon dahil sa kwalipikasyon.Nasa ikadalawang taon na ako sa pag-aaral ko ng medisina sa susunod na pasukan.Inihahatid ako at sinusundo ng aking Papa kung hindi siya abala sa trabaho, ngunit mas madalas ay ang ilang gwardya ang sumusundo sa akin mula sa eskwelahan.
"May ipinadala nga palang liham para sa'yo si Senyorito Atayde.Sandali at kukuhanin ko lamang."aniya bago tumayo at lumabas.
Ilang minuto pang paghihintay at bumalik siyang muli bitbit ang kulay kremang sobre.Ipinaligpit ko na sa kaniya ang aking mga pinagkainan.Binuksan ko ang sobre at sumimoy ang napakabangong amoy ng papel sa loob non.
Senyorita Rosalia Teresita,
Una sa lahat ay nagpapasalamat ako
sa mainit mong pagtanggap sa akin sa inyong hacienda.Kung hindi ka abala sa iyong mga ginagawa ay maaari kang magtungo rin dito sa aming lugar.Ikagagalak kong masilayan kang muli.Nagmamahal,
Atayde Ibarro Magallanes
Wala namang kakaiba sa liham.Wala akong panahon upang magtungo sa kanilang lugar dahil napakalayo non mula dito.Inabot kong muli kay Dolores ang liham at sobre."Ano ang aking gagawin dito?Ilalagay ko ba sa iyong silid?"
Umiling ako.
"Itapon mo na lang siguro.Wala namang mahalagang nakasulat dyan kundi pasasalamat lamang at inbitasyong muli na magpunta ako sa kanilang hacienda."
"Itatabi ko na lamang.Sayang naman."aniya.
Sa araw na iyon ay nagpasama ako kay Dolores na magtungo sa aking silid-aralan.Tila gustong gumuhit ng aking mga kamay kaya naman siya ang ginawa kong modelo at iginuhit ko ang kaniyang mukha.
Maganda si Dolores, ang kaniyang mahaba at medyo kulot na buhok ay kulay tsokolate at ang kaniyang mga mata ay tila may kakaibang kislap.Hindi ko alam ngunit habang nakatitig ako sa kaniyang mga mata ay nagiging pamilyar iyon sa akin.Parang may nakita na akong kagaya non o baka nagkakamali lamang siguro ako.
BINABASA MO ANG
Anathema of Rosalia Teresita
Historical FictionAgravante Legacy : Anathema of Rosalia Teresita Sa bayan ng San Agravante ay nakatira ang dalawang pinakamayaman at maimpluwensiyang mga pamilya, ang mga Hermedilla at Agravante. Si Rosalia Teresita Hermedilla ang nag-iisang anak ng Senyor Ernesto n...