Capitulo Cuarenta y Tres

22 1 0
                                    

Pinahinto ko sa pagtakbo si Amsterdam nang matanaw ang napakalaking tarangkahan ng hacienda Agravante, sa gitna non ay nakasulat ang kanilang apelyido.Sa tulong ni Jose ay nalaman ko ang daan patungo dito.Sa tinagal-tagal kong namumuhay dito sa aming lugar ay ngayon lamang ako nakatungtong sa kanilang lupain.

Hindi lamang si Javier Salvi ang aking sadya, ngunit pati na rin si Greta ay nais kong makita at makausap.Napag-alaman kong hindi na siya nakatira sa mansyon simula noong maikasal siya kay Javier, iyon ang sabi ng isa sa mga katulong na aking nakausap.

Bumaba ako mula sa kabayo at lumapit sa anim na nakahilerang mga gwardya doon.Lahat sila ay nakatayo ng tuwid habang may hawak na baril.

"Nais kong makausap si Javier Salvi."wika ko.

"Sino ka at ano ang iyong sadya sa kaniya?"tanong ng isa sa kanila.

Pinakatitigan ko sila bago nagsalita.

"Rosalia Teresita Hermedilla."

Nagkatinginan silang lahat at tila isa iyong hudyat na maaari na akong makalampas sa entrada.Pinapasok nila ako sa loob.Iginala ko ang aking paningin sa paligid at masasabi kong higit na mas mawalak nga ang lugar na ito kumpara sa aming hacienda.Ngunit hindi ako nagtungo dito upang mamasyal at humanga sa mga nakikita.May nakasunod sa aking gwardya kaya nilingon ko siya.

"Kung maaari ay tawagin mo si Javier Salvi.Banggitin mo lamang ang aking pangalan at pakisabing nandidito ako."

Tumango siya bago naunang maglakad papalayo.Mula dito ay natatanaw ko siyang pumasok sa isang napakalaking pintuan ng mansyon ng mga Agravante.Halos ilang minuto akong naghintay doon at sa sandaling natanaw ko ang isang pamilyar na lalaking naglalakad papalabas ng pintuan ay siya ring pagbagsak ng aking mga luha.Habang lumalapit siya ay mas lalo akong nasasaktan.Hindi ako nakakilos sa aking kinatatayuan hanggang sa napagtanto kong halos isang dipa na lamang ang aming distansya.

Kahit nanlalabo ang aking mga mata ay pinilit kong tumitig sa mga mata ni Javier Salvi.Mula doon ay bumaba ang aking tingin sa kaniyang kanang kamay at halos mapaatras ako nang makitang may nakasuot ng singsing doon.

"Bakit, Javier Salvi?"

Iyon ang unang katanungang lumabas sa aking mga labi.Sa sobrang dami kong katanungan para sa kaniya ay hindi ko na malaman kung ano ang aking uunahin.

"S-sinabi mong ako ang iyong mahal, na a-ako lamang ang iyong p-pakakasalan kaya bakit mo iyon nagawa?Sagutin mo ako, Javier."

Nanatili siyang nakatitig lamang sa akin at hindi ko mabakasan ng kahit na anong emosyon ang kaniyang mga mata.

"Totoo bang ikinasal ka na?"

"Oo."maagap na sagot niya na ipinanlumo ko ng husto.

"At kay Greta, t-tama ba?"

Pinahid ko ang aking mga luha upang mapagmasdan siya ng maayos.Marahan siyang tumango.Hindi na ako nakatiis at lumapit na upang sampalin siya.

"Ilang buwan kang hindi nagparamdam sa akin!Sumulat ako at halos hindi ko na mabilang ngunit kahit isa doon ay wala akong natanggap na mensahe pabalik mula sa iyo!Javier, k-kahit na anong pambabalewala ang ginawa mo sa akin ay tiniis ko!Kahit na noong wala ka sa tabi ko noong umiiyak ako dahil sa problema ay inintindi ko!I-ipinaglaban kita kay Papa, pero ngayon ay ano ang iyong ginawa?!"

Muli ko siyang sinampal at ni isang daing ay wala akong narinig.

"Bakit kay Greta pa?Ako ang iyong kasintahan at wala akong natatandaang tinapos mo ang ating relasyon kaya papaano mo naatim na pakasalan siya?!Habang nasa malayo akong lugar ay mababalitaan ko na lamang na matagal ka na palang ikinasal?Pinaasa mo ako!Hinayaan mo akong mahalin ka ngunit mayroon ka na palang iba!"

Nang sa pangatlong beses ko siyang akmang sasaktan ay hinawakan niya ang aking braso at tumitig sa aking mga mata.

"Tumigil ka na!Ano pa ba ang gusto mong marinig?Oo, ikinasal na ako kay Greta!Sa sandaling nagpalitan na kami ng aming mga pangako sa harap ng dyos ay tinapos ko na ang ating relasyon!"

"G-ganoon ba kahirap para sa'yo na sabihin sa akin na may mahal ka ng iba?"

Nakita kong natigilan siya ng bahagya.Binitiwan niya ako at halos mapalayo ako ng husto sa kaniyang ginawa.

"J-Javier, akala k-ko ba mahal mo ako?Papaano na ang mga ipinangako mo s-sa akin?Kalilimutan mo na lamang ba iyon?"

"Sinabi ko na sa'yong tumigil ka na!Hindi na kita kayang mahalin dahil sa'yong mga ginawa!Hindi kita maatim na puntahan at makita dahil hindi maalis sa isipan ko ang mga nangyari!"

"Wala akong n-naiintindihan sa'yong mga sinasabi.A-ano ba ang naging kasalanan ko para magkaganiyan ka?Gayong wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka ng lubusan, ngunit ito pa ang igaganti mo sa akin?"

Sumeryoso ang kaniyang ekspresyon at halos hindi ko na makita pa ang lalaking minahal ko noon.Ibang-iba na si Javier Salvi.Sa nakalipas na panahon ay nagbago na siya ng tuluyan.

"Nakababatang kapatid ko si Dolores at ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay!"

Tila nabingi ako sa aking narinig.Umawang ang aking mga labi dahil sa pagkagulat.Dahan-dahan akong umiling.

"Hindi maaari ang iyong sinasabi!Papaano mo magiging kapatid si Dolores gayong ulila na siya?Sinabi niyang namatay ang kaniyang ina dahil sa sakit!Isa siyang Montecillo at hindi Agravante!"

"Nagsasabi ako ng totoo, Rosalia.Anak ni Papa si Dolores sa isa naming kasambahay.Nang malaman ni Mama na si Dolores ang naging bunga ng pagtataksil sa kaniya ng aking ama ay pinalayas niya sila.Namuhay sila sa hirap at makalipas ang ilang taon ay namatay ang kaniyang ina.Doon n'yo siya natagpuan sa gilid ng simbahan kung saan sila nanirahan."

Hindi maari iyon!Si Dolores, isa siyang Agravante at kapatid niya si Javier Salvi?Kaya pala sa tuwing titingin ako sa mga mata ni Javier ay nagiging pamilyar iyon sa akin, sapagkat may pagkakatulad sila ni Dolores.At kaya pala ganoon na lamang ang reaksiyon ni Dolores sa tuwing makikita niya si Javier.Siya pala ang kaniyang nakatatandang kapatid.

"Kinupkop n'yo nga ang aking kapatid at ipinagpapasalamat ko iyon, ngunit ginawa n'yo naman siyang alila sa inyong hacienda!Isang personal mong tagapagsilbi!"

Nanlaki ang aking mga mata sa ibinibintang ni Javier.

"H-hindi ganoon ang pagtrato ko sa kaniya!Javier, kung alam mo lamang ang aming pinagsamahan.Kahit kailan ay hindi ko itrinatong iba si Dolores kaya huwag na huwag mo akong pagsasalitaan ng ganiyan!"

"Ngunit nang dahil sa'yo ay namatay pa rin siya!Ang pinakamasaklap ay napagsamantalahan siya, Rosalia!Nang dahil sa'yong kapabayaan ay nawala sa akin ang nag-iisa kong kapatid!Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin sa sandaling nalaman kong kadugo ko siya!"

"Kahit kailan ay hindi ko hiniling na mamatay si Dolores o ang kahit na sinuman!Huwag mo akong akusahan sa isang bagay na hindi ko ginusto at sinadya!Dahil ba doon kaya mo a-ako nagawang ipagpalit kay Greta?S-sana kinausap mo muna ako bago ka nagdesisyon!Sana nakinig ka muna sa akin!"

Bakas ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Javier.

"I-ilang ulit ko bang dapat sabihin sa'yo na w-wala akong kasalanan para maniwala ka?"

Anathema of Rosalia TeresitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon